C H A P T E R 33

867 38 0
                                    

Kaye's POV

H-Huh?

Anong pinag sasasabi ng gagong 'to?

'I said I like y---

'CUT!!! GOOD TAKE AND GOOD JOB EVERYONE! IT'S A WRAP!' sigaw ng direktor.

Nakita kong papunta sa direksyon namin si Alex.

'Finally babe! We're done!' sabi siya saka pinulupot ang kaniyang kamay sa bewang ko, nakita ko namang nakatingin dito si Alfred.

'Good job babe.' sabi ko naman saka siya nginitian.

'Come on i'll treat you, saan mo gusto?' tanong ni Alex.

'Gusto ko sa Zark's babe.'

'Okay then, Zark's it is. Mag papaalam lang ako sa mga staff at kay Xandra.'

Tumango naman ako at inintay siya.

'Really huh? Nananadya kaba Kaye?' imik ni Alfred.

'Anong pinag sasasabi mo diyan?' walang gana 'kong tanong.

'Fuck! I just confessed my feelings to you. Wala lang yun sayo?!' naiinis niyang sabi.

'Ah dapat ba meron?' mas lalo ko siyang inaasar.

'What the fuck Kaye?!!'

'Hibang kana ba Alfred?! My ex is your friend, your brother is my friend na sinasaktan mo at most important of all MAY GIRLFRIEND KA na kakilala ko. Tanga ka?' I said and rolled my eyes at him.

'Ano meron dito?' napatingin si Alfred sakaniyang likuran at andoon si Xandra.

'Wala.' sagot ni Alfred.

'Tara na babe!' sigaw na Alex kaya tinalikuran ko nalang sila.

---

Nang matapos kami kumain ni Alex ay dumiretso na kami sa bahay para makapag pahinga.

Ako ngayon ay nag bibihis dahil kakatapos ko lang maligo samantalang si Alex ay nasa kwarto niya at kanina pang may tinitingnan sa laptop niya.

I brushed my hair at nag lakad papunta kay Alex.

'Babe, nakausap mo na ba yung Engineer?' tanong ko.

'Yup, nasabi ko na yung sa materials.' sabi niya habang nakatutok padin sa laptop.

'Hmm.. Mukhang okay to ah.' bulong niya kaya lumapit ako sakaniya.

'Ano ba yan?' sabi ko habang nakapatong ang aking baba sa balikat niya.

Condominiums nearby.

Napakunot ang aking noo, 'Bakit ka nag hahanap ng condo?' tanong ko.

'Syempre babe, hindi naman habang buhay dito ako sa bahay mo eh. Nakakahiya na.' sagot naman niya.

Aalis na siya?

'Gaga! Ikaw paba? Mahihiya?'

'Eh ilang buwan na din kasi ako nakatira dito, so I'm now planning to buy a condo.'

Para naman akong nakaramdam ng lungkot sa sinabi niya, maiiwan nanaman akong mag isa dito.

'Iiwan mo na ko babe?' mahina kong sabi.

'Sira ka talaga, syempre hindi! Lilipat lang ako ng tirahan pero di kita iiwan. Eto naman di pa ko naalis miss na ko agad.' sabi niya at bahagyang tumawa.

Ako naman ay sumandal sa ulunan ng kama at pinag krus ang braso.

Sa totoo lang nasanay na din ako na umuuwi dito sa bahay na alam kong may madadatnan ako, o kaya may iniintay akong umuwi.

At si Alex 'yon.

Kaya parang labag sa kalooban ko ang sinasabi niya.

'Asus! Kunwari kapang nag tatampo diyan Kaye, if I know happy ka kasi makakapag uwi kana ng boylet! Diba sabi mo gusto mo na mag ka-boyfriend? Eh paano mo naman maa-achieve yun kung kabuntot mo ako lagi.'

Napairap nalang ako sa sinasabi niya.

'Atsaka syempre vice versa, may maiuuwi na din akong fafabols sa condo pag nakabili na ko hihihi!'

Ayun naman pala eh, may dahilan siya.

'Miss ko na kaya ang mag painit sa gabi!' excited niyang sabi.

Ngayon nalang uli siya naging ganito, narinig ko nanaman ng matinis niyang boses.

I sighed. Oo nga pala, baklita ang kaibigan kong 'to.

Pinaltok ko siya ng unan.


'Landi mo!'

---

He is SheWhere stories live. Discover now