C H A P T E R 40

903 31 0
                                    

Kaye's POV

Ewan ko ba kung nananadya ba yung babae na 'yon o sadyang may pakay siya. Ah basta I don't trust her.

She may have a pretty face but I think there's really something about her na hindi ko gusto.

'Huy tulala ka diyan!'

Napabalik ako saaking sarili nang umimik si Rose. Andito ako ngayon sa Café, matapos naming mag hakot at mag ayos sa condo ni Alex ay nag punta muna ako dito, samantalang siya ay pinupuntahan ang susunod naming branch.

'Uh.. May naisip lang ako.' sagot ko naman.

'Parang nakakalunod naman yang iniisip mo ah? Ang lalim.' sabi niya.

Umiling ako, 'Wala 'to may bigla lang sumagi sa isip ko.'

'Sus miss mo na ba agad si Alex?'

Kumunot ang noo ko, 'Di--

'Ayoko makinig sa mga sinungaling at denial!' sabi niya at uminom ng kape.

'But I'm telling the truth Rose.' dipensa ko.

'Sige nga, sabihin mo saakin ngayon. Tumingin ka sa mata ko.'

Agad naman akong tumingin sakaniya.

'Sabihin mo saakin na hindi mo mamimiss si Alex. Sige.' seryoso niyang sabi.

Napanguso naman ako at hindi agad nag salita.

'Oh kita mo na! Nag dalawang isip ka. Nakuuuu!'

Ipinatong ko ang aking baba saaking palad, 'Fine.. Sige na nga Rose, mamimiss ko na yung KAIBIGAN KO.' pag diin ko.

Tumaas ang gilid ng kaniyang labi, 'Bakit ba ang aarte niyo ha? Kainis naiinip na ko dito! Bigyan niyo na ako ng apo!'

Hindi ko alam kung nag bibiro ba siya o ano, 'Sige ilang batik ba gusto mo?'

'Gusto ko kamuka niyo ni Alex.' sagot naman niya.

Bigla ko namang naalala sina mama at papa, parang gusto ko tuloy sila bisitahin. Siguro sa susunod na pag bisita ko saamin, isasama ko na si Alex.

---

Alex's POV

4:00 pm.

After I finished checking out the 2nd branch ay agad din akong bumalik sa condo. Balak ko pa sanang dumaan sa main, pero sa tingin ko ay bukas nalang ko papasok, tutal andoon naman si Kaye.

Gusto ko din kasing i-familiarize ang sarili ko dito, ibang ambiance at atmosphere na 'to.

Ang tahimik nga lang dahil ako lang mag isa, wala akong kaaway, walang maingay, walang makulit, walang nag aasikaso ng mga kailangan ko, walang nag hahanda ng pagkain ko, walang katabi pag tulog, walang mayayakap pag nagkakaroon ng masamang panaginip.

.

.

.

.

.

.

.

'Walang Kaye.' bulong ko.

Napasabunot ako saaking sarili dahil sa nasabi. Aish! Why would I think about that?

Pabagsak akong humiga sa kama at inalis ang T-shirt ko. Naninibago lang ako kaya ganito, masasanay din ako.

Napapikit ako at balak ko sanang matulog kaya lang biglang may kumatok.

Baka si Kaye yun.

Agad ako napabalikwas sa kama at agad na nag punta sa pintuan para buksan.

Pag bukas ko ay bumungad saakin si..

.

.

.

.







'Xandra?'

Napatago naman ako sa may gilid ng pinto dahil wala akong T-shirt.

'Oh hi Alex! Here oh I bought some foods, ako nag luto niyan. Andito kasi ang kuya mo sa condo ko kaya nag luto ako, eh since kalapit lang naman kita dinalhan na rin kita.' sabi niya at inabot ng isang bowl na may ulam.

'Wow, thanks Xandra. Uhm.. So alam ni Kuya na dito na ko nakatira?' tanong ko.

Tumango naman siya, 'Well yes, sinabi ko.'

'Ahh ganon ba, anyway salamat dito ha?' sabi ko.

'You're welcome, sige balik na ko dun.'

Tumango ako at sinaraduhan ang pinto. Nilagay ko ang ulam sa lamesa at tinakpan ito, akala ko pa naman si Kaye.

Bumalik na lamang ko sa pag kakahiga at nag cellphone, nag scroll lang ako sa IG, doon ko lang narealize na puro lalaking maskulado pala pina-follow ko.

Napatampal ako saaking noo at isa isa silang ini-unfollow.

Siguro ay kalahating oras din akong nag s-scroll sa social media at napag desisyunan kong maligo muna para presko ang pakiramdam ko.

Ini-handa ko ang aking damit at tuwalya.

*knock knock*

Napatingin ako sa may pintuan at sinilip sa peephole.

'Si Kuya..' bulong ko.

Bumuntong hininga muna ako bago ko ito buksan. Ano naman kayang kailangan niya?

'Uh.. Kuya anong kailangan mo?'

Nakapamulsa siya at tumingin saakin, 'Wag mong kalimutan ang sinabi ko sayo Alex, hindi mo na ko kailangan pang tawagin na Kuya.'

'Kung ganon, anong kailangan mo?' pag ulit ko.

'Well, actually wala naman ako kailangan sayo, I just wanna ask bakit hindi ka saamin kumuha ng Engineer sa Café niyo?'

Ha? Seryoso ba siya?

'Pati ba naman yon kailangan pang palakihin? Pakiramdam ko lang naman mag kakapersonalan tayo doon kaya sa iba ako kumuha ng Engineer. Yun lang.' sagot ko.

Nag sasabi naman ako ng totoo.

'Talaga ayun lang?' he smirked. 'Oh baka naman ayaw mong mapalapit ako kay Kaye?'

Oh bakit nadamay si Kaye dito?

---

He is SheDonde viven las historias. Descúbrelo ahora