C o n t i n u a t i o n

881 39 0
                                    

Kaye's POV

Dali dali akong umalis mula sa pag kakapatong kay Alex at tumayo. Agad ko naman naramdaman na binalutan ako ng kumot ni Alex.

'Damn it. Wala kang bra.' bulong niya.

'So anong meron ha?' nakakalokong tanong ni Kuya Aj. 'Hehe next time mag lock kasi kayo ng pinto nang walang istorbo, diba Alex?' parang proud na proud siya sa kapatid niya.

Napakamot sa ulo si Alex, 'Uh.. Bakit nga pala napunta ka dito Kuya?' tanong niya.

'Well, balak ko lang namang bumisita, may dala ka din akong alak atsaka crispy pata! Hindi ko naman inaasahan na may free live show dito HAHAHAHAHAHA!!'

Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng aking dugo sa pisngi.

'PUTA HAHAHAHAHA! MUKHA KAYONG KAMATIS NA MAY KATAWAN! HAHAHAHAHAHA!'

Pag tingin ko kay Alex ay namumula na din pala siya.

Umakbay siya saakin, 'Mag short ka naman.' sabi niya.

'May cycling ako, hindi lang kita.' sagot ko naman.

'Atleast wear a bra!' gigil niyang sabi.

'AHERRMMM!! Tapos na kayo mag landian?' singit naman ni Aj.

'Tara sa sala kuya.' sabi ni Alex at bumaling siya saakin, 'Wear something down there, pag hindi ka nag suot di ka makakalabas ng kwarto sige.' papanakot niya.

I rolled my eyes at him at nag dadabog na pumunta sa cabinet, sila naman ay lumabas na at rinig ko padin ang tawa ni Aj.

--

Alex's POV

Pag dating namin sa sala ay agad namang nilapag ni Kuya Aj ang mga dala niya.

'Ikaw ha. Kaya naman pala ayaw mo na umuwi!' pang aasar niya.

Napailing naman ako.

I have to tell him na buntis si Kaye.

Binuksan niya ang isang bote ng alak at inabot ito saakin. Agad ko naman itong ininom.

'Wow ayan na agad laman ng tiyan mo? Kakagising mo pa lang.' masungit na sabi ni Kaye habang nag lalakad papunta saamin suot ang pajama niya at Tshirt ko.

'WHOAAAA!! UNDER KA PALA TOL! HAHAHAHAHAHA!' tawang tawa si Kuya Aj.

Sinenyasan ko si Kaye na tumabi saakin at sumunod naman siya pero nakakunot ang noo.

'May sasabihin kami Kuya.' seryoso kong sabi, ramdam ko ang pagtingin saakin ni Kaye.

'Wait up! Parang seryosong seryoso yan ah? Go ahead I'm listening.' sabi naman niya.

Pinulupot ko ang aking braso sa bewang ni Kaye, 'She's staying with me.' I said.

'Asus! Akala ko naman kung ano! Wala na bang bago diyan--

'And she's pregnant.'

Naibugan ni Kuya Aj ang kaniyang iniinom na alak at ang iba ay lumabas pa sa ilong niya!

'Yuck!!!' pandidiri ni Kaye.

'PUTA?! SERYOSO BA KAYO?!' di makapaniwala niyang tanong at umaanod pa pamula sa bibig niya ang alak.

Tumango naman ako, 'I'm the father.' proud kong sabi.

'WHAT THE HELL MAN?!! I THOUGHT YOU'RE...

'Gay?' pag dugtong ko sa sinasabi niya. I shrugged my shouders, tumingin ako kay Kaye.

'I can be a man for my baby.' I sincerely said.

'OHHHH SHIIIITTTTTTTTT! THAT'S MY BRO!!'

I glanced at Kaye and she's biting her lip.

'Akalain mo yon?! Naunahan mo pa kami ni Kuya! Fuck I can't believe it I swear!' tumayo si Kuya at inabutan din ng alak si Kaye.

'CHEERSSSSSS TO YOU MY BROTHER! AND CHEERS TO MY INCOMING PAMANGKIN!' sigaw niya.

'Nope nope. No alcohol for my Kaye and my baby.' sabi ko at inilayo ang alak.

'Ay oo nga pala no! HAHAHAHA edi ikaw nalang uminom para kay Kaye!'

Tinanggap ko ang alak. 'CHEERS! / CHEERS!' 

Ramdam ko ang init ng alak saaking dibdib.

'Wag masyado madami ah?' imik ni Kaye, mahina lang na akala mo'y nahihiya.

'Oo naman, babantayan ko pa kayo ni baby.' sabi ko naman at umiwas siya ng tingin.

'Kumain ka naman muna kahit kaunti.' she said without looking at me.

'Sige na nga kakain na muna ako.' sabi ko naman.

'Ano ba yan! Ang aarte!' komento ni Kuya Aj.

Napatawa ako, 'Tukmol! Pati ikaw kumain ka din muna!'

--

Matapos naming kumain tatlo ng kanin ay nag simula na ulit kaming mag inom. Si Kaye ay nasa tabi ko lang at nag ce-cellphone.

'Gaano na pala katagal buntis si Kaye?' tanong ni kuya Aj.

'Mag one month na.' sagot ko naman.

'Whoaa so mag one month na din simula nung nag yugyugan??!!'

Binato ko si Kuya ng tanzan nitong alak. 'Siraulo!'

'Alex..' kinulbit ako ni Kaye.

'Hmm? Bakit?' tanong ko.

'Pipino.' sabi niya at nakahibi pa.

'Teka ikukuha kita sa re--

Umiling siya, 'Gusto ko yung may suka at paminta.'

'Ha? Eh baka naman maasiman tiya--

'Sige na please.' pag mamakaawa niya.

'PAG BIGYAN MO NA!' sigaw ni kuya Aj.

'Okay okay. Wait for me.' tumayo ako at nag punta sa kusina.

Nag gayat ako ng mga pipino at nag halo ng suka pati paminta.

'Sabi ko na nga ba kayo mag kakatuluyan!' rinig kong sabi ni Kuya Aj kay Kaye.

Hinalo halo ko ang pipino sa isang sulyaw at bumalik na sala.

'Here.'

'Woooooow!!!!' agad na kinuha ni Kaye ang sulyaw at kinain ang pipino. '*nom* *nom* sarapppp! *nom*'

Napangiti ako at nag simula na uling uminom, medyo nakakarami na din kami at natatablan na ako ng alak.

'Kailan mo balak sabihin kila Dad 'to?' tanong ni Kuya.

'Di ko pa alam, baka wala na pakielam saakin si Dad eh.'

'Gunggong! Mayroon yun!'

Ilang oras pa ang lumipas at nag iinit na ang aking katawan. 'Kuya! May utang pala ako sayo! Hahaha!' sabi ko.

'Talaga? Paano?'

'May utang ako sayong ONE HUNDRED THOUSAND!'

'Paano nangyare yon? Eh hindi ka naman humihiram ng pera saakin.'

'Eh diba nakipag pustahan ka, pag napatigas ako ni Kaye I need to give you the money!'

Humarap ako kay Kaye, I held her chin, 'Eh nag tagumpay 'to. Napatigas ako.'

Bahagyang nanlaki ang mata ni Kaye.

'Tanga. Lasing kana.' bulong niya.

Napatawa ako at mas nilapit siya saakin, ngayon ay nakasandal na siya sa may dibdib ko habang kumakain ng pipino niya.

'Ay tangina, mabuti pa pala nag dala ako ng babae! Kainggit kayo ah!' bulyaw ni Kuya Aj.

Rinig ko naman ay pag tawa ni Kaye. Pinunas ko ang gilid ng labi niya dahil may paminta ito.

'Amos naman.' sabi ko.

Muli kong hinawakan ang baba niya, 'You okay mommy?' I said.

She smiled at me.

A genuine smile.



'Yes daddy.'

---

He is SheWhere stories live. Discover now