C H A P T E R 64

675 21 3
                                    


Kaye's POV

Mabilis akong tumalikod para lumabas dahil hindi ko masikmura ang pangyayareng nakita ko.

How could you Alex?

Paano mo nagawa saakin 'to?

Kita ko na para siyang nahihirapang mag lakad. Pero hindi ko nalang ito pinansin, hindi ako tanga para hayaan lang ang mga ganung bagay.

Nasa front door na ako at akmang lalabas nang may marinig akong mga nahulog.

'Sir Alex!!'

Napalingon ako nang sumigaw ang isa naming waiter.

Pati ang mga ibang customers ay nag kagulo.

'BADETTE! TUMAWAG KA NG AMBULANSYA!!' sigaw ng isa.

Dali dali kong tiningnan kung ano nangyare at..

.

.

.




.

'ALEX!!!!!!' nakasaksak sa kaniyang tiyan ang isang kutsilyo at napakaraming dugo ang lumalabas sakaniya.

Napaluhod ako at hinawakan ko siya sa kaniyang dibdib, his heartbeat is slow.

'Alex! Wake up, wag kang pumikit!!' natataranta kong sabi.

'Ma'am, wag po kayong gumanyan baka maipit po ang tiyan niyo.' sabi ng isang customer at pilit akong tinayo.

No.

No.

No.

Naaninag ko si Xandra na gulat na gulat nakagat ko ang aking labi sa sobrang pang gigigil ko sakaniya, hindi ako nag dalawang isip na lapitan siya at marahas na hinila ang buhok niya.

'PUTANG*NA MONG BABAE KA!!!!!!'

Pinag sasampal ko ang kaniyang mukha at malakas na hinihila ang kaniyang buhok.

'ARAY!!!! BITAWAN MO AKO KAYE!!!' pilit niyang hinahawakan ang aking kamay.

'BITAWAN?!! SIGE!!! OH AYAN!!!' malakas ko siyang tinulak at tumama ang kaniyang likuran sa pader.

Akmang lalapitan ko siya muli ngunit may umawat saakin, 'Ma'am tamana po ang tiyan niyo ma'am.' sabi saakin ng isang empleyado.

Pakiramdam ko ay nangangatal ang buong katawan ko sa galit, gustong gusto kong patayin ang babaeng ito.

*WANG! WANG! WANG!*

Dumating na ang ambulansya at sunod sunod na lumabas ang mga paramedics.

Tumalikod ako sa babaeng ito at agad na lumapit doon.

Nilagay nila si Alex sa isang stretcher at binuhat.

'Excuse me.. S-sasama ako.' sabi ko sa isang paramedic.

'Kaano ano po kayo?'

'A-asawa niya ako..' maluha luha kong sabi.

'Kaya niyo ho ba? Buntis po kayo.'

Sunos sunod akong tumango, 'Kaya ko po kaya ko.'

'Sige, sakay na po ma'am.'

Una nilang sinakay si Alex at sumunod ako. Nasa harapan ko siya at parang hindi ko siya kayang makita na nababalutan ng dugo.

Hinawakan ko ang kaniyang kamay, 'Wake up, don't close your eyes please.. Alex..' bulong ko sakaniya at sunod sunod na tumulo ang aking luha.

ii-isang tabi ko muna ang nangyare kanina, nilapit ko ang kaniyang kamay saaking pisngi.

'Just hold on.. Please.'

Habang natagal ay lalong nadami ang dugong lumalabas sakaniya.

Agad kaming nakarating sa hospital at binaba nila si Alex, tinulungan din akong makababa ng isa para maalalayan ang aking tiyan.

'EMERGENCY!'

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sumama ako sa loob ngunit pinigilan ako ng isang nurse. 'Ma'am sa labas lang po kayo mag intay.'

Tuluyan na nila pinasok sa ER si Alex.

Napaupo ako sa panlulumo.

Not my Alex please.

Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Aj, nanlalabo ang aking paningin dahil sa mga luha.

*kring*

*kring*

'Hello? Kaye?'

'A-Aj..' panimula ko.

'Teka, bakit ganiyan ang boses mo? Naiyak ka? What happened??' sunod sunod niyang tanong.

'Si.. A-Alex.. *hik* nasa hospital, pumunta ka dito.' nauutal kong sabi.

'WHAT THE HAPPENED??! DAD! ALEX IS IN THE HOSPITAL!' rinig kong sigaw niya sa kabilang linya.

'Sige sandali lang Kaye.'

Halata sa kaniyang boses ang pag aalala. Pati sila Mama ay tinawagan ko at pinakisuyuan ko na kung pu-pwede bang pumunta na sila dito, dahil wala akong makakasama.

Napayuko ako at pinag dasal na sana ay maging aayos naman si Alex, sobrang lalim ng pag kakasaksak sakaniya ng bread knife kaya hindi ko maiwasang hindi mag alala.

Mga ilang minuto pa ang lumipas ay narinig ko na ang mga yabag ni Aj at ang Daddy nila.

'Si Alex??' tanong ni Aj.

'N-nasa loob.' sagot ko.

'Ano bang nangyare Iha??' tanong ng Dad nila.

'He accidentally got stabbed by a bread knife..' mahina kong sabi.

'Huh?? Paano nangyare yon?'

'He's trying to chase me..'

Pakiramdam ko tuloy ay may kasalanan din ako kung bakit ito nangyare.

Napayuko at naramdaman kong tumabi saakin si Aj. 'Baka makasama sa baby niyo pag nag stay kapa dito at mag pakapagod ka.'

Umiling ako. 'Hindi, kaya ko naman.'

'Sino nang mag babantay sayo Iha?'

'Pinapunta ko na po sina Mama at Papa.' sagot ko.

Mas maigi siguro na bumalik na muna ako sa aking bahay at doon mag stay kasama sina Mama.

---

He is SheWhere stories live. Discover now