C H A P T E R 75

634 24 1
                                    


10 days after.

Kaye's POV

These past few days pinag papahinga lang ako ng mga Tita ko pati nila Mama. Kakain, matutulog, magigising ng hating gabi, mag papadede. Ayan ang palagi naming routine ni Austin.

Si Alex iwas ng iwas saaking akala mo talaga ra-rapein ko siya kung makalayo eh. Well konti lang naman hehehe.

Nasa labas kami ngayon ng bahay at pinapainitan ng kaunti si Austin, si Alex ang may buhat buhat sakaniya ngayon.

'Enough na ba 'to?' imik niya.

'2 more minutes.' sagot ko naman.

'Oh okay, I can feel his relaxation, Austin loves the sun.' he said.

'Really? Well ako, I love you.' straight forward kong sabi.

He gave me his what-the-fuck-look at tumalikod siya saakin.

'Ayieee... Ako daddy love mo ba ako?' pantutukso ko.

'You're so weird these days Kaye, ewan ko sayo.' mahina niya sabi pero sapat na para marinig ko.

Napatawa naman ako sa sinabi niya.

'What? Eh ganito naman talaga a--

'Hey! Wazzup people!!!' napalingon kami ni Alex kay Dave na akala mo'y baliw na nag lalakad patungo sa direksyon namin.

Muli ko nanamang nasilayan ang poker face ni Alex.

'Baby Austin!' masigla niyang sabi at lumapit kay Alex. 'Poging pogi naman talaga!'

'He's sleeping, don't be so loud.' seryosong sabi ni Alex, napakamot naman sa ulo si Dave.

'Ihiga na natin siya sa kama.' at dire-diretso siyang umalis.

I stood up. 'Nako pasensya kana kay Alex, alam mo naman. Masyadong sensitive yon pag dating kay Austin.' sabi ko kay Dave.

'Hehe okay lang.'

Sumunod ako kay Alex saaking kwarto, sinara ko ang pintuan habang marahan niyang ibinaba si Austin sa kama.

'Sa isang araw babalik muna ako ng Manila.' he said.

'But why?' tanong ko.

'May aasikasuhin ako sa Café, hindi kaya ni Kuya mag isa yon. And wala ng mga stocks nag text saakin kagabe si Badette.' paliwanag niya.

'Ah ganun ba..' malungkot kong sabi.

'Babalik ako next week.'

Next week? Parang antagal naman nun.

'Bakit sa isang linggo pa?'

'Madami nang nakatambak doon na gawain, hindi ko naman pwedeng pabayaan ang Café. Saka ka nalang bumawi ng trabaho after 3 months. Don't worry hindi ko naman babawasan salary mo, kung ano yung sakin, ganun din ang sayo.' he said without looking at me. 'Kulang pa nga ang isang linggo para matapos ko yon, sa Café nalang ako matutulog para mas mabilis. Mamimiss ko agad si Austin eh.'

Tumango tango ako, 'Pati si Mommy mamimiss mo din ba, Daddy?' muli ko nanaman siyang tinukso.

'Tss.'

'Ano nga? ihhh mamimiss din akooo!'

'Kung ako sayo, sabayan mo na sa pag tulog ni Austin para makapahinga ka din.' pag iwas niya sa pangungulit ko. 'Babalik muna ako sa hotel dahil aayusin ko ang gamit ko, mga 5 pm. ako babalik.'

I pouted, 'Ang tagal naman bumalik.'

'Excited ka masyado makita ako.' lumuhod siya sa gilid ng kama at hinalikan si Austin sa noo, 'Aalis muna saglit si Daddy ha? Babalik din ako, behave lang baby Austin ko.' malambing niyang sabi.

Tumayo siya at inayos ang kaniyang damit, 'Hehe eh ako kiss ko po?' sabi ko at pumikit habang iniintay ang halik niya.

'Asa ka.' masungit niyang sabi at akmang lalabas na.

'Wait!!' sigaw ko.

'Goodness Kaye, baka magulat si Austin.' pag saway niya, 'I'll go now, may gusto kaba?'

Nag liwanag naman ang paligid ko, tamang tama gusto ko ng malamig ngayon. 'Hehe oo sana, gusto ko ng ice cream yung rocky road flavor hihi.'

I raised his eyebrow, 'Ah talaga? Sige bili ka.' sabi niya at tuluyang lumabas.

WHAT THE?!

Nang marinig ko na ang tunog ng sasakyan niya ay mas lalo akong napasimangot, 'Ay nako talaga yang Daddy mo Austin, binu-bully si Mommy.' bulong ko.

Humiga ako at tinabihan si Austin, habang nakatulala ako sa kawalan ay may biglang pumasok sa isip ko.

I smirked.





Wala ka nang kawala Alexander Torres.

---

He is SheWhere stories live. Discover now