C o n t i n u a t i o n

862 43 0
                                    

Kaye's POV

Nasa biyahe na kami ni Calvin papunta sa main branch. Nahihiya ako sakaniya dahil hindi na namin nakain yung inorder kanina kaya ini-take out nalang.

'Pasensya kana talaga Calvin.' sabi ko.

'Okay lang talaga Kaye, I promise. Inom ka pa ng tubig baka nga dahil sa init kanina kaya nahilo ka tapos nag punta agad tayo sa malamig.'

Tumango naman ako at ininom ang tubig na binili niya. Kahit papaano ay nabawasan ang hilo ko pero masama padin ang pakiramdam ko.

'Mukhang malalagot ako kay Alex nito ah, baka akalain niya pinabayaan kita.'

'Nako ako na bahala mag paliwanag sakaniya.' sabi ko naman.

Speaking of Alex, agad kong kinuha ang aking cellphone sa bag.

Oh shit.

57 missed calls.

33 messages.

Lahat galing kay Alex.

Napahilot ako saaking sentido.

Incoming call...

Alex calling.. 

'Sagutin mo na yan Kaye, baka nag aalala na si Alex.'

Inhale..

Exahale..

(Answer)

'Hel--

'Kaye!! Damn it! Bakit ngayon ka lang sumagot?? Kanina pa ko tawag ng tawag sayo!' bulyaw niya.

'Asan kaba ha?? I'm on my way papunta diyan!' sabi niya.

Nanlaki ang aking mata, 'No Alex! Stop your car, papunta na kami ni Calvin pauwi. Saang part kana??' tanong ko.

'Tangina naman, kung sinagot mo kasi ang tawag ko diba?' naiinis niyang sabi.

Napalunok ako, 'M-masama pakiramdam ko.' mahina kong sabi.

'Ha??? Anong nangyare sayo??' nag aalala niyang tanong.

Nakaramdam ako ng habag sa sarili dahil sa pag sigaw niya saakin.

'E-ewan.' maikli kong sagot.

'Naiyak kaba Kaye?' tanong ni Calvin.

Napakapa naman ako saaking pisngi at basa nga ito, di ko namalayan na tumulo pala ang luha ko.

'Fuck... Sorry, umiiyak ka??' tanong ni Alex sa kabilang linya.

'Asan kana b-ba?' pag iiba ko ng tanong. 'Nasa may mcdo na kami malapit sa stoplight.' dagdag ko.

'Tumigil na kayo diyan, malapit na ko. Sakin kana sumakay.' he said.

Lumingon ako kay Calvin, 'P-pwede sa may mcdo nalang? Pinapasabay na ko ni Alex sakaniya.'

Tumango siya, 'Sure intayin nalang natin siya.'

Pinatay ko na ang tawag na di sinasabi kay Alex.

'Galit ba siya?'

Tumango ako.

'Gusto mo samahan kita mag explain?'

Umiling ako.

'Nag alala lang yun sayo.' tumigil na ang kotse ni Calvin sa may gilid ng mcdo at iniintay nalang namin si Alex.

'Salamat sa pag hatid.' sabi ko.

'No problem! Hindi naman out of the way 'to eh. Papunta lang din 'to sa bahay ko.'

Hindi kalayuan ay natanaw ko na ang kotse ni Alex. 'Oh ayan na pala si Alex.' sabi ni Calvin.

Kita kong bumaba siya ng kotse at hinawakan ang cellphone niya, may tinawagan siya at agad namang tumunog ang cellphone ko.

(Answer)

'I'm here. Where are you?' bungad niya.

'Mag lakad kapa ng kaunti, nasa loob kami ng kotse.' sabi ko at pinatay ang tawag.

Nakita kong naaninag niya kami at mabilis na nag lakad, Calvin unlocked the door at binuksan ni Alex ang pinto.

'What happened?' he put the back of his hand on my forehead.

Bumaling ako kay Calvin.

'Salamat ulit atsaka pasensya na.' sabi ko.

'No worries! Pagaling ka.' sagot naman niya.

Tumango ako. 'Ingat pag ddrive.'

Kinuha saakin ni Alex ang aking bag. 'Sige na Calvin, ako na bahala kay Kaye.' seryoso niyang sabi.

'Sige pre.'

Bumusina si Calvin bago tuluyang umalis, nag lakad ako patungo sa kotse Alex at agad na sumakay.

Hindi ako umimiik at diretso lang ang tingin. Nilagay ni Alex ang bag ko sa likuran, 'Hey.. Ano bang nangyare?' tanong niya.

'Nahilo lang ako.' I said without looking at him.

Naramdaman ko naman na pinatong niya ang kaniyang kamay sa kamay ko.

'S-sorry nasigawan kita, napaiyak kita.' marahan niyang pinisil ang kamay ko, 'I was really worried kasi di ka sumasagot sa tawag ko. Masyado akong naging oa, inaamin ko.'

'Okay lang.' mahina kong sabi.

Ramdam kong mas lumapit siya saakin at naamoy ko ang pabango niya, masarap sa ilong ang amoy niya.

'Sorry talaga Kaye.. I promise hindi na mauulit.'

Pakiramdam ko gusto ko siyang yakapin, ewan ko ba. Nababanguhan ako sakaniya, parang gusto ko nalang sumiksik sa katawan niya.

'Babe...' malambing niyang sabi kaya napatingin ako sakaniya.

Nangungusap ang kaniyang mata na nakatitig saakin.

Parang may sarili utak ang aking katawan, lumapit ako kay Alex at mahigpit siyang niyakap.

'Sorry..' rinig kong sabi niya at hinimas himas ang likod ko.

Ako naman ay natutuwang mapalapit sakaniya, mas naaamoy ko siya.

'I didn't mean to shout... I was really..

.

.

.

.

.

.











.

.

... Jealous.'

---

He is SheUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum