C o n t i n u a t i o n

856 41 1
                                    

Alex's POV

'Can I stay with you?' tanong ko kay Kaye. Halata sa kaniyang mukha ang pag kagulat.

'Ha?'

'Don't worry di ako magiging PG tapos I'll share sa foods, electricity, water, other expenses--

'Gaga! Ofcourse you can stay with me.'

Napangiti naman ako sa sinabi niya. 'Really?' tanong ko.

'Yes.' tumatango niyang sabi habang nakangiti.

'Ay bongga! Bet ko yan! Ayan nga yung ini-suggest ko kay Kaye kagabe eh.' sabi naman ni Cali habang pumapalakpak.

'Eh kailan mo ba gusto mag move sa bahay? Para naman makapag linis ako kahit papaano diba.' tanong ni Kaye.

Napaisip naman ako saglit, iniisip ko sila Dad at Kuya.

Ano nalang ang sasabihin nila?

'Huy! Bakla natulala ka!' napabalik naman ako sa sarili.

'Uhm.. Teka, baka nabibigla ako.' pag da-dalawang isip ko. 'Baka magalit lalo sina Dad sakin.'

I heavily sighed.

Hinawakan naman ni Kaye ang kamay ko.

'Naiintindihan namin, it's okay. Baka nga nabibigla ka lang, because sometimes we can make a permanent decision with a temporary feelings. Malay natin diba? Matanggap kana nila.' sincere na sabi ni Kaye at gumaan naman ang loob ko.

'Thank you so much sa inyong dalawa, di ko alam ang gagawin ko kung wala kayo.' sabi ko sa kanila.

'Asuuuus! Ikaw talag--

*knock knock*

'Ahemm...' napatingin kami kay Kuya Aj na nakasandal sa gilid ng pintuan ko. 'Baka dumating na sila.' sabi niya.

'Hala ano ba yan ang bitin naman ng oras.' komento ni Cali.

Nakaramdam naman ako ng lungkot dahil aalis na sila, mawawala nanaman sa tabi ko ang mga taong nakakaintindi saakin.

'Kailan uli kami pwede bumalik?' tanong naman ni Kaye.

Nag kibit balikat naman si Kuya Aj.

Humarap saakin si Kaye, 'Oh basta yung mga pag kain mo andito lang sa tabi ng kama mo ha, pag nagutom ka madali na yan.' paalala niya.

'At itong mga gamot mo andito lang din, yung ointment wag mo kalimutan ilagay.' sabi naman ni Cali.

Ngumiti ako kahit sa totoo lang ay ayaw ko pa silang umalis. 'Opo mga inay. Masusunod po ang bilin niyo.' pabiro kong sabi.

'Tawagan mo lang kami ha?' sabi ni Cali at marahang bumeso saakin.

'Oo.'

Lumapit naman saakin si Kaye at bumeso din. 'Don't worry ako muna bahala sa Café habang di mo pa kaya mag work.'

'Mauna na kami ha. Ingat ka dito.'

Tumango ako.

Nang tuluyan na silang makaalis ay binalot ako ng katahimikan sa paligid.

Siguro ay matutulog nalang uli ako at mag papahinga, hindi ko padin maigalaw ng maayos ang ibang parte ng katawan ko.

---

7:55 pm.

Nagulat ako at agad na nagising sa isang malakas na sampal na dumapo sa pisngi ko. Pakiramdam ko ay namanhid ang kalahati ng mukha ko dahil dito.

Nanlabo ang aking mata sa lakas ng impact ngunit na aaninang ko si Kuya Alfred.

'K-Kuya.. Bakit??' nag tataka kong tanong.

'Tingnan mo tong mga katangahan mo Alex!!' hinagis niya saakin ang cellphone niya at may mga pictures ako doon na may kahalikan na lalake ang iba ay naka-kalong ako, lahat ito ay malaswa.

Pero matagal na ang pangyayareng 'to, siguro ay apat na taon na ang nakakalipas, at hindi ko rin alam na may kinukuha ng pictures.

'K-Kuya.. Hindi ko alam na may ganiyan.' sabi ko.

'Ako pa gagawin mong tanga Alex?!!' sigaw niya.

'Sino bang nag send sayo niyan??' tanong ko.

'Mahalaga pa ba yon? Tangina Alex nakakahiya ka! Simula bata tayo ganiyan kana?!'

Noong highschool ako na-attract sa kapwa lalaki ko noon, pero hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko nun.

'Alex kinakausap kita!!'

Napabalik ako sa katinuan.'Kuya naman, sobrang tagal na niyan.' pangangatwiran ko ngunit sinuntok niya ang binti ko kaya napasigaw ako sasakit.

'AAHHH!! ARAY KOOO!! KUYA TAMANA!!'

'Kumakalat na ang mga pictures mong tangina ka! Paniguradong pati sila Tito makikita na kung ano ka talaga! HINDI KABA NAG IISIP NANG MGA ORAS NA TO ALEX?!!'

Napahagulhol ko, 'H-Hindi ko alam.. Tamana..' nauutal kong sabi.

Hindi ko talaga alam na may taong kumukuha ng litrato noon dahil sa kalasingan ko.

Hindi pa siya nakuntento at hinampas niya ang ulo ko. 'TAPOS HETONG MGA PAGKAIN SA LOOB NG KWARTO MO. SINO NAG DALA?! ANG ARTE MONG BADING KA! MASYADO KANG NAG PAPAAWA!'

Sobra na ang mga sakit na naiibigay saakin ni Kuya.

'Arayyyy!!' pinilit kong hinarang ang aking braso sa ulo at mukha ko.

'PINAPALABAS MO BA NA MASAMA KAMING TAO?! NA HINDI KA NAMIN PINAPALAMON?!' sigaw niya.

Sabi ni nanay noon, ang mga panganay ang nag po-proteksyon sa mga nakababatang kapatid nila.

Pero nag kamali yata siya.

Nalasahan ko nanaman ang malansang bagay na iyon sa labi ko. Dumudugo nanaman ang labi ko dahil sa sampal niya.

'A-ayoko na dito..' hagulhol ko.

Hindi ko na talaga kakayanin.

Pilit akong nag papalakas at nag papagaling, ngunit sa tuwing may mag hihilom na sugat ay may papalit na namang panibago.

'AH AYAW MO NA DITO? EDI UMALIS KA! HINDI KA NAMIN KAILANGAN! ANG YABANG MO!'

Mga salita na parang kutsilyo na paulit ulit tumutusok sa puso ko.























'UMALIS KANA!!!'

---

He is SheWhere stories live. Discover now