C H A P T E R 9

940 39 2
                                    

Kaye's POV

Kinaumagahan ay agad akong nag punta sa grocery para mamili ng mga kailangan sa Café.

Di ko ma-contact ang baklita na 'yon andami ko pa naman ding dala dala.

To: Alex

Hoy sunduin mo ko dito sa sm! Ang dami kong dala bakla!

Sent √

Pumila na ako sa counter para bayaran ang mga napamili ko.

'Tsk ang hassle naman.' bulong ko nang makita kong ang haba ng pila.

*toot*

1 message receive.

From: Alex

'Girl, kakagising ko lang. Hindi kita masusundo. Tinablan ng lagnat ang lola mo.'

Agad ko naman siyang tinawagan.

'Hello?' namamaos ang boses ni Alex. 'Sobrang sama ng pakiramdam ko.'

Halata sa boses niya na may sakit siya, rinig ko pa ang pag singhot niya.

'Stress na ang cause niyan girl, nakainom kana ba ng gamot?' tanong ko.

'Hindi pa nga eh, tinatamad akong bumaba. Ughh sakit ng ulo ko.'

'Gaga! Uminom ka ng gamot. May ipapabili kaba? Puntahan kaya kita diyan sa bahay niyo.' sabi ko naman.

Kawawang bakla.

'Talaga pupunta ka?' di makapaniwala niyang tanong.

'Oo nga arte neto. Kaya lang, pano 'tong dala ko?'

'Mag taxi ka nalang singilin mo nalang sakin yung pamasahe mo.' sabi naman niya.

'Asus ang sabihin mo gusto mo lang akong makita.' pag bibiro ko.

'Oo babe namimiss na kita.' he huskily said.

'Omaygad!!! / yuck kadiri!!! ' sabay naming sabi. Bwiset na bakla to!

'Tse! Sige na ibababa ko na to. Intayin moko diyan.' sabi ko.

'Okay ingat ka girl.'

Call ended.

After 20 minutes of waiting ay natapos na din ako sa pag babayad. Saglit ko munang pinahabilin ang kahon dahil ibibili ko pa si Alex ng pagkain niya saka gamot.

---

Nang matapos akong makabili ng mga kailangan ko ay nag patulong ako sa bagger para ilabas ang kahon, buti nalang mabait yung bagger dahil inintay niya kong makasakay sa taxi.

To: Alex

'On the way na ko diyan, intayin mo naman ako dun sa labasan. Nakakahiya sa Dad mo.'

Sent √

Malapit na ko sa bahay nila ay hindi pa din nag re-reply si Alex.

'Ah manong, dito nalang po.'

Bumaba na ako sa Taxi pati ang driver para ibaba ang kahon na dala ko.

'Heto po ang bayad.'

'Salamat ma'am.'

Tinawagan ko si Alex pero nag r-ring lang at walang sumasagot.

'Jusko naman bakla answer your pho--

'Kaye?' napaigtad ako nang kaunti at napahawak sa dibdib ko.

'Pftttt.. Sorry, nagulat ba kita?'

'My goodness.. Obviously, OO.' sabi ko naman.

'Sungit naman, oh bakit di ka pumasok sa loob?' tanong ni Alfred.

'Ahh kasi... Si Alex di siya sumasagot sa tawag ko eh may lagnat siya so nag dala ako ng pagkain at gamot niya.' paliwanag ko.

'Ang dami naman! Pati 'tong nasa kahon?'

'Grabe ka OA! Hindi yan, para sa Café yan. Heto oh.' sabi ko at tinuro ang dala kong supot.

'Nah, I'm just kidding. Slow mo naman'

Aba't---

'Tara sa loob.' sabi niya at binuhat ang kahon na parang di manlang siya nabigatan.

Yabang!

Nang makarating kami sa loob ay bumungad saamin ang Daddy nila na nakasuot ng polo shirt at katamtaman na short.

'Dad saan ang lakad?' tanong ni Alfred.

'Mag g-golf lang ako nak.' napatingin siya saakin. 'Wow! Hello there pretty lady. We meet again.'

I smiled. 'Uhm.. Bibisitahin ko lang po sana si Alex, may lagnat daw po kasi siya.'

'Ah pala kagabi pa yun nag re-reklamo na masakit daw ulo niya, ang sweet mo naman Iha.'

Bahagya naman akong ngumiti, 'Anyway nasa kwarto siya. Ikaw na ang bahala kay Alex iha, and oh before I forgot sa labas lang ha? Wag muna sa loob HAHAHAHAHAHAHAHA' tawang tawa ang Daddy nila habang palabas ng bahay.

Habang ako ay nanlaki ang mata sa sinabi ng Dad nila Alex, jusko kung alam niyo lang po! Pati si Alfred ay napailing sa biro ng Dad niya.

'Tara samahan na kita sa taas.' pag offer ni Alfred at tumango ako.

Nauuna siya saakin sa pag taas ng hagdan at nang makarating kami sa pintuan ay kinatok niya ito.

*knock knock*

'Bro, andito girlfriend mo.' he opened the door at bumungad saamin ang natutulog na si Alex.

'Aish.. Kaya pala hindi sumasagot.' bulong ko.

Nag lakad ako sa papunta sa kama ni Alex at sinilip siya.

Namumula ang pisngi at labi niya. Siguro ay dahil sa lagnat.

I put the back of my hand on his forehead and neck.

'Ang init..'  bulong ko.

Umupo ako sa may sahig para mag lebel ang mukha namin at marahan ko siyang tinapik tapik. 'Babe.. Wake up.' sabi ko.

'Babe, I bought some foods and medicine for you. Wake up na.'

Kinusot ni Alex ang kaniyang mata at dahan dahan siyang nag mulat.

'Hi Babe.' bungad ko.

'Hmmm.. Andiyan kana pala.' namamaos niyang sabi.

Umupo siya sa kaniyang kama. 'Kanina kapa ba?' tanong niya.

'Nope, kadadating ko lang. Let me prepare this for you ha?' sabi ko at kinuha ang supot na dala dala ko. 'Makikigamit muna ako ng kitchen niyo.' paalam ko.

'Sure babe..'

Bumaba na ko para kumuha ng lalagyan dito sa soup na binili ko para kay Alex.

Habang sinasalin ko ay may naramdaman akong bulto ng tao sa likudan ko.

'Ay palaka!!' sigaw ko.

'Etong mukhang to palaka?' mayabang niyang sabi at hinimas himas pa ang baba niya.

'Bakit ba lagi mo akong ginugulat ha Alfred?!'

'Wow this is the first time na marinig kong tinawag mo ang pangalan ko. Sounds sexy to me tho.'

What?!

Inirapan ko lamang siya at kumuha ng basahan para punasan ang natapon na sabaw sa sahig. Lumuhod ako at sinimula na itong pinasan.

'Excuse me, pupunasan ko yang nasa may paanan mo.' sabi ko nang hindi tinitingnan si Alfred pero hindi siya umaalis.

Umangat ako ng tingin at dali dali din akong tumayo dahil nakatapat sa mukha ko ang kaniyang 'ANO'

Narinig ko ang kaniyang pag tawa kaya agad ko nang kinuha ang soup at mabilis na umakyat sa kwarto ni Alex.











Manyak!

---

He is SheWhere stories live. Discover now