C H A P T E R 67

661 23 4
                                    

Kaye's POV

Matapos naming mang galing sa hospital ay hapon na din kaming nakauwi. Kahit gustuhin kong bantayan si Alex ay hindi pu-pwede dahil walang komportableng mahihigaan doon.

Ang naiwan sa hospital ay ang Dad ni Alex habang si Aj ay umuwi muna para ikuha ng damit ang Daddy nila.

'Mabait ang ama ni Alex.' imik ni Mama. 'Habang ka-kwentuhan namin siya pinipigil niya ang luha niya. Halatang aalalang alala siya sa anak niya.'

'Mukha nga po Ma, nakakahiya nga po kasi di ko manlang mabantayan si Alex ng matagal.' sabi ko naman.

'Maiintindihan naman siguro nila yon, syempre buntis ka kailangan mo alagaan ang sarili mo at ang baby niyo.'

Humiga ako saaking kama at tumabi saakin si Mama.

'Si Papa po saan matutulog?' tanong ko.

'Doon nalang sa sofa ang Papa mo, ako babantayan kita dito.'

Pumikit ako at nag dasal.

Pinag dasal ko na sana ay magising na si Alex at maging okay na ang lahat, kahit hindi man para saamin pero sana lahat ng problema ngayon maresulba na.

Kaya lamang, pakiramdam ko ay hindi ako makakatulog. Hindi ako sanay na hindi sa dibdib ni Alex ako umuunan.

I heavily sighed, bakit ba ganito?

--

It's been 4 days simula nang masaksak si Alex, ganoon padin ang findings ng mga Doctor, walang nag babago sa katawan niya. Yung mga test na ginawa sa isang araw pa daw malalaman dahil nag karoon daw ng kaunting problema sa papers.

Nakaupo lamang ako ngayon sa terrace habang kumakain ng mga prutas ko at gatas. Sina Mama at Papa ay nag g-grocery dahil kakaunti na ang mga stocks namin. Hindi na nila ako pinasama dahil baka mapagod raw ako, sabagay kung andito rin si Alex hindi ako papayagan non na kung ano ano ang ginagawa.

Habang kumakain ako ay bigla akong napaisip.

Nakakapag taka lang na walang Xandra na nag papakita. Wala namang rason para hindi siya bumisita kay Alex after all she's A FRIEND.

Or maybe more than that?

Napailing ako. Aish stop overthinking Kaye.

'Baby, parang mas lalo na ikaw bumigat ah?' sabi ko habang hinihimas ang aking tiyan. 'Miss mo na rin ba ang special pipino ng daddy mo? Yung timpla niya? Si mommy kasi sobra eh.'

*kring*

*kring*

Napatigil ako at pinunasan ang aking kamay.

Kinuha ko ang aking cellphone na nakapatong sa lamesa.

Unknown number Calling...

Napakunot ang aking noo. Sino naman kaya ito? Baka importante, sasagutin ko nalang.

(Answer)

May mga pag hinga akong naririnig sa kabilang linya.

'Hello?' panimula ko.

'Hi.'

Nailayo ko saaking tenga ang cellphone at tiningnan ang number.

Familiar ang boses niya. Hindi ako pu-pwedeng mag kamali.

Muli kong tinapat ang cellphone saaking tenga.

'Alfred??' tanong ko.

I heard a devilish laugh, 'Wow, it's nice to know that you recognize my voice baby.'

What the? Anong baby?!

Cringe!

'Anong kailangan mo? Paano mo nalaman ang number ko?' nag tataka kong tanong.

'Wala, miss na miss lang kita.'

WHAT IS HE TALKING ABOUT?! LASING BA 'TO?!

'Are you drunk Alfred??'

'Uy hindi hahahahaha alam mo kasi hindi na sapat saakin na sa malayuan lang kita nakikita, gusto ko sobrang lapit na. Yung lumalapat at nag didikit ang balat natin.'

Putangina anong pinag sasasabi ng gagong 'to?

'Are you nuts?!' bulyaw ko sakaniya.

Kinikilabutan ako sa mga sinasabi niya.

'Kalma ka lang, hahaha ang ganda mo talaga pag naiinis namumula pisngi mo.'

'Huh??'

Bigla akong napatingin saaking paligid.

'Uyyy hinahanap ako hahahahaha gusto mo din ba ako makita?' napatayo ako mula saaking kinauupuan at bigla akong kinabahan.

Pinatay ko na ang tawag at kinuha ang platito na may laman na ilang prutas. Akmang papasok na ako sa bahay ngunit parang may biglang tumalon mula sa mga pader na nakaharang saaking bahay.

Muli akong tumingin saaking paligid.

Baka pusa lang 'yon, siguro ay pinag ti-tripan lang ako ni Alfred. Masyado nanaman akong nag ooverthink.

Hinawakan ko na ang doorknob ngunit bigla akong napatigil at nabitawan ang hawak kong platito.

Sunod sunod akong napalunok nang may maramdaman akong braso saaking bewang at labi saaking tenga.

'Kaye..' bulong niya at lumapat ang kaniyang labi saaking balat.






'A-Alfred...'

---

He is SheWhere stories live. Discover now