C H A P T E R 68

644 22 0
                                    

Kaye's POV

'Okay na ba lahat ng gamit?' tanong ni Papa.

'Oo ayos na lahat, doon nalang tayo bibili saatin pag naubos ang mga vitamins at gatas ni Kaye.' sabi naman ni Mama.

'Oh siya mag iintay na ako sa labas, baka dumating na si Aj. Nakakahiya naman halos anim na oras tayong bibiyahe.'

Lumabas na si Papa at naiwan kaming dalawa ni Mama at sala.

'Anak, okay ka lang ba?'

Tumango ako.

'Sigurado ka? Hindi ka muna dadaan sa hospital at mag paalam manlang kay Alex?'

Umiling ako.

'Huwag ka mag alala magigising din yon. Wag lang tayo tumigil sa pag dadasal.'

Pakiramdam ko pag dumaan pa ako sa hospital at makita si Alex, hindi na kami matutuloy. I know it's very unfair dahil nag de-desisyon ako na pang sarili lang at hindi ko na naiisip ang mararamdaman at sasabihin niya pag nalaman niya ito, pero I think this is the best decision for now.

Ilang sandali pa nga ay dumating na si Aj at pinag lalagay na nila ang mga gamit. Sa unahan si Papa uupo at kami naman ni Mama ay sa likuran.

Walang gana akong sumakay at pumikit, matutulog nalang ako buong biyahe.

'So, diretso na po ba tayo? Wala na po tayong dadaanan?' rinig kong tanong ni Aj.

'Kaye? May gusto kabang daanan?' tanong ni Mama.

Umiling lamang ako habang nakapikit padin, I can feel my tears kaya nag takip ako ng tuwalya sa mukha.

'Sige tara na.'

Habang umaandar ang sasakyan ay mas lalong bumibigat ang dibdib ko. Kung hindi lang delikado dito ay hindi naman ako aalis.

Bakit ko ilalayo ang sarili ko sakaniya?

Yes may problema kami ngayon, nasasaktan padin ako pero di ko din naman gugustuhing takasan yon.

Iniisip ko din ang Café, matatambakan kami ng gawain.

'Di na kami nakapag paalam sa Daddy mo Iho.' sabi ni Mama.

'Nako okay lang po yun, naiintindihan naman po niya. Ang bilin niya lang po ay sana maging safe si Kaye hanggang sa manganak.' sabi ni Aj.

'Siya padin ba ang bantay sa hospital?'

'Opo, baka po kasi bukas pa dumating yung iba naming kamag anak na pwedeng mag bantay kay Alex.'

Alex...

I'm so sorry for leaving.

Sana maintindihan mo.

--

Alas 4 na ng hapon nang makadating kami sa bahay. Nadatnan na din namin doon sila Kuya at ang asawa niya.

Nag pahinga muna ng kaunti si Aj dahil sa pagod sa biyahe at pinakain muna siya ni Mama. Mga kalahating oras din muna siyang nakipag kwentuhan bago umalis, paniguradong gaganihin siya pag nag tagal pa siya.

Bago siya umalis sinabi niya saakin na... 

'Kaye ingatan mo ang anak niyo ng kapatid ko, I hope na hindi mo putulin ang komunikasyon mo saamin at kami na bahala mag paliwanag kay Alex pag gising niya.'

--

Napabuntong hininga ako at tumingin sa kisame. I can feel loneliness sa loob ng silid ko. Ilang araw palang simula nang dumating kami dito at hindi padin ako mapakali.

Mga once a week nakaka-video call ko si Cali pag nasa hospital siya at pinapakita niya saakin si Alex na nasa hospital padin.

Kaya lang, kahapon wala manlang ako nareceive na message sa kanila kung kamusta na ba si Alex, baka busy lang sila kaya hindi ako nai-message.

These past few days din bibihira kong maramdaman na sumisipa si baby.

'Do you miss daddy?' bulong ko.

'Do you miss him rubbing mommy's tummy?'

'Do you miss his voice and kisses?'

'Do you miss him saying goodmorning and goodnights?'

I sighed.

.

.








'Mommy missed him too...'

---


A/N: The next chapter will be fast forward. Stay tuned!

He is SheWhere stories live. Discover now