C H A P T E R 61

792 29 1
                                    

6 months later..


Kaye's POV

'Which one mommy? Yung wood?' tanong ni Alex.

'Nah, feeling ko mas safe pag yung net lang kasi para pag mag iikot ikot na siya sa crib, kahit matumba, di siya masasaktan.' sabi ko naman.

'Wooow! Oo nga 'no di ko naisip yon!' lumuhod siya saakin at hinimas himas ang tiyan ko, 'Ang talino naman ni mommy mo, siguro excited kana lumabas 'no baby?' kinakausap niya ang aking tiyan.

'Let's play agad pag labas mo!' masayang sabi ni Alex.

Bigla kaming nag katinginan.

'My baby kicked! / sumipa siya!' napatawa kami pareho nang mag kasabay kami. 'I think he's excited to meet his poging daddy!' pag mamalaki niya.

I rolled my eyes at him, 'Yabang.' bulong ko.

Tumayo siya sa pag kakaluhod, 'I'll get the crib na.'

'Sir ano pong color ang ia-avail niyo?' tanong ng sales lady.

Tumingin saakin si Alex, 'Paano yun mommy? We don't know.'

'How about pink? Feeling ko girl siya eh.' confident kong sabi.

'I think blue, baby boy yan!' kontra naman niya.

'Pink!' depensa ko.

'Blue!'

'Pink ngaaaaa!'

'Nooooo.. Blueeeee!'

'It's a girlllllll!'

'It's a bo--

'Uhmm.. Ma'am, Sir meron naman po kaming color beige kung di niyo pa po alam ang gender ni baby atleast unisex po yung beige.' singit ng sales lady.

Napakamot kami sa ulo ni Alex.

'Ikaw kasi mommy eh.' paninisi niya.

'Ikaw kaya nauna daddy!' pangigigil ko.

'Ikaw!'

'No!'

'Ikaw ang mahal ko.' banat niya.

Napatingin ako sa sales lady na nakayuko at nakakagat sakaniyang labi na parang nag pipigil ng tawa.

'So, kukunin niyo po ba?' tanong niya.

'Oo miss, kukunin ko puso niya.' muli nanaman niyang banat, tumalikod at kunwaring naco-cornyhan sa mga sinasabi niya pero ang totoo ay kinikilig ako.

I cleared my throat, 'Sige na bayaran mo na yan!' sabi ko.

Nginisian muna ako ni Alex bago nag punta sa cashier, napailing na lamang ako sa mga kalokohan niya.

--

Matapos naming bumili ng gamit ay nakasakay na kami sa kotse ni Alex at muli nanamang nag tatalo.

'I said NO Kaye, makinig ka sakin.' seryoso niyang sabi.

'Tsk! Pero gusto ko nga sumama sa 2nd branch! Gusto ko din mag check!' pag pipilit ko.

'Kahit ano pang gawin mo ibababa kita sa condo at mag pahinga kana lang doon, your tummy is 7 months already at ayoko na nag papagod kapa.' he said without looking at me.

'Fine..' malungkot kong sabi at nag paawa.

'Wag mo akong daanin sa mga ganiyan mo.' sabi niya.

'Wala naman ako ginagawa ah.' mas lalo kong pinalungkot ang aking boses.

I know it's his weakness pag nag kakaganito ako.

'Kaye naman eh. Makinig ka saakin, uuwi din ako ng maaga I promise, dadalhan kita ng pasalubong. What do you want hmm?' pag aalo niya saakin.

'Nothing.' plain kong sabi.

'Kaye naman.'

'I want to go too, nababagot na ako sa c-condo.' I fake my sniffing.

Umaarte ako para hayaan na niya akong sumama sakaniya.

'Tsk!' naiinis na siya, 'Okay you win. You can go with me.' labag sa loob niyang sabi.

'YEHEEEEE--

'BUT in one condition, mauupo ka lang at walang ibang gagawin. Okay?' seryoso niyang sabi, sunod sunod naman akong tumango.

Yes! I know he always let me win!

--

Nang makarating kami sa 2nd branch ay agad kaming nag tungo sa office.

'Hi ma'am, sir!' bati ng isa naming empleyado.

Tumango naman ako at umakbay saakin si Alex, 'Dahan lang pag lakad.' bulong niya saakin.

Pumasok na kami sa opisina at agad namang nag tungo si Alex sa table.

'Daddy, dun muna ako sa labas gusto ko tingnan mga customers.' paalam ko.

'Wag na, dito ka nalang.' pag tutol niya.

'But I want to roam aroundddd.' pag pipilit ko.

'Sasamahan kita.'

Pinag krus ko ang aking braso at sumimangot, 'Kaya ko naman eh! Para mag iikot lang. OA mo!'

Lumamya naman ang kaniyang mukha at napabuntong hininga, 'Sige na.' yumuko siya.

'YEHEEEYYYY!!!!'

Agad akong lumabas at umikot ang aking paningin, mas malaki ito ng kaunti saaming main branch at isa pa may 2nd floor dito. Marami rami din ang tao dahil medyo gloomy ang panahon at maraming nag ka-kape.

Calvin did a great job sa mga materials na napili niya. Ganitong ganito ang naimagine ko sa Café namin.

The details are very aesthetic.

Umakyat ako ng second floor at heto ang favorite spot ko, pag andito ka mafe-feel mo na this is your home.

It's very cozy.

Nakakatuwa makita ang mga taong nag eenjoy pag pumupunta dito.

Tumalikod na ako at akmang bababa para pumunta sa office nakakaramdam na din ako ng ihi.

Mabilis akong bumaba at di na ko nakahawak sa railings.

Last 3 steps nalang ay biglang luminsad ang aking paa at wala akong nakapitan para pigilan ang aking bagsak.

Napapikit ako at napasigaw nang mararamdaman kong mahuhulog na ko.

'AAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!'

Mariin akong napapikit at napamulat.

Tiningnan ko ang aking likudan.

'Pasalamat ka nasambot kita.'

'Calvin...'

His arms are wrapped around me.

Napalingon ako saaking gilid dahil ramdam ko ang matalim na tingin saakin ni

.














Alex.

---

He is SheWhere stories live. Discover now