STORY #02: Lost In The Woods

12.2K 559 169
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.








“SHIT!”

I can’t help but to cursed dahil wala na akong network signal sa kinaroroonan ko. Where am I? Nandito lang naman ako sa gitna ng kagubatan na may matataas na puno.

Naisipan ko kasi na mag-adventure ng ako lang. Alone. Kaka-break ko lang kasi sa aking boyfriend. Kaya nang sabihin sa akin ng katrabaho kong lalaki na meron daw magandang falls sa isang lugar ay pinuntahan ko agad. Ibinigay niya sa akin ang instruction kung paano pumunta pero naligaw ako kahit sinunod ko ang direction na sinabi niya!

Kanina pa ako paikot-ikot sa woods pero hindi ko makita ang falls na sinasabi niya. Kahit sana iyong daan palabas na lang ang makita ko pero… no chance. Ang ikinakatakot ko pa ay dumidilim na. Ayokong mag-overnight sa gitna ng gubat, 'no! Baka meron ditong mababangis na hayop. Wala rin akong dalang tent or kahit sleeping bags na pwede kong tulugan kasi wala akong balak na mag-overnight. I just to see that fucking falls!

Ang ganda kasi ng pagkaka-describe ng katrabaho ko kaya na-engganyo talaga ako. Naku, yari talaga sa akin iyon pagbalik ko!

Patuloy lang ako sa paglalakad at umaasa na makikita ko na ang dinaanan ko kanina pero dumilim na lamang ng tuluyan ay nanatili ako sa loob ng kagubatan.

I was about to cry nang may makita ako sa hindi kalayuan. Parang may ilaw akong nakikita. Sinundan ko ang ilaw at kulang na lang ay halikan ko ang lupa nang malaman kong sa isang maliit na bahay nagmumula ang ilaw na iyon. Yari sa kahoy ang dingding ng bahay. May dalawang torch ng apoy sa labas at iyon pala ang ilaw na nakita ko kanina.

Hindi na ako nag-second thought. Kumatok na ako at isang babae ang nagbukas ng pinto. Payat siya at medyo matanda na. Siguro ay nasa fifty years old na siya. “Anong maipaglilingkod ko sa iyo, ineng?” tanong niya.

“Good evening po. Naliligaw po kasi ako. Kakapalan ko na sana ang mukha ko. Baka po pwedeng makituloy po ako sa inyo. Kahit ngayong gabi lang.”

“Aba’y walang problema. Halika. Tuloy ka.” Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto at pumasok na ako. Maliit lang ang bahay. Tapos woody ang feels. Halos lahat kasi ng gamit ay gawa sa kahoy o katawan ng puno. Tapos ang ilaw lang ay puro gasera.

Napakabait ng babae dahil inaya niya ako na saluhan sila sa hapunan ng kaniyang pamilya. Malapit na daw kasing maluto ang niluluto niyang sinigang.

Tatlo silang nakatira sa bahay. Ang babae, ang asawa nito na tahimik lang na payat din katulad niya at ang nag-iisa nilang anak na putol ang hita. Ang putol ay sa itaas ng tuhod. Nakaupo lang siya sa wheelchair habang nakasilip sa bintana. Mukha siyang malungkot. Sabagay, kahit ako, kung wala akong dalawang paa ay malulungkot din ako.

Maya maya ay itinulak ng tatay ang anak na babae sa may dining table na yari sa malapad na kahoy. May isang gasera sa gitna. Malapit na daw kasing maluto ang ulam. Pinaupo na rin nila ako. Sa katapat ako ng kanilang anak.

“Berto, kumuha ka nga ng ilang piraso ng sili sa likod-bahay. Masarap ang sinigang kapag may sawsawan na patis at pinisang sili!” sabi ng babae sa asawa nito.

Tahimik na umalis ang lalaki habang ang babae ay nakaharap sa niluluto nito.

Tiningnan ko ang anak nila na babae. Nag-smile ako sa kaniya. “Ako si Jasmine. Ikaw, anong name mo?” Para naman may makakwentuhan siya.

Hindi siya sumagot. Okay lang sana kung gusto niya akong dedmahin pero nakaka-bother iyong tingin niya sa akin. Para bang natatakot siya. Saka parang naiiyak at pinipigilan lang niya. Tapos nanginginig ang labi niya na hindi ko alam kung bakit. Hindi naman malamig. Actually, maalinsangan kahit nasa gitna ng gubat ang bahay nila. 'Di ba, dapat ay malamig dahil maraming puno?

“Iwanan ko muna kayong dalawa. Susunduin ko lang si Berto sa labas. Ang tagal niya, e.” Inalis na ng babae ang kalan sa lutuan na ang gatong ay uling.

Pagkaalis ng babae ay biglang umubo ang anak nilang babae pagkatapos ay may sinabi siyang salita na hindi ko naintindihan. Ang bilis niyang magsalita.

“Ano 'yon? May sinasabi ka ba?”

Lumikot ang mata niya. Umubo ulit siya. “…bo!” Ang huling syllable lang ang naintindihan ko.

“What? Ano ba 'yon?”

“Tak…” Ubo na naman.

Umiling ako. “Sorry. Hindi ko makuha.”

Umubo siya. “…bo!” Ubo ulit. “Tak…”

“Tak… what? Sorry. Hindi kita…” Natigilan ako nang mapagdugtong ko sa aking isip ang dalawang syllables na sinabi niya sa pagitan ng pag-ubo.

Tak at saka –bo.

Takbo?

Takbo…

Takbo?!

“T-takbo?” Pabulong kong sabi.

Mabilis siyang tumango at mas lumala ang takot sa mata niya. Tuluyan nang pumatak ang luha niya nang walang putol. May kilabot na gumapang sa buong katawan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nakuha ko na ang ibig niyang sabihin.

Walang pagdadalawang-isip na tumayo ako at kinuha ang aking backpack. Pagkasukbit ko niyon ay patakbo kong tinungo ang pinto palabas ng bahay. Pagbukas ko niyon ay nagulat ako nang sumalubong sa akin ang babae. Nasa likuran niya ang kaniyang asawa na may dalang itak.

Malaki at nakakatakot ang ngiti ng babae. Bahagya pa siyang nakayuko pero sa akin nakatingin. “Saan ka pupunta? Hindi ka pa maaaring umalis dahil handa na ang hapunan…” Makahulugan niyang turan sa akin.





 “Saan ka pupunta? Hindi ka pa maaaring umalis dahil handa na ang hapunan…” Makahulugan niyang turan sa akin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now