STORY #08: Invitation

7.2K 427 297
                                    

DEDICATED TO: JeSeLLeJorge (Jeselle)

DEDICATED TO: JeSeLLeJorge (Jeselle)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.








OMG! Hindi ako makapaniwala na inimbitahan ako ng crush ko na sumama sa bahay ng parents niya sa province nila. Actually, bago pa lang si Jackson sa pinagtatrabahuhan kong BPO company. One week pa lang. Same shift kami kaya nakilala ko siya. Hindi lang siya gwapo pero sobrang mabait pa. Ang hilig manlibre ng coffee sa Starbucks kaya talagang nahulog na ang panty este loob ko sa kaniya sa maikling panahon.

Bakit ba ako kinikilig ng ganito?

E, paano ba naman! Ang daming nakaka-crush diyan kay Jackson. Babae man o bakla ay bet na bet siya. Tapos akong ito na simpleng babae lang ang naisipan niyang imbitahin para isama sa kanila. O, 'di ba? Kung hindi ba naman ako pinagpala sa babaeng lahat!

Well, siguro ay nagustuhan niya ang pagiging madaldal ko at makwento. Ganoon kasi ako.

“Jackson, malapit na ba?” Medyo pabebe kong tanong nang halos kalahating oras na kaming naglalakad sa gitna ng kagubatan. Tanghali na pero hindi ganoon kainit dahil sa maraming matataas na puno sa paligid.

Naka-heels ako kaya ang hirap maglakad. Malay ko bang nasa kagubatan ang tahanan ng parents nitong si Jackson. Siguro, nanay at tatay niya sina Jane at Tarzan. Charot lang!

Naku, kung hindi ko lang bet itong si Jackson ay kanina pa ako nag-back out no’ng malaman kong nasa kagubatan ang bahay nila.

“Malapit na. 'Ayon na nga ang bahay namin, e.” May itinuro siya sa unahan namin.

Tiningnan ko pero puro puno lang ang nakikita ko. “Ha? Nasaan?” Kinusot ko ang mata ko at baka namamaligno ako. Mula sa kung saan ay parang lumitaw ang isang bahay na yari sa kahoy ang dingding. “Ay, oo nga! Malapit na pala tayo!”

'Buti na lang at malapit na pala kami. Baka kasi kapag naglakad pa kami ng another thirty minutes ay bumulagta na ako at bumula ang bibig sa sobrang pagod. Charot lang!

Pagpasok namin sa bahay nila ay ipinakilala niya ako sa nanay at tatay niya bilang kaibigan at katrabaho. Iyong nanay niya palaging naka-smile tapos iyong tatay ay tahimik lang. Namimili ako kung kanino nagmana si Jackson ng looks sa kanila. At the end, inisip ko na lang na baka nagmana si Jackson ng kagwapuhan nito sa ninuno nito.

Nagpahinga lang ako at gabi na nang magising. Eksakto, nagluluto na ng dinner ang mother ni Jackson. Siyempre, pabida ako. Nang iniwanan niya ang kaldero ay naisipan kong buksan. Baka alam ko ang niluluto niya. Ako na lang ang magtutuloy.

Bubuksan ko pa lang ang takip nang dumating ang nanay ni Jackson at sinigawa ako. “Bakit ka nakikialam ng niluluto ko?!” Galit siya.

“Ah, e… Tinitingnan ko lang po kung ano ang—”

“Hindi para sa iyo ang pagkain na iyan kaya lubayan mo ang aking niluluto!”

“Ah, okay po.” Umalis na ako sa kitchen at pumunta sa labas. Hindi ko makita si Jackson. Ang parents niya lang ang nandoon.

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now