STORY #23: Wrong Car

4.6K 300 63
                                    

DEDICATED TO: jmpvlsqz (Justine Mae)

DEDICATED TO: jmpvlsqz (Justine Mae)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.






“HELLO, Justin Mae. Nasaan ka na ba? Nandito na kami sa port! Ikaw na lang ang wala!”

Naitirik ko ang aking mga mata habang palabas ng aking condo unit. May nakasukbit na Hudson Bay Waxed Canvas Backpask sa aking likod na worth thirteen thousand pesos. Papunta kasi ngayon ng mga friends ko sa isang isla sa Batangas. Sa Masasa Beach.

“Hiromi, kung hindi tayo nag-inom kagabi ay maaga sana akong nagising! Hindi niyo naman ako katulad na mandirigma pagdating sa alak, 'no!” Naiinis kong sagot. Sumakay na ako sa elevator para mabilis na makapunta sa ibaba.

Paano ba naman ay nagyaya pa silang mag-inom kahit na may lakad kami ngayong umaga. Late na tuloy ako nagising. Kasalanan nila ito at hindi sa akin. Kaya kung may dapat silang sisihin, ang sarili nila.

“Faster na! Nandito na kaya iyong crush ko! I make him sama to us!”

Napa-ismid ako nang impit na tumili ang kausap ko. “Naku, kaya pala nagmamadali ka kasi kasama ang crush mo!”

“Ganoon talaga. Saka I wanna see the turtles! Excited na ako sa snorkeling natin kaya hurry na, please!”

“Okay, okay! Nakapag-book na ako ng OverGrab at parating na. Nasa labas na ako. Siguro, in thirty minutes ay nandiyan na ako.”

“That’s good to hear! See you, Justin Mae! Bye!”

“Bye!” Peke ang sigla sa boses ko. “Bitch!” sabi ko pagka-end ng tawag.

Honestly, hindi ko talaga gusto ang ugali ng friend kong iyon. Masaydong maarte. Kung hindi lang siya kasama sa circle of friends ko ay hindi ko talaga siya papansinin ever. Pero ayoko namang maging mean sa kaniya kaya pina-plastik ko na lang.

Ayaw niya sa plastik na mga bagay lalo na sa drinking straw pero hindi niya malaman na pina-plastik ko na siya.

Nakatayo na ako sa labas ng apartment ko. Nag-message sa akin iyong OverGrab driver na na-book ko. Medyo matatagalan daw siya. Talagang kung kailan nagmamadali ka ay saka naman may ganitong mga ganap. Well, wala namang problema sa akin kahit na ma-late ako dahil hindi ko kasalanan kung mangyayari iyon. Saka kung mauuna sila, kaya kong sumakay ng bangka nang ako lang. Marami akong pera!

In-expect ko nang maghihintay ako doon nang matagal pero nagulat ako nang may humintong kulay white na kotse sa tapat ko. Iyon ang description ng car na na-book ko.

Jino-joke ba ako no’ng driver? Ang sabi niya kasi ay matatagalan siya, e.

Oh, well! Hindi ko na dapat iyon isipin. Ang importante ay nandito na ang car at hindi na ako maghihintay ng matagal.

Binuksan ko na ang pintuan sa unahan at sumakay. “I thought matatagalan ka pa!” Hindi sumagot ang lalaking driver. Umandar na ang kotse.

Sinulyapan ko siya. Malaki ang katawan, kayumanggi at kalbo. Seryos ang face niya habang nagda-drive. Mukhang masungit. Ayaw yatang magsalita.

Kumibit-balikat ako. Kung ayaw niyang makipag-usap, wala akong pakialam. Ang mabuti pa ay mag-retouch na ako ng aking make up para mas maganda ako sa lahat later. Pagkatapos kong ma-retouch ay ibinalik ko sa aking mamahaling bag na nasa aking lap ang make up.

Isasarado ko na sana ang bag ko nang makita kong umilaw ang aking phone na naroon. Kinuha ko iyon at isang message ang natanggap ko mula sa aking Grabe driver. Hindi ko pa iyon binuksan dahil tiningnan ko ang driver sa aking tabi. Hindi ko naman siya nakitang hinawakan ang cellphone niya. Sa manibela nakalagay ang mga kamay niya ngayon.

Baka naman late lang na dumating iyong message niya. Siguro ay nag-message siya bago ako nakasakay… Iyon ang naisip kong sagot sa aking question.

Tiningnan ko na ang message at bigla akong nalamig nang basahin ko iyon: Ma’am, nandito na po ako sa tapat ng apartment ninyo. Wait ko po kayo dito. Salamat.

Parang sasabog ang ulo ko habang nanginginig na tiningnan ang driver ng sasakyan. Bigla niyang kinuha ang cellphone ko at mabilis na binuksan ang bintana sa tabi niya. Itinapon niya ang cellphone ko sa labas.

Sa ginawa niyang iyon ay nalaman kong nasa maling tao at sasakyan ako.








THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now