STORY #94: A Friend In Need

2.6K 204 31
                                    


DEDICATED TO: jhingz28 (Gielyn)

DEDICATED TO: CuteSpy (Caomhie)

DEDICATED TO: CuteSpy (Caomhie)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.






BEST OF FRIENDS sina Gielyn at Caomhie simula bata pa silang dalawa. Hanggang sa maging dalaga na sila at magkaroon ng trabaho ay walang nagbago sa kanilang pagiging magkaibigan.

Iyon nga lang ay magkaiba ang naging kapalaran nila sa buhay. Si Gielyn ay mahirap habang si Caomhie ay mayaman. Nakatira si Gielyn sa isang maliit na apartment kasama ang nanay, tatay at kapatid niya. Si Caomhie naman ay sa isang mamahaling condo unit na ito ang nagbabayad.

Ngunit kahit kailan ay hindi ipinaramdam ni Caomhie kay Gielyn na malaki ang agwat ng kanilang buhay. Bagkus ay palagi nitong tinutulungan ang kaibigan lalo na sa problemang pinansyal.

Nang maospital ang tatay ni Gielyn dahil sa sakit sa puso ay si Caomhie ang gumastos. Muntik nang huminto sa pag-aaral sa kolehiyo ang pangalawang kapatid ni Gielyn ngunit hindi natuloy dahil sa sinagot ni Caomhie ang lahat ng gagastusin nito sa pag-aaral. Binigyan din ni Caomhie ng puhunan ang nanay ni Gielyn para magkaroon ito ng pwesto sa palengke at makapagtinda ng isda.

Sa madaling salita, malaki ang utang na loob ni Gielyn kay Caomhie. Ganoon pa man, kahit minsan ay hindi nakarinig ng panunumbat si Gielyn mula sa mabait na kaibigan.

Isang gabi, naglalakad si Gielyn papunta sa sakayan ng jeep. Kakalabas lang niya sa kaniyang trabaho sa isang burger house. Waitress siya doon. Malapit na siya sa sakayan nang maramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niya sa bulsa ng suot na pantalon.

Nalaman niyang tumatawag si Caomhie nang kunin niya iyon at tingnan.

“Caomhie! Napatawag ka? Miss mo na ako?” Iyon ang tanong ni Gielyn dahil halos isang buwan nang hindi nagpapakita ang kaibigan sa kaniya. Nais daw nitong mapag-isa muna at mag-isip.

May problema kasi sa pag-ibig si Caomhie. Isang buwan na simula ng makipag-break dito ang nobyo nito ng isang taon. Mahal na mahal ni Caomhie ang lalaking iyon kaya nagmakaawa ito na huwag itong iwanan. Pero may mahal nang iba ang dating nobyo ni Caomhie kaya walang nagawa ang pagmamakaawa nito. Iniwan pa rin ito.

Natatandaan ni Gielyn ang pag-iyak sa kaniya ni Caomhie. Para itong namatayan.

Kaya masaya siya na tumawag na ito ngayon. Iginalang niya kasi ang desisyon nito na huwag magpa-istorbo habang nag-iisip.

“Gielyn… Kumusta ka na?” Dama ni Gielyn ang lungkot sa boses ng kaibigan.

“Okay naman. Ikaw ang kumusta? Tapos na ba ang pag-iyak mo? Tatagay na ba tayo, ha?” Binibiro ni Gielyn si Caomhie upang sumaya ito kahit paano.

“Ikaw talaga. Tanggera ka kahit kailan, Gielyn.”

Natawa siya. “Naman! Bakit ka nga pala napatawag?”

“Punta ka dito sa unit ko, please. May ipapagawa sana ako sa iyo. A simple favor…”

“Sure. Kailan?”

“Ngayon sana. Saka pwede bang bilisan mo?”

“Sige, sige. Wala pa naman ako sa bahay kaya nandiyan na ako ng thirty minutes.”

“Thanks, Gielyn. Sorry kung inabala pa kita. Ikaw lang kasi ang alam kong pupuntahan ako kahit nasaan ako at kahit anong oras. Thank sa lahat-lahat, Gielyn. Salamat sa totoong pagkakaibigan!”

Nangilid ang luha ni Gielyn sa mga salitang narinig sa kaibigan. “Ano ba ito? MMK? Tama na nga muna at baka humagulhol na ako dito. Nakakahiya. Naglalakad pa naman ako. Bye na, ha. See you!” At doon na natapos ang pag-uusap nina Gielyn at Caomhie sa cellphone.

Upang mas mapabilis ang biyahe ni Gielyn ay sa taxi na siya sumakay kahit medyo mahal. Wala pang tatlumpung minuto ay nasa ibaba na siya ng condo building kung saan nakatira ang kaniyang kaibigan. Pumasok siya sa loob at sumakay ng elevator. Nasa ika-sampung palapag ang condo unit ni Caomhie.

Ilang sandali ay nasa harapan na siya ng pinto ng unit ng kaibigan. Nag-buzzer siya. Pinagbuksan siya ng pinto ni Caomhie. Malungkot ang mukha nito.

“May problema ba? Ang lungkot ng mukha mo.” Iyon ang tanong ni Gielyn nang nasa loob na siya. Palakad-lakad si Caomhie. Halatang meron itong problema.

Huminto ito sa paglalakad at humarap sa kaniya. “M-may ipapalinis ako sa iyo, Gielyn.” Nagulat siya nang hawakan siya nito sa magkabilang braso.

“Ipapalinis? Seryoso ka?”

“Oo.” Sinabayan pa ni Caomhie ng pagtango.

“Pinapunta mo ako dito dahil meron kang ipapalinis sa akin?”

Tumango ulit si Caomhie. “Nasa kwarto ko. Halika!”

Nauna si Caomhie sa pagpunta sa kwarto at nakasunod si Gielyn.

“'Ayan! Tulungan mo akong linisin iyan!” Itinuro ni Caomhie ang isang parte ng sahig na malapit sa higaan.

Nagulantang si Gielyn nang makita niya ang napakaraming dugo sa sahig. Mukhang sariwa pa ang mga iyon. “Diyos ko! Caomhie, ano iyan?!” Pasigaw niyang tanong. Takot na takot siya at hindi alam ang gagawin.

Umiiyak na sumagot si Caomhie. “G-gielyn, t-tulungan mo ako. Hindi ko sinasadya. Nawala ako sa sarili at—”

“Caomhie, stop!” Kinuha niya ang mga kamay ng kaibigan. Ang una niyang naisip ay baka pinatay nito ang ex-boyfriend nito kaya may dugo doon. “Hindi mo kailangang mag-explain. Okay? Don’t worry, tutulungan kita. Lilinisin natin 'yan. H-hindi ako papayag na makulong ka. Sa dami ng naitulong mo ay napakasama ko kung hindi kita tutulungan dito. Teka, nasaan ba ang mga panglinis mo.”

“Nasa kitchen. Sa ilalim ng sink…”

Nagmamadaling nagpunta si Gielyn sa kitchen. Kumuha siya ng timba na may tubig at basahan saka niya binalikan si Caomhie sa kwarto nito. Nakatayo pa rin ito malapit sa dugo sa sahig. Walang pagdadalawang-isip na lumuhod siya at inumpisahang linisin ang dugo gamit ang basahan.

Punas. Lublob. Piga.

Paulit-ulit si Gielyn. Ngunit tila hindi nauubos ang dugo sa sahig.

“Ang daming dugo naman nito. Nasaan ba ang katawan?” tanong ni Gielyn.

“Nasa ilalim ng kama,” sagot ni Caomhie.

Napahinto si Gielyn sa paglilinis. Parang gusto niyang sumilip sa ilalim ng kama pero natatakot siyang makakita ng bangkay ng tao kaya hindi niya itinuloy. Ini-imagine pa lang niya ay kinikilabutan na siya.

“A-ang daming dugo naman nito, Caomhie,” ulit ni Gielyn. Hindi na kasi niya alam ang sasabihin sa kaibigan na nakatayo at pinapanood siyang maglinis ng dugo.

“Kaya nga, Gielyn. Ang daming dugo… Kung alam ko lang na magiging makalat ay nagbigti na lang sana ako kesa naglaslas ng pulso…” Malamig na turan ni Caomhie.







THE END

100 Tales Of HorrorOn viuen les histories. Descobreix ara