STORY #44: Cuddle Weather

3.8K 286 105
                                    

DEDICATED TO: AudreyKlaryzArao (Audrey)

DEDICATED TO: AudreyKlaryzArao (Audrey)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




AKO si Audrey at meron akong jowa. Oops! Sorry na lang sa mga single diyan at magiging bitter sa ikuwkento ko. Well, ang jowa ko ay gwapo, matangkad, moreno at may abs.

O, kung naiinis at naiinggit ka na dahil wala kang ganoong jowa ay tumigil ka na lang sa pagbabasa. Walang gamot sa taong inggit! 'Wag mo nang pahirapan ang self mo. Joke lang!

For me, deserved ko ang jowa ko ngayon na super yummy. Aba, super lucky siya sa akin dahil napaka sexy at ganda ko. Malambing, sweet at magaling din akong magluto. May pera din ako kaya hindi na niya ako ginagastusan. Kaya kong ibili ang sarili ko ng mga bagay na kailangan at gusto ko. Hindi ko na iyon inaasa sa jowa ko. I’m an independent woman!

Isa sa mga gusto kong gawin namin ng jowa ko ay ang pagka-cuddle sa gabi before kami mag-sleep. Tapos nakasuot ako ng isa sa mga collection ko ng lingerie. Marami ako niyan. If I am not mistaken ay meron akong fifty plus na lingerie. Different colors and styles.

Back to cuddling…

Ano nga ba ang masarap sa pag-cuddle?

Feel na feel ko kasi ang love niya for me kapag nagka-cuddle kami. Iyong feel na feel ko ang body heat niya. Grabe lang! Eng sherep!

O, baka naiinggit na kayo, ha? Stop na sa pagbabasa at baka bumula na iyang mga bibig ninyo sa inggit kasi wala na nga kayong jowa ay wala pa kayong ka-cuddle sa gabi! Char!

Ang sarap talaga mag-cuddle lalo na kapag malamig ang panahon. Hindi na need ng kumot. Cuddle is enough for me. Sabi nga nila, cuddle weather!

Gaya na lang tonight, magka-cuddle kami ng aking jowa. Nakatagilid ako at nakatalikod sa kaniya. Nakayakap siya sa likuran ko. Mahigpit ang hug niya sa akin. Dama ko ang body heat niya. Nakasanday pa ang isa niyang hita sa hita ko. Medyo mabigat pero gusto ko iyong bigat na iyon.

Ayyy!!! Nakakakilig nemen!

The next night ay magka-cuddle ulit kami. Same position because this is my favorite position when it comes to cuddling.

Medyo maluwag na ang hug niya sa akin. Tapos hindi na siya nakasanday sa akin. Pero okay lang. Ang importante ay naka-cuddle siya sa akin. Siguro ay tired lang siya tonight. Napapagod din naman ang jowa ko, 'no.

The next night ay sad ako. E, kasi feeling ko ay nanlalamig siya sa akin. Kailangan ko pang hawakan ang braso niya para yakapin niya ako. I want to cuddle kaya. Nakalimutan na ba niya iyon?

Next night ay nauna siyang matulog sa akin. After ng shower ay nakita ko ang jowa ko na nakahiga na habang nakapikit. Tumabi ako sa kaniya at isiniksik ko ang sarili sa kaniya. Hay… Ang sad lang dahil parang nagbago na siya. Nanlalamig na siya sa akin. Siguro ay may gusto na siyang iba.

Nang sumunod na gabi ay mas lalo siyang nanlalamig. Nakahiga ako sa tabi niya pero hindi niya ako kinakausap. Kailangan ko pang igiya ang braso niya para i-cuddle niya ako. Kahit nanlalamig na ang jowa ko ay ayos lang ito. Ang importante ay meron akong ka-cuddle hindi gaya ng iba diyan na wala! Hindi ko sinasabi na iyong nagbabasa pero parang ganoon na nga!

Lumipas pa ang ilang gabi. Mas lalo siyang nanlalamig. Literally.

Hindi na ako happy sa cuddle ng jowa ko. Ang baho na rin niya. Amoy bulok na daga na siya at nalalaglag na ang laman at balat niya sa iba’t ibang parte ng katawan niya.

It’s time na siguro para ibaon ko siya doon sa hukay na ginawa ko after ko siyang patayin.

Maghahanap na lang ulit ako ng bagong jowa.

Sino kayang pwede? Hmm…





THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now