STORY #97: Get The Party Started

2.4K 207 34
                                    


DEDICATED TO: migharry (Miguel)

DEDICATED TO: ChrishaneAen (Tintin)

DEDICATED TO: ChrishaneAen (Tintin)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

YOU MATCHED WITH ‘TINTIN’. Send her a message now!

Finally! May naka-match na rin ako sa Tinder after kong i-install ang dating app na ito one hour ago. Dahil sa first matched ko iyon ay nag-message agad ako sa kaniya.

MIGUEL: Hey! We’re matched!

Habang naghihintay ng reply niya at chi-neck ko muna ang profile and pictures niya. Hmm… She’s cute saka mukhang mabait. Same age lang kami. She loves to eat at hindi halata dahil sa sexy siya. She also loves to travel. Same here. And also, she loves dogs. Just like me. We’re match talaga. Nakakatuwa!

TINTIN: Hello, Miguel! That’s nice! What are you up to?

MIGUEL: For friendship ang see where it will lead us.

TINTIN: Haha! Palaging ganiyan ang sagot ng mga lalaki dito kapag tinatanong ko ng ganiyan.

MIGUEL: Well, totoo iyong sa akin. I just need a girl friend. Kaibigang babae.

TINTIN: Okay. I believe you na nga…

MIGUEL: (smiley) Anyway, ikaw ba? What are you up to?

TINTIN: To be honest… I need a date tonight.

MIGUEL: For?

TINTIN: May family dinner kasi dito sa house tonight at wala akong date. Pine-pressure kasi ako ng mga tita ko. Bakit daw until now ay wala pa akong dine-date or boyfriend.

MIGUEL: May nahanap ka na ba?

TINTIN: Hindi na ako magre-reply sa iyo kung nakahanap na ako. Haha!

MIGUEL: LOL. Pwede ba akong mag-volunteer?

TINTIN: Really? Sure ka? Hindi nga?

MIGUEL: Oo nga. You’re cute. Send mo location mo…

TINTIN: (location sent)

MIGUEL: Oh… Malapit lang. May car naman ako. I can drive to your house.

TINTIN: Hala! Thank you talaga! You saved me. Send ko na lang sa iyo contact number ko para doon na lang tayo magpalitan ng messages, ha. Text ko na rin sa iyo right away kung anong oras.

MIGUEL: Wait. Anong klaseng dinner ba?

TINTIN: Simple family dinner lang naman. Pwede mong suotin anything you want. Basta comfortable ka.

After that ay sinend na ni Tintin ang cellphone number niya. Ti-next ko siya agad para mabigay niya sa akin ang iba pang details. Eight ng gabi ang start ng dinner kaya pumunta daw ako before 8PM. Strict daw kasi sa oras ang family niya.

Mabilis na lumipas ang oras. Ala-siyete na agad ng gabi. Nag-ready na ako. Polo shirt, pants and shoes lang ang isinuto ko. Simple family dinner lang naman, e. Okay na ito. Umalis ako ng bahay ng 7:30PM. Nakarating ako sa address ng bahay ni Tintin ng saktong 8PM.

Isang malaking bahay na halatang mayaman ang nakatira ang bahay nina Tintin. Nakabukas ang malaking gate kaya ipinasok ko ang aking kotse at ipinarada sa malaking space sa harapan ng bahay. May limang kotse pa doon.

Mula sa loob ng kotse ay nakikita ko ang malaking main door na nakabukas at may mga tao akong nakikita.

“Fuck! Bakit sila naka-gown at tuxedo? Akala ko ba simple family dinner lang?” Parang gusto ko nang umuwi at magpalit ng damit pero 8PM na. Sobrang late na ako. Baka nga kaya parang hindi pa sila kumakain ay hinihintay nila ako.

Bago ako bumaba ay tinawagan ko muna si Tintin. Ayokong pumasok sa loob ng ako lang. Walang nakakakilala sa akin doon at baka mapagkamalan nila akong magnanakaw o masamang loob. Mabuti na ang sigurado.

“Hello, Miguel! Where are you na?” Masigla ang boses ni Tintin nang sagutin niya ang call ko. Mukhang hindi naman siya naiinis dahil late na ako.

“Nandito na ako sa harapan ng house ninyo. Pwede bang sunduin mo ako? Nahihiya akong pumasok na wala ka, e.”

“Naku, Miguel… May ginagawa kasi ako sa kitchen. Pasok ka na. Don’t be shy! The party is about to start!”

“Party? Akala ko ba ay—”

“Miguel, pumasok ka na. Sige na.” Naging seryoso ang pagsasalita ni Tintin kaya medyo kinabahan ako. “Susunduin kita sa salas. Don’t worry. Bye!” Bumalik sa pagiging masigla ang pagsasalita niya at naputol na ang call.

Sa takot na baka maartehan siya sa akin ay bumaba na ako ng kotse at naglakad papunta sa bahay nina Tintin. Pagpasok ko pa lang sa pinto ay nagtinginan na ang mga naroon sa akin. Limang lalaki at limang babae. Lahat sila ay may hawak na kopitang may laman na wine.

Shit! Nakakahiya ang suot ko! Bakit kasi sinabi ni Tintin na simpleng family dinner lang?

Sinadya ba niya ito? Hindi naman siguro. Baka nagbago lang ang theme ng dinner ng last minute at sa sobrang busy niya ay hindi na niya ako nasabihan.

“G-good evening po.” Nahihiya kong bati sa mga nakatingin sa akin. “Friend po ako ni Tintin.”

Pagkasabi ko niyon ay bumalik na sila sa pag-uusap.

Teka. Saan ba ako pupunta? Ano ba ang gagawin ko?

Uupo ba ako o tatayo na lamang malapit sa pinto?

Parang pangit na nakatayo ako dito kaya naisipan kong umupo sa may sofa dahil walang nakapwesto doon. Pero papaupo pa lamang ako nang biglang dumating si Tintin. Nakasuot siya ng kulay itim na gown at napaka-sexy niya pala sa personal. Mas maganda din! Nahiya lalo ako dahil pakiramdam ko ay sobrang alangan ako sa kaniya.

“Miguel!” Nakangiti niyang tawag. Patakbo siyang lumapit at niyakap ako.

“T-tintin…” Iyon ang nasabi ko. Hindi ko inaasahan na may hug agad ako, e.

Hinila niya ako sa may dining area nila. Meron doong mahabang lamesa na pang-twenty seater. Tapos nakakapagtaka kasi walang pagkain. Puro pinggan, baso, kutsar, tinidor at knife ang naroon. Baka hindi pa na-i-se-serve. Mamaya pa siguro.

Nakita ko na sumunod na iyong mga tao na nasa salas kanina.

“Mama, Papa, si Miguel po. Miguel, my parents!” Ipinakilala na din ako ni Tintin sa mga magulang niya.

Wow! Mukhang ayos ito. Iba kasi kapag ipinakilala ka na sa magulang, 'di ba?

“Hello po, tita at tito!” Kumaway ako sa kanila.

“Hi, Miguel!” Kumaway din ang mama ni Tintin sa akin habang tumango ang papa niya.

Pumalakpak ng isa ang papa ni Tintin. “So, nasaan na pala ang food natin? Nagugutom na kami. Ang sabi mo, Tintin, ikaw ang bahala sa dinner. Nasaan na?” tanong nito.

“Papa, nandito na po ang food natin…” Iba ang naging pakiramdam ko nang inakbayan ako ni Tintin. Napatingin ako sa kaniya. “Let’s get the party started!”

Sa mga taong naroon naman ako napatingin. Bakit ganoon sila makatingin sa akin? Bakit ang tingin nila sa akin ay isa akong masarap na pagkain?!

Ano ba itong napuntahan ko?




THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now