STORY #70: Worms

3.5K 217 38
                                    

DEDICATED TO: shrlnbnqn (Sherleen)

DEDICATED TO: shrlnbnqn (Sherleen)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.







“ATE, ang luma na ng earphone ninyo. Hindi na uso ang ganiyang may wire. Ganito na ang uso!” Ipinakita kay Sherleen ng isang binatilyo ang wireless earphone na nasa kamay nito.

Nakatayo siya sa gilid ng kalsada ng tanghaling iyon at naghihintay ng jeep na masasakyan pauwi ng kaniyang apartment. Pauwi na siya mula sa trabaho niya bilang call center agent sa isang BPO company. Inaantok na siya at uwing-uwi na siya nang may lumapit sa kaniyang binatilyo at ibinebenta ang isang airpods.

“Binebenta mo ba sa akin iyan?” tanong ni Sherleen.

“Opo. Kahit limang daan lang, ate.”

“Ang mura naman.”

“Edi, wantawsan po!”

“Ikaw naman. Hindi na mabiro. Patingin nga!”

Ibinigay ng binatilyo ang airpods sa kaniya para mabusisi niya kung original ba o imitation lang. Marunong siyang tumingin sa ganoon bagay at sa pagtingin niya sa aipods ay nahinuha niyang original iyon.

“Wala na bang tawad? Mukhang luma na ito, e. Wala pa itong charger. Bibili pa ako kung sakali kapag binili ko ito sa iyo.”

“Five hundred na ang last price, ate. Kunin niyo na po.” May halong pakiusap na sabi ng binatilyo.

Tiningnan ito ni Sherleen. Sa hitsura ng binatilyo ay mukhang hindi pa ito kumakain. Naawa siya at sa huli ay binigyan niya ito ng limang daang piso at kinuha na niya ang airpods. Umuwi siya ng apartment na dala iyon.

Ang totoo niyan ay meron siyang lumang airpods pero hindi na gumagana ang isa kaya nakatabi na lang. Kinuha niya ang charger ng lumang airpods at doon niya chi-narge ang nabili niya doon sa binatilyo. “Ay, bongga!” pakli niya nang makitang nagcha-charge ang airpods.

Nagtimpla muna ng gatas si Sherleen at nagpalit ng pantulog. Isinara niya ang bintana at ibinaba ang kurtina para madilim sa kaniyang kwarto. Mahirap matulog kapag may liwanag. Mamayang gabi pa ang pasok niya kaya mahaba-haba pa ang oras para sa tulog niya. Sanay siya na nakikinig ng music habang natutulog kaya ginamit na niya ang aipods at gumagana naman ang dalawa. Humiga na siya habang nakikinig ng music gamit ang airpods at ilang sandali lang ay mahimbing na ang tulog niya…

-----ooo-----

NAPUTOL ang tulog ni Sherleen nang may maramdaman siyang parang kumikiliti sa tenga niya. May inis na tinanggal niya ang airpods na nakasalpak sa magkabilang tenga para kusutin ang kaniyang tenga na medyo nangati.

Ala-singko pa lamang ng hapon ayon sa digital clock niya. Maaga pa para magising siya.

Ibinalik niya ang airpods sa tenga at ipinikit ang mata.

Wala pang isang minuto ay naramdaman ulit niya ang nakakakiliting sensasyon sa kaniyang tenga. Tila may maliliit na kung anong naglalakad sa loob ng tenga niya. Mabilis niyang inalis ang airpods at tiningnan iyon. May nakita siyang napakaliit na kulay itim na uod na pumasok sa maliliit na butas ng airpods.

“Shit…” Kinakabahan niyang mura.

Kaya ba nakikiliti at kumakati ang tenga niya ay dahil may uod sa loob ng airpods?

Nawala ang antok ni Sherleen. Bumaba siya ng kama at nagtungo sa kusina dala ang airpods. Gusto niyang masiguro kung totoo ba ang uod na nakita niya o baka namalikmata lang siya dahil kakagising lang niya.

Mula sa ilalim ng lababo ay inilabas niya ang martilyo. Inilagay sa sahig ang airpods at walang pagdadalawang isip na pinukpok ang mga iyon ng martilyo. Nawasak ang airpods at tiningnan niya nang maigi ang loob niyon. Wala siyang nakitang uod o kahit na anong kakaiba. Bigla siyang nanghinayang sa pagsira niya sa airpods. Parang nagtapon siya ng five hundred pesos sa ginawa niya.

Malay ba kasi niya kung totoo ba ang nakita niyang uod o hindi.

Nanghihinayang man ay itinapon na ni Sherleen ang sirang airpods at bumalik sa pagtulog.

-----ooo-----

HINDI makapag-concentrate si Sherleen sa pagtanggap ng tawag sa trabaho. Nakaka-distract ang labis na pangangati ng loob ng kaniyang dalawang tenga. Para bang may mga gumagalaw doon na hindi niya mawarian. Panay ang alis niya ng headphone para kusutin ang tenga. Sumasakit na rin ang ulo niya. Isang oras pa lamang ang nakakalipas simula ng mag-umpisa siya sa shift niya ay ganoon na ang nangyayari sa kaniya.

“Shit naman. Ano ba 'to?” Naiirita niyang sabi. Kasunod niyon ay napasigaw siya dahil sa sobrang sakit ng tenga niya. Parang may tumusok na karayom sa loob niyon.

Nagulat tuloy ang mga kasamahan niya.

“Are you okay, Sherleen?” tanong ng katabi niyang babae. Pagharap niya dito ay nanlaki ang mga mata nito. “OMG! P-parang may gumagalaw sa face mo!”

Mas lalo siyang natakot sa sinabi ng katabi niya. Tumayo siya at tumakbo sa restroom. Kinakabahan siyang humarap sa salamin para tingnan ang mukha. Nahihintakutan siyang sumigaw nang makita niya ang tinutukoy ng katrabaho niya. May umuumbok sa mukha niya na payat at mahabang bagay. Nararamdaman niya na gumagapang iyon sa ilalim ng balat niya sa mukha!

Hinawakan niya ang nakaumbok na parang mahabang uod pero gumalaw iyon at gumapang. Mas lalo siyang natakot nang makitang gumapang sa ibabaw ng bilog ng mata niya ang uod. Hindi lang iyon dahil unti-unting nadadagdagan ang gumagapang sa ilalim ng balat niya sa mukha.

Hindi na alam ni Sherleen ang gagawin. Galing ba ang mga uod sa airpods na binili niya? Hindi niya alam. Wala siyang ideya!

Bumalik siya sa table niya at kinuha ang cutter bago bumalik ulit sa restroom. Ini-lock niya ang pinto para walang makapasok.

Sa pagharap niya sa malaking salamin ay napaiyak na siya dahil sa dami ng uod na gumagapang sa ilalim ng balat niya. Meron na rin sa leeg at may nararamdaman na rin siya sa kaniyang likuran at dibdib.

“Shit kayo! Umalis kayo sa katawan ko!” sigaw pa ni Sherleen.

Pikit-mata niyang hiniwaan ng maliit ang pisngi niya. Nang may sumungaw na kulay itim na uod sa sugat na ginawa niya ay agad niyang hinala palabas. Ramdam niya ang katawan nito habang hinihila niya. Halos dalawang dangkal ang haba ng uod na nakuha niya. Nandidiring itinapon niya iyon sa sink.

Patuloy siya sa pag-iyak. Ito lamang ang paraan na naiisip niya para maalis ang mga uod sa loob ng kaniyang katawan.

Para mas maging mabilis ang pagkuha niya sa mga uod ay hiniwaan niya ng marami ang mukha, leeg at braso niya. Hinubad na rin niya ang suot na pang-itaas at hiniwaan ang dibdib gamit ang cutter. Iyak na siya nang iyak dahil sa sakit at hapdi. Duguan na siya pero mas nananaig ang kagustuhan niyang maalis ang mga uod. Para bang may bumubulong sa loob ng ulo niya para gawin ang bagay na iyon sa sarili.

Sa bawat sumisilip na uod sa ginawang sugat ni Sherleen sa sariling katawan ay agad niyang hinuhuli ang mga iyon at hinihila. Tinatapon niya agad ang mga uod sa sink. Binuksan din niya ang gripo para agad na mawala ang mga uod sa sink.

Hindi niya alam kung gaano na siya katagal sa kaniyang ginagawa. Parang hindi rin mauubod ang mga uod sa kaniyang katawan. Tigam na sa luha ang kaniyang mga mata at makirot na ang kaniyang mga sugat.

Unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa. Hanggang sa makapagdesisyon siyang humingi na ng tulong sa kaniyang mga katrabaho.

Dala ang cutter ay lumabas siya ng restroom at nagtungo sa working station. Nagsigawan ang lahat nang makita ang kaniyang hitsura. Duguan siya, puno ng sugat at nanghihina na.

“P-parang awa niyo na… T-tulungan ninyo ako… Marami pa sa likuran ko!”






THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now