STORY #90: Finders Keepers

2.4K 193 18
                                    


DEDICATED TO: M-Wolfheart (Lucy)

DEDICATED TO: M-Wolfheart (Lucy)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



“ANO ba, Lucy?! Ayoko na! Tama na! Nasasaktan na ako!” sabi sa akin ng boyfriend ko.

“Eh… Isa pa kasi. Please! Last one na lang. Promise! Saka naglalambing lang naman ako, e!” Hinaharot ko kasi siya sa kwarto ko. Nasa ibabaw kami ng aking queen size bed.

“Nasasaktan na nga ako—”

Mabilis kong tinakpan ang bibig niya ng isa kong kamay nang may kumatok ng malakas at sunud-sunod sa pinto ng aking kwarto.

“Lucy! Buksan mo ang pinto! Lucy!”

Hala! Si mommy 'yon!

Hindi ko kasi ipinaalam sa kaniya na dinala ko dito sa room ko ang boyfriend ko. Ang akala niya kasi ay umuwi na ang boyfriend ko pero hindi niya alam ay pasimple kaming nagpunta sa kwarto ko nang nagpunta siya sa banyo.

“Mommy, bakit?!” Medyo pasigaw na tanong ko.

“Open this door, Lucy! Now!”

Pinanlakihan ko ng mata ang boyfriend ko. “Sabi kasi sa iyo huwag kang maingay, e. 'Yan tuloy, narinig yata tayo ni mommy. Wait, kailangan mong magtago. Hindi ka niya dapat makita!”

“Lucy! Bubuksan mo ba ito o gigibain ko itong pinto?! Huwag mo akong susubukan!”

Bago ko buksan ang pinto ay itinago ko muna ang boyfriend ko sa loob ng aking closet.

Binuksan ko na ang pinto. “Mommy! Bakit po? Gabing-gabi na. May kailangan ka po ba?” Pilit kong ginagawang normal ang aking pagsasalita para hindi siya makahalata.

Itinulak niya ako paloob at pumasok siya. “Nasaan ang boyfriend mo?!” Umiikot ang mata niya sa kabuuan ng aking kwarto. Kahit ang kasuluk-sulukan ay tinatapunan niya ng tingin.

“H-ha? B-boyfriend? Wala po. Umuwi na po siya kanina after ng dinner.” Sana naman ay maniwala siya sa pagsisinungaling ko.

“Hindi mo ako maloloko dahil hindi ako bingi, Lucy! Dinig ko sa ibaba ang boses ng boyfriend mo. Where is he? Saan mo siya itinatago?!”

“Mommy, malakas lang ang volume ng TV ko dito sa room!”

“Wala kang TV dito sa kwarto mo! Ambisyosa! Nasaan na siya?!” Yumukod siya at sinilip ang ilalim ng aking kama. Muling tumayo nang walang nakita doon. “Answer me! Nasaan na ang boyfriend mo?!” Galit na galit na siya. Kulang na lang ay saktan ako.

Nag-crossed arms ako. “Sinabi ko na sa inyo, wala dito ang boyfriend ko. Ang kulit ninyo! Kung ako sa iyo, mommy, bumalik ka na sa kwarto mo kasi matutulog na ako—” Kinabahan ako nang naglakad si mommy palapit sa closet kung saan ko itinago ang aking boyfriend. “Mommy, wait!”

Pipigilan ko sana siya pero huli na ang lahat. Binuksan na niya ang closet ko. Tumambad sa kaniya ang aking boyfriend na white bried lamang ang suot at tagaktak ng pawis. Umiiyak ito at may nakasaksak pang kutsilyo sa tagiliran. Nakatali sa likuran ang dalawang kamay at pati paa ay nakatali din. May busal siya sa bibig kaya hindi na makapagsalita at makagawa ng ingay. Takot na takot siya.

Naiinis na itinirik ko ang mga mata ko at nilapitan si mommy.

“See?! Hindi mo ako maloloko, Lucy! Itinatago mo lang ang boyfriend mo dito!”

“Mommy, akin iyan, e. Ikaw na nga ang pumatay sa stepfather ko, 'di ba? Kaya ako naman sa boyfriend ko—”

“Shut up, Lucy! Mother mo ako kaya ako ang masusunod!”

Marahas niyang hinablot sa buhok ang boyfriend ko palabas ng closet at hinila niya paalis ng aking kwarto.

Masama ang loob na humiga ako ng padapa sa aking kama. Akala ko ay magagawa kong itago sa mommy ko ang boyfriend ko para ako ang papatay sa kaniya pero mali ako. Nahanap pa rin siya ni mommy!

Well, I guess oras na para maghanap ng bagong boyfriend…


THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now