STORY #84: Lady In The Painting

2.9K 176 13
                                    


DEDICATED TO: ScaredViking (Lester)

DEDICATED TO: ScaredViking (Lester)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.










NATANGGAP si Lester bilang store attendant sa isang antique shop na ang may-ari ay isang matandang lalaki. Ang trabaho niya ay punasan ang mga naka-display na paninda at i-assist ang mga tumitingin na tao o gustong bumili.

Labis siyang namamangha sa mga lumang bagay na nasa shop gaya ng pigurin, banga, upuan, lamesa, painting at kung anu-ano pa. Ngunit ang tunay na nakakuha ng kaniyang atensiyon ay ang malaking painting na nakasabit sa isang dingding ng shop. Sa painting ay makikita ang isang magandang babae na nakatayo at nakasuot ng mahaba at magandang kulay pulang damit. Ang nakakamangha pa sa painting ay kapag walang ilaw ay nagbabago ang mukha ng babae sa painting. Nagiging isang matandang babae na ito.

Ayon sa cashier ay asawa ng may-ari ang nasa painting at pinasadya na may ganoong epekto ang painting sa tuwing hindi ito tinatamaan ng ilaw. Matagal na daw patay ang babae na nasa painting. Mahigpit din na ipinagbabawal na hawakan ang naturang painting maliban sa kung ang may-ari ng shop ang hahawak.

Noong nabubuhay pa daw kasi ang babaeng nasa painting ay masyado itong metikulosa at malinis sa katawan. Ayaw nitong nagpapahawak sa ibang tao maliban sa asawa nito. Ubod din daw ito ng sungit at lupit lalo na sa mga kasambahay nito. Nananakit daw ito sa tuwing nagkakamali ang mga kasambahay kaya walang tumatagal sa babaeng nasa painting para pagsilbihan ito.

Isang gabi, tapos na ang trabaho ni Lester at pwede na siyang umuwi. Ngunit mas pinili niyang tingnan muna ang painting dahil sa nakakamangha iyon sa tuwing inaalisan niya ng ilaw. Naaliw siya sa pagbabago ng mukha ng babaeng nakasuot ng pulang damit sa painting.

Napakaganda din ng frame niyon. Gawa sa tunay na ginto.

Ano kaya ang pakiramdam na makahawak ng ganiyang ginto? Tanong niya sa sarili.

Dahil sa kuryusidad ay hindi niya napigilan ang kamay na hawakan ang frame ng painting. Maging ang mismong painting ay hinawakan niya. Sa tingin niya ay wala namang nakakita sa kaniya. Sa labis na tuwa niya sa painting ay nag-selfie pa siya kasama iyon at saka siya umalis ng naturang antique shop.

-----ooo-----

SA isang boarding house nakatira si Lester. May kasama siyang dalawang lalaki sa kwarto na kaniyang inuupahan. Hindi niya kilala ang dalawa. Bale, ng dumating siya doon ay naroon na ang mga ito. Hindi niya ka-close ang mga kasama sa kwarto pero magkakasundo sila. Wala din kasi siyang pagkakataon na makausap ang mga ito dahil sa tuwing darating siya ay nakakatulog na siya agad dahil sa pagod sa trabaho.

Single bed ang tinutulugan niya habang ang dalawa niyang kasama ay double deck.

Pagkahiga niya sa higaan ay binuksan niya ang kaniyang cellphone para tingnan ang picture niya kasama ang painting sa antique shop.

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now