STORY #64: The Better Half

3.9K 258 44
                                    

DEDICATED TO: emzdrake (Drake)

DEDICATED TO: KimYieng (Mariel)





DEDICATED TO: KimYieng (Mariel)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.








PLAYBOY at happy-go-lucky—iyan ang mga salitang madalas na i-describe ng mga kakilala ko sa akin. Well, totoo naman kaya hindi ako na-o-offend. E, anong magagawa ko? Gusto ko lang i-enjoy ang buhay ko lalo na at may kakayahan akong gawin iyon.

Hindi sa pagmamayabang pero mayaman ang pamilyang kinabibilangan ko. Dalawa lang kaming magkapatid at parehas na lalaki. Ako ang bunso. Ang parents ko ay may-ari ng isang shopping mart at gas station na marami nang branches sa iba’t ibang lugar dito sa Pilipinas.

Buong buhay ko ay hindi ako nakaranas ng paghihirap dahil sunod palagi ang luho namin. Hanggang sa hindi ko akalain na isang araw ay may isang babae na magpapabago ng pananaw ko sa buhay. Walang iba kundi ang napakagandang si Mariel…

Nakilala ko si Mariel nang sumama ako sa mga kaibigan ko para magbakasyon sa Quezon Province. Probinsiya iyon ng isa kong kaibigan. Apat kami at puro lalaki.

Bago kami magpunta doon ay sinabihan kami na mahina ang signal doon at malayo ang buhay sa siyudad. Liblib daw ang lugar at baka mahirapan kami. Ayoko na sanang sumama pero nang ipakita niya ang pictures ng nature sa lugar nila ay na-encourage akong sumama na. Mahilig kasi ako mag-travel sa magagandang lugar lalo na kung local.

Hindi naman ako nagsisi dahil kung gaano kaganda ang lugar sa picture ay mas maganda iyon sa personal. May isang gubat doon na may talon na napakalinaw ng tubig. At hindi lang ang lugar ang bumighani sa akin kundi maging si Mariel…

Isang gabi, init na init ako. Inaya kong maligo sa talon ang mga kaibigan ko pero ayaw nila. Pagod at antok daw sila. Kaya kahit mag-isa ay pumasok ako sa kagubatan at nagpunta sa talon. Sa kabila ng babala ng nanay ng kaibigan ko na huwag na daw akong lumabas ng mag-isa dahil may gumagala daw na aswang.

Aswang? Meron pa palang mga tao na naniniwala sa ganoon?

Tinanong ko pa nga ang nanay ng kaibigan ko kung may napatay na ang aswang sa lugar nila. Wala pa daw. Kwent-kwento lang daw ang tungkol sa aswang.

Pagdating ko sa talon ay may nakita akong isang magandang babae na naliligo. Nagtago ako sa likod ng malaking bato para malaya siyang mapanood sa paglulunoy niya sa tubig. Hanggang sa hindi na ako nakatiis at nagpakita na ako sa kaniya. Natakot siya at tatakbo sana pero hinabol ko siya.

Nang naabutan ko ang babae ay doon ko nakita ang tunay na kagandahan ng kaniyang mukha. Maamo na akala mo ay isang anghel. Ang malalaki at bilog niyang mata na may mahahabang pilik-mata ang una kong napansin. Kasunod ay ang labi niyang mapula at morenang balat.

“Hindi ako masamang tao. Galing ako sa city. Ako si Drake. Ikaw?” Iyon ang sinabi ko.

“M-mariel. Mariel ang pangalan ko.” Parang may pag-aalinlangan niyang sagot. Halos hindi siya makatingin sa akin.

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now