STORY #100: 100th Story

4.1K 311 170
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





LOCKDOWN, Day 100…

Eksaktong ika-one hundred na araw na simula ng mag-lockdown dahil sa pagkalat ng COVID-19. Lumalabas lang ang mga tao kapag bibili ng pangunahing pangangailangan kagaya ng pagkain. Hindi rin pwedeng lumabas ang walang quarantine pass. Meron ako no’n pero hindi ako palaging lumalabas. Natatakot kasi ako na baka tamaan ako ng virus na kumakalat, e.

Mag-isa lang ako sa apartment ko. Ah, meron pala akong kasama. Ang aking cute na aso na si Max. Isa siyang maltese. Pero iba pa rin kasi kapag may kasama kang tao na nakakausap mo, 'di ba?

Walang biyahe ang mga public transportation kaya hindi ako makapunta sa bahay ng mga kaibigan ko.

Wala na akong makitang series o movie sa Netflix na pumupukaw sa interes ko.

Sawa na akong mag-browse sa internet, manood ng kung anu-ano at maglaro ng Mobile Legends at Among Us. Gusto ko naman ng ibang gagawin. Iyong matatanggal ang boredom ko.

Isang gabi, nakahiga na ako at nagpapaantok. Hawak ko ang aking cellphone at nag-fe-Facebook. May advertisement akong nakita sa news feed. Bagong app daw na magandang gamitin ngayong pandemic para mawala ang boredom.

MOMO App—iyon ang pangalan ng app.

Dahil sa na-curious ako ay dinownload ko ang app na iyon. Medyo weird ang icon niya. Isang mukhang ibon na halimaw na may malaking mata at mahabang buhok. Ang creepy niya. Sobra. In-open ko ang app at nalaglag sa mukha ko ang cellphone habang nakahiga ako dahil sa gulat nang bumulaga sa akin ang mukha ng nakakatakot na halimaw.

“Hello! My name is Momo. What is your name?”

Aba. Nagsasalita siya.

Ano ba ito? Parang Talking Tom?

May box sa ilalim ng mukha ni Momo at doon ko tinype ang pangalan ko.

SOJU—iyon ang aking tinype. Then ENTER.

Biglang namatay ang cellphone ko nang walang dahilan. “Pucha! Virus yata na-download ko!” pakli ko. Nagkaroon ako ng one second heart attack dahil nabuhay din agad ang cellphone ko.

Binuksan ko ulit ang MOMO App. Naroon pa rin ang mukha ni Momo. “Hello, Soju! Welcome back! Ano ang gusto mong gawin natin? Talk? Play? Dare?” Cute na creepy ang boses niya.

Teka. Ano nga ba? Parang gusto ko iyong “dare” para exciting.

Pinili ko ang box na may nakasulat na DARE.

“You chose DARE. May isa akong dare sa iyo na kapag hindi mo nagawa ay buhay mo ang magiging kapalit!”

Natawa ako sa sinabing iyon ni Momo. “OA, ha! Buhay agad? Okay. Ano bang dare mo?”

“Hindi tayo naglalaro dito, Soju. Sa oras na in-enter mo ang pangalan mo kanina ay hawak ko na ang buhay mo.”

Bakit parang kinikilabutan ako sa sinasabi ni Momo? Yes, alam kong app lamang ito at hindi totoo ang sinasabi niya pero iba ang pakiramdam ko.

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now