STORY #09: Letter

6K 339 89
                                    

DEDICATED TO: Xladzk (Reno)

DEDICATED TO: Xladzk (Reno)

Hoppsan! Denna bild följer inte våra riktliner för innehåll. Försök att ta bort den eller ladda upp en annan bild för att fortsätta.


Dear Mama and Papa,

Kumusta na po kayo? Sana ay okay lang po kayo. Pasensiya na po kayo kung hindi na ako nakapagpaalam sa inyo ng personal dahil natatakot ako na baka hindi ninyo ako payagan.

Mama, Papa, sumama na po ako kay Reno—sa aking asawa. Alam ko magagalit kayo sa akin dahil sa kinuha niyo na ako sa kaniya tapos bumalik na naman ako sa kaniya. Pero mahal na mahal ko po talaga si Reno. Nangako na po siya sa akin na hindi na niya ako sasaktan at hindi na siya magiging seloso at naniniwala po ako sa asawa ko.

Huwag niyo na po akong hanapin. Magpapakalayo-layo na po kami ni Reno. Ang gusto po namin ay mabuhay na kaming dalawa lang. Iyong walang makikialam…

Sinisiguro ko sa inyo na magiging masaya na ako sa piling ni Reno sa pagkakataon na ito. Isipin niyo na lang na patay na ako.

Salamat po sa lahat. Mahal na mahal ko po kayo, mama at papa.

Ang inyong anak,
Leah

Napailing nang ilang beses si Reno matapos basahin ang sulat na ginawa ng kaniyang asawa na si Leah. May kasamang gigil at inis na kinuyumos niya iyon at ibinato sa mukha ni Leah na puno ng pasa ang mukha at walang tigil ang pag-agos ng luha sa pisngi. Humihikbi-hikbi pa ito. Magulo ang buhok at namumula ang mata dahil sa pag-iyak.

“Putang ina ka!” Malutong na mura ni Reno.

Kasalukuyan silang nasa kanilang bahay. Doon sila nakatira. Dati. Ngunit kinuha si Leah ng mga magulang nito noong isang buwan dahil sa nalaman ng mga ito na binubugbog niya si Leah kapag nagseselos siya.

“Reno, maawa ka sa akin. Ibalik mo na ako kina mama at papa!” Hagulhol ni Leah.

Malakas niyang hinampas ang lamesa na nasa gitna nilang dalawa. “Hindi! Ayaw mo na sa akin, 'di ba? Anong sabi mo sa text? Kahit anong gawin ko ay hindi ka na babalik sa akin! Pwes, sasabihin ko sa iyo ito! Walang pwedeng makinabang sa iyo kundi ako lang, Leah! Ako lang!” Nanlilisik ang mga matang sigaw niya.

Kinuha niya ang notebook sa ibabaw ng lamesa. Pumilas ng isang pahina at lumipat ng upo sa tabi ng kaniyang asawa.

“Ulitin mo ang sulat. Ayokong may patak ng luha! Naiintindihan mo ba?!” At nilamukos niya ng isang kamay ang mukha ni Leah habang nakasabunot sa buhok nito ang isa.

“A-ang hirap naman kasi ng pinapagawa mo—”

“Wala akong pakialam! Huwag ka kasing umiyak! Paano maniniwala ang mga magulang mo na masaya ka kung may patak ng luha ang sulat mo na makikita nila?! Gawin mo na! Ayusin mo!”

Marahas niyang binitawan ang buhok ni Leah. Hindi siya kakabakasan ng awa habang pinapanood ang muling pagsusulat ni Leah sa papel gamit ang isang ballpen na may kulay itim na tinta. Hihikbi-hikbi ito habang ginagaya sulat na ginawa niya.

Nang makita niyang malapit nang matapos si Leah sa pagsusulat ay lumayo siya sandali. Nagtungo siya sa kusina at kumuha ng kutsilyo. Isang mala-demonyong ngiti ang sumilay sa kaniyang labi habang iniisip kung ano ang gagawin niya sa kaniyang asawa.

Sinabi niya dito na kailangan nitong gumawa ng sulat dahil lalayo silang dalawa. Iyon ang akala nito. Hindi iyon totoo dahil mas gugustuhin pa niya itong mamatay kesa makita sa piling ng ibang lalaki.

Naglakad na siya pabalik sa kwarto kung saan naroon si Leah. Umiiyak ito sa isang sulok at nakatayo. Itinago niya sa likuran ang hawak na kutsilyo. Lumapit siya sa lamesa kung saan nagsusulat si Leah at dinampot ang bagong sulat na ginawa nito.

Tumango-tango si Reno. “Kaya mo naman palang gawin ng tama, e. Magaling, Leah. Bukas ay ipapadala na natin ito sa mga magulang mo.” Marahan siyang naglakad palapit sa kaniyang asawa.

Nanginginig ito at umiiyak pa rin. “M-maawa ka, Reno. Gusto ko nang umuwi… Hayaan mo na lang ako. Nakikiusap ako sa iyo. A-ayokong sumama sa iyo. Hindi na ako masaya sa iyo, Reno. S-sana tanggapin mo na lang ang katotohanan na iyon!” Walang tigil ang agos ng luha ni Leah.

“Shhh… Tahan na.” Kinabig niya sa batok si Leah. Niyakap niya ito gamit ang isang braso. “Akin ka lang, Leah. Tandaan mo iyan!” At walang babalang itinarak niya ang kutsilyo sa likuran nito. Paulit-ulit hanggang sa balutin na siya ng dugo ng kaniyang asawa.




THE END

100 Tales Of HorrorDär berättelser lever. Upptäck nu