STORY #63: Monster Beside You

3.3K 228 27
                                    

DEDICATED TO: XienyDust (Nica)

DEDICATED TO: XienyDust (Nica)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.






NOONG bata pa tayo, karamihan sa atin ay tinatakot ng ating mga magulang sa pamamagitan ng monster o halimaw. Palagi nilang sinasabi na kapag hindi tayo nagpakabait ay kukunin tayo ng halimaw. O kaya kapag hindi tayo natulog sa tanghali o kumain ng gulay ay kukunin tayo ng halimaw. Isa ako sa mga batang nakaranas ng ganiyan.

Ganoon pa man, nasa utak ko nang kapag nagkaroon ako ng anak ay hindi ko gagamitin ang mga halimaw para takutin sila o pasunurin sa gusto ko.

Sa ngayon, habang wala pa akong anak ay nagpa-practice na ako sa pag-aalaga ng bata sa pamamagitan ng aking pamangkin na si Charm. Six years old pa lang siya. Anak siya ng kapatid kong babae na panganay na ang asawa ay nagtatrabaho sa ibang bansa bilang waiter. Madalas ako sa kanila para makipaglaro sa aking pamangkin.

Isang araw, may team building sina ate kaya maiiwanang mag-isa si Charm sa bahay. Nakiusap siya sa akin na kung pwede ay bantayan ko ang anak niya ng isang gabi lang.

“Diretso swimming na rin kasi after ng team building kaya overnight talaga kami, Nica. Pero don’t worry, nandito na ako the next morning,” sabi ni ate habang inihahatid ko siya sa gate. Paalis na siya.

Ngumiti ako. “It’s okay, ate. Enjoy!”

“Thanks, Nica. O, ikaw na ang bahala kay Charm, ha? Pagpasensiyahan mo na lang at mabiro ang batang iyon. Natututunan yata sa kakapanood sa Netflix!”

“Sanay na ako kay Charm, ate.”

“Sige. Aalis na ako. Lock the doors sa gabi. Magtext ka lang kapag may kailangan kayo o may tanong ka.” Tuluyan nang nagpaalam ang kapatid ko.

Nang makalabas na siya ng gate ay isinara ko na iyon at bumalik sa loob ng bahay. Nasa salas si Charm. Tutok ang mata sa pinapanood sa TV habang nakaupo siya sa sahig. Tumabi ako kay Charm.

“Anong pinapanood mo?” tanong ko.

“Stranger Things po, Tita Nica!” Hindi man lang siya tumingin sa akin.

“What? 'Di ba, 'yan iyong may mga halimaw? Hindi ka pa dapat nanonood niyan, a. Hindi appropriate sa age mo. You’re just six, Charm.”

“I don’t care, Tita Nica. I love watching this series.”

Umiling-iling ako. “Ayaw mo ba ng Peppa Pig at Coco Melon?”

“Eww, tita! Boring!” Maarte niyang tutol na may kasamang pag-irap.

Kakaiba din talaga itong si Charm. Iyong mga batang kilala ko ay baliw na baliw sa dalawang cartoons na nabanggit ko. Hinayaan ko si Charm na manood ng gusto niya. Baka kasi umiyak pa kapag nilipat ko sa ibang TV series.

Hindi mahirap alagaan at bantayan si Charm. Basta iharap mo lang sa TV ang batang iyan ay ayos na. Maghapon na siyang manonood habang ako ay hayahay lang!

May mga lutong food na sa ref. Iiinit ko na lang sa microwave. Si ate ang nagluto. May chicken, adobo at carbonara. Iyong adobo ang inulam namin sa lunch at nag-carbonara kami sa dinner.

Bago matulog ay tumawag si ate. Chineck niya kung okay lang kami.

After that ay nagsabi na si Charm na gusto na niyang matulog. Inihatid ko na siya sa kwarto nila ng mommy niya sa second floor. Ako ay sa kwarto sa ibaba natutulog. Ipinagawa talaga iyon ni ate dahil madalas ako sa kanila.

Sanay si Charm na matulog mag-isa dahil hindi siya matatakutin. Kaya matapos ko siyang ihatid sa room sa itaas ay dumiretso na ako sa room ko sa ibaba. Dahil maaga pa ay nanood muna ako ng isang comedy movie sa Netflix.

Sa kalagitnaan ng movie ay nagulat ako sa pagsigaw ni Charm sa itaas.

“Titaaa!!! Tita Nicaaa!!! Come here!!!” takot na takot siya.

Agad akong bumangon at humahangos na pinuntahan siya sa kaniyang kwarto. Naabutan ko siyang nakatalukbong ng kumot at nang lapitan ko ay nanginginig.

“Charm, bakit?” Nag-aalala kong tanong sa kaniya.

Inilabas niya sa kumot ang ulo niya. “T-tita Nica, m-may monster…”

Bumagsak ang balikat ko sabay buntung-hininga. “Monster? Charm, hindi totoo ang monster. Walang monster—”

“Meron, tita. I swear! Nakita ko ang monster!”

“Okay. Kung may monster, nasaan ang monster?”

“N-nasa ilalim ng bed ko ang monster, tita…” Pabulong niyang sagot na para bang may ibang makakarinig sa sasabihin niya.

“Charm, don’t tell me nagbabasa ka na rin ng short stories sa internet. Alam ko na 'to. Nabasa ko na iyang drama mo!”

“No, tita. Please, check the monster under my bed!”

“Okay, sige. Pero kapag ako walang nakitang monster sa ilalim ng bed mo, hindi ka na manonood ng Stranger Things, ha.”

Nanlalaki ang mata na tumango si Charm.

Yumukod na ako at hinawi ang nakalaylay na bedsheet sa gilid. Sumilip ako sa ilalim ng kama pero gaya ng aking inaasahan ay wala akong nakitang monster. Bagkus ay isang salamin na isang dangkal ang haba ang aking nakita. Kinuha ko iyon at tumayo na.

“Charm, niloloko mo ako. Walang monster sa ilalim ng bed. Salamin lang ang nakita ko!”

Biglang tumawa nang malakas si Charm. “Look at the mirror, tita. Makikita mo ang monster!”

Sinunod ko siya at nakita ko ang aking sarili. “Charm!” singhal ko. Nakuha ko na ang joke niya. “Ikaw talaga, ang pilya mo kahit kailan!”

“'Di ba, may monster, tita?” tawa pa rin niya.

“Ewan ko sa iyo. Matulog ka na!” sabi ko at lumabas na ako ng kwarto niya dala ang salamin.

Bago ako bumaba ng hagdan ay natigilan ako. Well, tama naman si Charm. Kung nakita lang sana niya ang repleksiyon ko sa salamin kanina na may mapupulang mata na nanlilisik, mabalahibong mukha at matutulis na ngipin ay masasabi niyang totoo ang mga halimaw.

Minsan nga lang, wala sa ilalim ng kama ang mga monster dahil madalas ay kasama mo sila. Nakakahalubilo mo sila sa araw-araw…





THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now