STORY #03: Whisper

9.8K 504 86
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.









"ABA! Ang yaman mo naman, Tenong! Naka-erpads ka, a! Mahal 'yan, ha. Tawsans ang presyo!" sabi ng isang babaeng nakatambay sa isang sari-sari store habang umiinom ng softdrinks na nasa plastik at may straw.

Ngumisi lang ang labing-dalawang taon na si Tenong. Isang bata na nakatira sa squatter's area. Mahirap, payat at madalas na madumi. Tipikal na batang lalaki sa kanilang lugar.

"Pabili nga ng isang bote ng toyo," sabi ni Tenong sa tindera.

"Saan mo naman na-nenok iyang earphone mo?" tanong ng tindera kay Tenong pagkabigay nito ng kaniyang binibili.

Inabot niya ang bayad. Hindi siya umimik.

"Bilhin ko na sa iyo iyan, Tenong. Original ba iyan?"

"Ayoko. Akin ito, e." Pagkakuha ni Tenong ng sukli ay umuwi na siya sa kanilang bahay.

Ibinigay niya sa kaniyang ina ang toyo at sukli.

Kinagabihan, hindi makatulog si Tenong. Nakahiga siya sa sahig na nilatagan ng karton at banig. Katabi niya ang kaniyang buong pamilya. Ang nanay at tatay niya kasama pa ang pito niyang kapatid.

Nasa paanan siya ng mga ito. Nakikinig pa rin siya ng kanta sa kaniyang mumurahing cellphone. Nakasukbit pa rin sa tenga niya ang earphone. Naaaliw siya dahil wala iyong wire gaya ng ibang normal na earphone.

Tila may hangin na bumulong sa kaniya mula sa loob ng earphone.

Mabilis niyang inalis ang isang earphone at baka tinatawag siya ng isa sa pamilya niya ngunit mukhang lahat ng ito ay tulog na tulog. Ibinalik niya ang earphone at muling nakinig ng kanta.

Maya maya ay may bumulong na naman. Bumalikwas ng bangon si Tenong sabay alis na ng dalawang earphone. Mula sa kadiliman ng paligid ay sinipat niya ang bawat isa sa kaniyang mga kapatid at baka may nangti-trip sa kaniya. Pero sa tingin niya ay tulog talaga ang mga ito.

Tiningnan niya ang dalawang earphone. Hinipan. Baka kasi may insekto o kung ano sa loob kaya ganoon. Sabay niyang isinuot ang dalawa sa tenga. Nakiramdam. Hinintay na may bumulong. Pero wala. Ang kanta lang ang naririnig niya kaya bumalik na siya sa pagkakahiga.

Ngunit pagkahiga ni Tenong ay may bumulong na naman. ""Akin na iyan..." Mas malinaw na sa pagkakataon na iyon.

Pamilyar sa kaniya ang boses na iyon. Isang boses ng babae na isang beses lang niya narinig pero habang buhay niya yatang hindi malilimutan.

"Ibalik mo sa akin iyan..." May bumulong na naman.

Lumamig ang temperatura. Hinila ni Tenong ang kumot para balutin ang kaniyang sarili hanggang leeg. Tumagilid siya. Unti-unting nabubuhay ang takot sa kaloob-looban niya gaya ng unti-unting pagtayo ng balahibo sa braso at batok niya.

Pinaglabanan niya ng husto ang takot.

Ipinikit ni Tenong ang mga mata at pinilit na matulog kahit tila imposible dahil patuloy pa rin ang pagbulong ng isang babae sa kaniyang mga tenga na para bang nasa loob iyon ng earphone. Akala mo ay nanggagaling sa malalim na balon ang mga bulong. Umaalingawngaw at tumitining sa loob ng kaniyang tenga.

Kung ibubukas lang sana ni Tenong ang kaniyang mga mata ay siguradong makikita niya ang multo ng isang babaeng bumubulong sa kaniyang tenga. Lumuluha ito ng dugo at nawawala ang malaking bahagi ng bungo nito. Kita ang utak ng babae. Sa madaling salita ay basag ang ulo!

Naliliyab sa galit ang mata ng babaeng iyon. Ang babaeng iyon ay ang pasahero sa jeep na nakasabay ni Tenong. Nagandahan siya sa earphone nito kaya nang pababa na siya ay bigla niyang hinablot ang dalawa.

"Ibalik mo 'yan! Akin na iyan! Magnanakaw!" Naghihisterikal na sigaw pa ng babae kay Tenong habang tumatakbo.

At dahil nasa paghabol kay Tenong ang atensiyon ng babae ay hindi niya napansin ang rumaragasang truck. Nabangga siya ng truck at naipit ng gulong ang kaniyang ulo!





 Nabangga siya ng truck at naipit ng gulong ang kaniyang ulo!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now