STORY #80: Pet

3.4K 252 29
                                    

DEDICATED TO: Januel25 (Janine)

DEDICATED TO: Januel25 (Janine)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.






“OMG! What the fuck?!” Sigaw ng tatlong kaibigan ni Janine na sakay ng kaniyang kotse nang bigla niyang tapakan ang preno sa gitna ng madilim na kalsada. Siya ang driver. Madaling araw na at galing sila sa isang bar. Birthday niya kasi kaya niyaya niya ang mga kaibigan niya na lumabas at mag-inom. Puro sila babae.

“What happened?”

“Did we hit something or someone?”

“Tell us, Janine! Magsalita ka naman diyan!”

Iyon ang sunud-sunod na sabi ng mga kasama niya. Nakatulala siya at nanlalaki ang mga mata. Bahagyang nakabuka ang bibig niya.

Imbes na sagutin ang mga ito ay nagmamadali siyang bumaba at nagpunta sa unahan ng sasakyan. Yumukod siya at may kinuha. Sa pagbalik niya sa loob ng sasakyan ay bitbit na niya ang isang kulay itim na tuta. Payat iyon at nanginginig. Mukhang gutom at nilalamig. Basa ang buong katawan nito. Nang tingnan niya ang kamay niya ay meron iyon dugo.

“May sugat siya yata…” Malungkot na saad ni Janine.

Napabuga ng hangin ang katabi niya. “'Eto na naman ang Miss Pet Lover! Don’t tell me na aampunin mo ang mabahong iyan?”

“Hindi siya mabaho. Hindi lang siya napapaliguan pa. And yes, I will keep…” Inangat niya ito para makita ang kasarian nito. “Him. I will keep him. Hindi ko siya pwedeng pabayaan lang sa gitna ng kalsada. Mabuti at nakapreno ako bago ko siya masagasaan.”

Mahilig talaga sa hayop si Janine lalo na sa mga aso. Sa kasalukuyan ay meron siyang apat na aspin at dalawang may breed na aso. Mag-isa lang siya sa tinitirahan niyang bahay kaya ayos lang. Walang maiirita kapag maiingay ang mga iyon o dumumi sa kung saan. Para sa kaniya ay nakakawala ng stress ang mga alaga niya kaya napakalaki ng bagay na nagagawa ng mga ito sa kaniya.

Pagkahatid ni Janine sa mga kaibigan niya sa mga bahay ng mga ito ay dumiretso na siya ng uwi. Nawala ang kalasingan niya dahil sa pag-aalala sa napulot na tuta. Pinaliguan niya ito para makita kung nasaan ang sugat nito. Wala siyang nakitang sugat. Nakakapagtaka dahil meron itong dugo. Paano at saan nito nakuha ang dugo?

Natulog na rin si Janine. Kapag nakapagpahinga na siya ng maayos ay saka niya ito aasikasuhin ng mabuti.

------ooo-----

TANGHALI na ng magising si Janine. Nanunuot ang pananakit ng ulo niya dahil sa alak. Nagtimpla siya ng kape at dinala iyon sa isang kwarto kung saan nakalagay ang mga kulungan ng kaniyang aso. Nilapitan niya ang itim na tuta upang tingnan kung ayos lang ito. Nakahiga ito at mukhang tulog.

“Ano kaya ang ipapangalan ko sa iyo? Ano kaya kung… Dark? Gusto mo ba iyon? Dark?” Hindi niya itinuturing na iba ang mga alaga niya. Para sa kaniya ay parang mga tao din ang mga iyon na naiintindihan ang sinasabi niya.

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now