STORY #11: Check Up

5.9K 344 154
                                    

DEDICATED TO: LaPucelle08 (Louise)

DEDICATED TO: LaPucelle08 (Louise)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.













“ANO ba 'yan, Louise? Grabe na iyang ubo mo!”

Napasimangot ako sa kaibigan kong si Thea habang kumakain kami ng lunch sa isang fastfood chain ng Sabado na iyon. Sahod kaya tini-treat namin ang aming sarili kahit sa ganitong kainan lang.

“Hoy! Nasamid lang ako!” Palusot ko. Napaubo ulit ako. Parang may kung ano sa dibdib ko na mabigat. Ang totoo niyang ay isang linggo na akong inuubo ng ganito. Hindi ko alam kung nabaguhan ba ako sa workplace ko o ano. Nasa malamig na kasi ako ngayon sa trabaho ko. Inilipat ako ng supervisor namin. Sa isang electronic company kasi kami nagwo-work ni Thea.

“O, see? Alam mo kung wala pang vaccine ngayon sa COVID-19, iisipin ko na coronavirus iyan!”

“Grabe ka! Bunganga mo naman. Knock on wood!” Kinatok ko ang noo ni Thea.

“Aray! Knock on wood tapos sa noo ko talaga?”

“E, kasi parang kahoy na tabla iyang noo mo. Ang lapad!”

“Ah, ganoon? Grabe ka sa akin talaga!” Nakasimangot na siya. Malapad kasi ang noo ni Thea kaya favorite ko siyang tuksuhin dahil doon hanggang sa mapikon siya.

Tawa ako nang tawa hanggang sa napaubo ulit ako na halos isuka ko na ang lamang-loob ko.

“'Ayan! 'Buti nga! Pero seryoso ako, Louise. Magpa-check up ka. May health card naman tayo kaya for sure ay wala kang gagastusin.”

Nababahala na rin naman ako sa ubo kasi medyo matagal na rin kaya pagkatapos naming kumain ni Thea ay nagpaalam ako sa kaniya na kunwari ay pupunta ako sa bahay ng kapatid ko. Pero ang totoo ay magpapa-check up ako sa doktor para malaman kung bakit hindi gumagaling ang aking ubo. Ayokong ipaalam kay Thea dahil medyo tsismosa ang babaeng iyon. For sure, itsi-tsismis niya ako sa mga katrabaho ko na nagpa-check up ako. Baka kung ano pa ang sabihin!

Nang maghiwalay na kami ni Thea ay naghanap na ako sa Facebook ng malapit na clinic. May nakita agad ako. Ang pangalan ng clinic ay Dr. Vlad Dee Medical Clinic. Tinawagan ko ang number pero walang sumasagot. Puro ring lang.

Hinanap ko sa map sa cellphone ko kung nasaan ang clinic niya. Walking distance lang kaya nilakad ko na lang.

Makalipas ang ilang minuto ng paglalakad ay narating ko na ang clinic. Maliit lang iyon pero maaliwalas ang loob. Isang matangkad at gwapong doktor ang humarap sa akin. Mukha siyang Australian na merong blue eyes pero nagta-Tagalog. Siya pala si Dr. Vlad Dee. Meron siyang assistant na babaeng nurse. Sexy ito at hapit na hapit ang uniform. Halos lumuwa pa ang malaking dibdib. Ang lalim ng neckline ng suot niyang nurse uniform. Ang kapal pa ng make-up. Akala mo ay kambing na panay ang nguya ng bubblegum.

Pinaupo nila ako. Nasa harapan ko si Dr. Vlad Dee.

“Ano ba ang nararamdaman mo, Miss Louise?” tanong ng doktor sa akin. Titig na titig siya sa mata ko kaya hindi ko maiwasang kiligin ng palihim.

“One week na po kasi akong inuubo, Dr. Vlad… Ano po kaya ito?” Akala mo ay pusang nakikipaglampungan na biglang lumiit ang boses ko. Wala lang. Nagpapa-cute lang ako kasi ang gwapo ni dok.

“Nurse Kelly, pakikuha naman ng stethoscope ko. Nakalimutan ko, e. Salamat!”

“Yes, dok!” Ang arte magsalita nitong si Nurse Kelly. Parang babae sa porn videos.

“Ah, dok… single po ba kayo?” Hindi ko na napigilang itanong sa kaniya.

“Yes. I’m single.”

Halaaa!!!

“Parang ayaw kong maniwala, dok. Sa gwapo niyong iyan—”

“Here na, dok.” Biglang sumingit si Nurse Kelly dala ang stethoscope. Humampas pa sa mukha ko ang dulo niyon nang iabot niya kay Dr. Vlad Dee. “Oops. Sorry!” Iyon lang ang sinabi nito. Umupo ito sa isang sulok habang nagce-cellphone.

Intrimitida! Gigil kong bulalas sa sarili.

Tumayo si Dr. Vlad Dee. Pumunta siya sa likuran ko. Ipinasok niya sa loob iyong malapad na bakal na dulo ng stethoscope habang nakalagay sa tenga niya iyong eartips. “Okay, Louise. Hinga nang malalim…”

Sinunod ko siya.

“Then release…”

Teka. 'Di ba, hindi na iyon pinapasok sa loob ng damit? Kahit sa labas lang sa pagkakaalam ko. Naku itong si Dr. Vlad Dee, ha. Bet yata ako. Masyado siyang aggressive. Rawr!

Iyon lang ang ginawa niya at bumalik na siya sa pagkakaupo sa aking harapan.

“Dok, ano po? Alam niyo na po ba kung bakit ako inuubo ng isang linggo?” tanong ko.

Tumango siya. “You need an operation.”

“Ano?! Operation? Agad?!” Napakalaki ng reaksiyon ko. Gulat na gulat ako. Kinusot ko pa ang dalawang tenga ko at baka nagkamali ako ng pandinig. “Ano nga ulit iyon, dok? Pakiulit.”

“Kailangan kang ma-operahan as soon as possible.”

“B-bakit po? Ano po bang meron ako?” Kinakabahan at confused na tanong ko.

“Saka na namin sasabihin kapag natapos na namin ang operasyon sa iyo—”

“Ay, teka lang, dok—”

“Nurse Kelly, pakihanda ang operating room.”

“Okay, dok!” Lumabas ang nurse.

Naguguluhan na ako. Gusto ko nang umalis pero paano kung life-threatening na pala ang lagay ko kaya ooperahan na agad ako. Pero parang ang bilis niyang nalaman na kailangan ko ng operasyon. Ginamitan lang niya ako ng stethoscope tapos opera agad?

“Dok, n-ngayon na talaga ang operasyon?”

“Yes, Louise. Here…” May kinuha siyang maliit na baso na nakapatong sa tabel niya. Meron iyong kulay itim na likido na hindi ko alam kung ano. “Inumin mo ito. Pampakalma.”

“Dok, hindi na lang siguro—”

“Sige na, Louise. Para din sa iyo ito.”

Siya na mismo ang naglagay ng labi ng baso sa bibig ko. Wala na akong nagawa kundi inumin ang laman ng baso. Sa tuwing tumitingin ako sa kulay asul niyang mata ay madali niya akong napapasunod.

Walang lasa iyong ininom ko pero bigla akong nahilo pagkainom ko. Inaantok ako.

“Dok, ready na ang operating room.” Narinig ko ang boses ni Nurse Kelly.

Napakapit ako sa braso ni Dr. Vlad Dee. “D-dok, uuwi na lang ako. Ayoko na pong…” Kahit tutol ako ay binuhat niya pa rin ako.

Dinala niya ako sa isang silid na merong operating table sa gitna. Nakatapat iyon sa isang surgical light. Inihiga niya ako doon. Nilagyan ng strap ang magkabila kong kamay at paa. Pagtingin ko sa kaliwa ay naroon ang iba’t ibang kagamitan sa pag-o-opera. Pero bakit may malaking lagari, kutsilyo at power saw?

Nahihilo na talaga ako pero hindi ko magawang ipikit ang aking mga mata. May pumipigil doon. Ito na siguro ang epekto ng ipinainom sa akin kanina. Takot na takot na ako. Gusto kong sumigaw at magsalita pero parang naparalisa ang aking dila. Naninigas iyon na parang may maliliit na karayom na tumutusok.

“Scalpel…” ani Dr. Vlad Dee.

Inabot ni Nurse Kelly ang scalpel. “Here, Dr. Vlad Dee!”

“Ano nga pala ang order ni Mrs. Rosemary?”

“One kidney. Kay Mr. Albert naman ay heart and lungs.”

“Okay. Hinga nang malalim, Lousie. This is going to be painful!” Isang mala-demonyong ngiti ang sumilay sa labi ng doktor bago niya hiniwa ang gilid ng aking tiyan gamit ang scalpel.






THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now