STORY #31: Never Leave

4.4K 297 29
                                    

DEDICATED TO: UmaruJane (Alessandra)

DEDICATED TO: UmaruJane (Alessandra)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





“BYE, Alessandra! See you on Monday!”

“Bye, guys! Ingat kayo!” Bumaba na ako sa nakahintong van sa tapat ng aking bahay. Isang tote bag at maliit na maleta ang bibit ko.

Galing kami ng mga friends ko sa Siargao. All-girls vacation. Tatlong gabi din kaming nag-stay doon kaya medyo nag-dark ang aking balat. Pero ayos lang sa akin na umitim ako. Gusto ko nga iyon, e. Saka naglalagay ako palagi ng sunblock kaya hindi ako nagkaroon ng sunburn. Maganda ang pagkaka-itim ng skin ko.

Nang umandar na paalis ang van ay kumaway pa ako sa kanila bago ako humarap sa gate at binuksan iyon. Ala-una na ng madaling araw kaya madilim ang kapaligiran.

Mag-isa lang akong nakatira sa bahay na ito. Sa edad na twenty nine ay nakapag-pundar na ako ng sarili kong bahay. Isa kasi akong car dealer at suma-sideline din ako sa pagbebenta ng cakes ang cupcakes sa online. Dream ko kasi na magtayo ng isang bakeshop kaya nagsisimula na ako ngayon. Two-storey ang bahay na naipatayo ko. May tatlong kwarto sa itaas at isang banyo.

Ang dalawang kapatid ko ay nasa abroad kasama ang parents namin. Ako lang ang nandito sa Pilipinas kasi choice ko. Mas gusto ko dito.

Humikab ako nang makapasok na ako sa loob ng bahay. Isinara ko ang pinto at ini-lock iyon. Binuksan ko ang ilaw. Napansin ko agad na may mali. Nakatumba ang isang upuan, nawala sa ayos ang sofa, may basag na pigurin at may bakas ng sapatos sa sahig. Parang putik na natuyo.

Kinabahan ako.

Unang tingin pa lang ay alam kong may pumasok sa bahay ko!

Pilit kong kinalma ang aking sarili. Alam kong sa mga oras na ito ay wala na ang nanloob sa bahay ko dahil tuyo na ang putik na bakas ng sapatos sa sahig.

Iniwan ko sa salas ang aking mga dala at pumanhik sa kwarto ko sa itaas. Binuksan ko ang ilaw doon at umupo sa aking working table. Binuhay ko ang aking laptop.

Kung sino man ang pumasok sa bahay ko ay baka makilala ko siya sa kuha ng CCTV camera na ipinakabit ko noong last week. Meron sa salas at sa labas kung saan kita ang main door. May isa rin sa likuran at sa kitchen. Maging sa hallway dito sa itaas ay meron din kaya halos lahat ng anggulo ay makukuha talaga.

Chi-neck ko sa laptop ang gabi na umalis ako. Binilisan ko na lang. Walang pumasok.

Sa ikalawang araw ay walang pumasok. Ngunit nang magdilim na ay may isang lalaking clown na may bag sa likuran ang umakyat sa gate at pumasok. Nakakatakot ang hitsura niya. Magulo at sabog ang kulay pula niyang buhok tapos parang nabubura na ang make-up niya sa mukha. Iyong damit niya. Kung hindi ako nagkakamali ay natuyong dugo ang mga mantsa na naroon!

Diyos ko! Kinikilabutang sigaw ng utak ko.

Kinalikot niya ang lock ng pinto sa unahan at madali niya iyong nabuksan. Pumasok siya sa loob. Tumayo sa gitna ng salas. Tiningnan ang mga pictures ko na nakasabit sa dingding. Natabig niya ang pigurin kaya nabasag iyon. Nainis siya kaya itinaob niya ang isang upuan.

Umakyat siya sa itaas at pumasok sa kwarto ko. Hindi ko na siya nakita dahil walang CCTV camera dito. Lumabas siya. Kapansin-pansin na may laman na ang bag niya. Pi-nause ko ang video. Tumayo ako at tiningnan ang drawer kung saan nakalagay ang aking mga alahas. Wala nang laman iyon.

Nanginginig na binalikan ko ang panonood sa na-record ng CCTV camera ko.

Bumaba siya sa salas at nagpunta sa kitchen. Kumain siya at umakyat ulit sa itaas. Pumasok sa isang kwarto at hindi ko na siya nakitang lumabas pa. In-skip ko nang in-skip ang footage. Tinitingnan ko kung lumabas ba siya ng kwartong pinasukan niya. Iyon ay sa katapat ng aking kwarto.

Fi-nastforward ko na ang video hanggang sa mag-umaga na. Hindi pa rin lumalabas ang lalaki sa kwarto. Hanggang sa naggabi na at nag-umaga ulit. Wala pa ring lumalabas na lalaki.

Hanggang sa maabot ko na ang dulo ng recording. Hindi talaga lumabas ang lalaki sa kwartong pinasukan nito.

Walang anu-ano’y nagtayuan ang balahibo ko sa batok. Natigilan ako nang may maramdaman akong parang naglalakad na tao sa likuran ko. Tumingin ako sa screen ng aking laptop at mula sa malabong repleksiyon doon ay nakita ko na may papalapit nga sa akin. At bago pa man ako makalingon o makasigaw ay may isang kamay na ang tumakip sa aking bibig at hinila ako palayo sa laptop!

Hindi! Hindi siya umalis. Hinintay niya talaga ang pagbalik ko.








THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now