STORY #40: Twin Sister 2

4.6K 286 63
                                    

DEDICATED TO: LunaNathalia (Luna)

DEDICATED TO: LunaNathalia (Luna)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.






AKO si Luna. Siya naman si Lena—ang aking kakambal. Magkamukhang-magkamukha kami at kahit ang mga magulang namin ay nalilito pa rin sa aming dalawa kahit na twenty years old na kami ni Lena. Hindi kami nagtataka dahil parehas ng hulma ang aming mukha. Parehas kaming maganda at sexy.

Sa kabila ng aming pagkakatulad sa pisikal na anyo ay ang malaking pagkakaiba naman ng aming pag-uugali. Tahimik at mahiyain si Lena habang ako ay palaban at mahilig makipag-away. Kaya ang palaging nangyayari ay ako ang nagiging tagapag-tanggol niya sa tuwing may umaaway sa kaniya lalo na noong mga bata pa kami.

Nadala ko hanggang ngayon ay ugaling iyon. Sa tuwing nagba-bar ako ay madalas akong napapaaway. Madalas na dahilan ay kapag nilalandi ko ang isang lalaki tapos meron palang girlfriend. Inaaway ako ng girlfriend at palaging umaabot sa pakikipagsabunutan, sampalan at ang pinaka malala ay noong hinampas ako ng bote ng alak sa ulo.

Gaya na lang ng gabing ito…

“You’re a slut! Ang kati mo! Alam mong may girlfriend na iyong tao pero nilalandi mo pa rin!” sigaw ng isang babae sa akin sa labas ng bar.

Matapos naming magpagulong-gulong sa kalsada habang nagsasabunutan ay inawat na kami ng mga bouncer. Pilit kaming pinipigilan ng mga ito na muling magkalapit.

“Siya ang unang lumapit! Palibhasa, ang chaka mo kaya tumitingin sa katulad kong maganda ang boyfriend mo!” Pang-iinsulto ko sa babae.

Nagsasabi ako ng totoo. Hindi talaga siya kagandahan. Puro branded lang ang mga damit at gamit niya pero hanggang doon lang siya.

“Hindi mo kilala ang binangga mong bitch ka! Humanda ka! Hindi pa ako tapos sa iyo!”

“Talagang hindi kita kilala! Sino ka bang chaka ka?!”

“My name is Amara de Leon! Magkikita pa tayo! Bitch!”

Doon na natapos ang pag-aaway namin. Umalis na ang pangit na si Amara sakay ng isang luxury car. Mukhang mayaman nga ang bruha. Pero wala akong pakialam sa yaman niya. Ang importante ay mas maganda ako sa kaniya. Ang dami-dami niyang pera tapos hindi niya magawang pagandahin ang mukha niya!

-----ooo-----

AMARA de Leon. Hindi ako makapaniwala sa result ng pagre-research ko tungkol sa nakaaway kong babae kagabi sa bar. Sobrang yaman pala niya. Anak siya ng isang multi-billionaire, isang heiress at unica iha. Kaya pala sa isang pangmayamang bar ko siya nakaaway. At ang mas nakakaloka ay ang nalaman ko sa isa kong kaibigan. Kilala daw si Amara de Leon na pumapatay sa mga kaaway nito. Doon ako kinabahan. Mali pala talaga ang nakaaway ko kagabi.

“Luna, pinapasabi nga pala nina mama at papa na two weeks pa daw sila kina lola. Medyo hindi na raw kasi maganda ang lagay ni lola ngayon. Alam mo na...” Bahagya akong nagulat nang biglang pumasok si Lena sa kwarto naming dalawa.

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now