STORY #69: Bored In The House

3.3K 229 29
                                    

DEDICATED TO: paumcieee (Princess)

DEDICATED TO: paumcieee (Princess)

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.











“TALAGA ba?! ECQ pa rin dito sa lugar natin? Last time ay ECQ na tayo, a!”

“Hay, naku! Dumadami daw kasi ang positive dito sa atin kaya ganoon. Hayaan mo na at mas ligtas tayo sa loob ng bahay!”

“Beach na beach na kaya ako! Sayang lang iyong binili kong bikini kung hindi ko rin magagamit!”

Iyon ang narinig ni Princess na pag-uusap ng dalawa niyang kapitbahay na nanay. Walang mask ang dalawa at talagang harapan pa ang pag-uusap. Walang social distancing.

Siya ay nakasuot ng disposable face mask at nakatambay sa gate ng kanilang two-storey house. Hinihintay niya ang pagdating ng GRAB dahil nagpabili siya ng grocery. Takot na kasi siyang lumabas ng bahay dahil patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 lalo na dito sa kanilang lugar.

Nakaka-paranoid din kasi kapag nasa labas. Mabuti sana kung may vaccine na para sa virus na iyon, e, wala pa rin hanggang ngayon.

Mag-isa lang sa bahay nila si Princess. Inabutan kasi ng lockdown ang mga magulang at kapatid niya nang umuwi ang mga ito sa probinsiya isang buwan na ang nakakaraan. Pinapadalhan na lang siya ng parents niya ng pera para sa pambayad ng bills at pang-gastos niya. Puro online na lahat ng transactions niya dahil nga sa takot niyang lumabas.

Nang dumating na ang grocery ni Princess ay pumasok na rin siya agad sa loob ng bahay. Dinisenfect niya ang mga iyon bago inilagay sa lalagyan. Naghugas siya ng kamay pagkatapos.

Maaga pa. Kakatapos lang niyang mag-almusal.

Humiga siya sa sofa sa salas. Bukas ang TV pero nakatutok siya sa kaniyang cellphone. Panay ang scroll down niya sa Facebook at Instagram. Salit-salitan ang dalawa.

Nagpakawala ng malalim na hininga si Princess. Napabuga siya ng hangin at tumingin sa kisame pagkatapos ipatong sa dibdib ang cellphone.

Sa loob ng isang buwan ay natapos na niya ang limang Netflix series na pinapanood niya. Sawa na siyang makipag-usap sa mga kakilala niya sa pamamagitan ng video call at chat. Paulit-ulit ang ginagawa niya sa araw-araw. Kakain, hihiga, maliligo, tutulog, manonood ng TV at magce-cellphone. Wala nang bago. Iyon at iyon lang.

'Yong totoo? Bored na bored na si Princess.

Ayos lang na nasa loob siya ng bahay pero sana ay may iba naman siyang ginagawa. Hindi iyong paulit-ulit na lang.

Muling kinuha ni Princess ang kaniyang cellphone. May isang message siyang natanggap sa kaniyang Messenger. Momo ang pangalan. Hindi niya ito friends sa Facebook kaya nagtataka siya kung bakit dumiretso sa mismong inbox niya ang message nito. 'Di ba, kapag ganoon ay sa Message Request muna?

Medyo creepy pa ang profile picture ni Momo. Mahaba ang mukha at may tuka. Itim at mahaba din ang buhok. Dalawang tuldok ang ilong at malaki ang bilog na mata.

100 Tales Of HorrorOnde as histórias ganham vida. Descobre agora