STORY #77: Pop, Pop, Pop

3.4K 212 39
                                    

DEDICATED TO: aaariac (Caira)

DEDICATED TO: aaariac (Caira)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




FOR SALE: Evil Porcelain Doll (Victorian) Named ‘Belladonna’

PRICE: P20,000.00 (free shipping)

RFS: I just can’t take this fucking creepy doll!

NOTE: If you’re brave enough, buy this evil doll!

Nakuha ang atensiyon ni Caira ng post na iyon sa marketplace ng Facebook. Naghahanap kasi siya ng manika na pandagdag sa collection niya at naalala niya na wala pa siyang porcelain doll kaya iyon ang hinahanap niya ngayon.

Bukod sa mga manika ay mahilig din siya sa weird na mga bagay. Interested din siya sa mga paranormal kaya para sa kaniya ay perfect ang post na nakita niya. Lalo na nang mabasa niya na evil doll si Belladonna. Imbes na matakot ay mas nakadagdag pa iyon sa dahilan para magustuhan niya si Belladonna.

Well, pwede naman na hindi totoo na evil doll iyon. Baka strategy lang ng seller pero wala siyang pakialam kahit fake advertisement pa iyon.

Tiningnan niya ang mga litrato ng manikang binebenta at aaminin niyang na-love at first sight siya dito. Buhay na buhay ang mga mata ni Belladonna kahit sa pictures. Kakaiba din ang ngiti nito. Hindi niya maintindihan kung nakangiti nga ba ito o nakangisi.

“Gusto ko ito!” Iyon ang agad na nasabi ni Caira pagkakita kay Belladonna sa pictures.

Sa takot na baka maunahan siya kay Belladonna ay tinawagan niya agad gamit ang cellphone ang number na kasama sa post. Isang matandang babae ang sumagot sa kaniya.

“Bibilhin mo na ba ang manika?” Iyon agad ang bungad nito. Mabilis itong magsalita na tila nagmamadali.

Medyo nagulat siya at hindi agad nakapagsalita.

“Y-yes. Gusto ko siyang bilhin.”

“Isi-send ko sa iyo ang account number ko. Doon mo ihulog ang pera. Kapag nakapaghulog ka na, i-send mo sa akin ang picture ng transaction details at ipapadala ko na ang manika.”

“Wait lang po. Paano ako makakasiguro na hindi kayo scammer—” Naputol na ang tawag nang hindi pa siya tapos sa pagsasalita.

Noong una ay inisip niyang hindi sinasadya ang pagkakaputol ng tawag pero nang subukan niyang tawagan ulit ang nagbebenta kay Belladonna ay hindi na niya ito makontak.

Nag-isip si Caira. Malaking halaga ang bente mil para sa manika pero gustung-gusto niya talaga si Belladonna. Tila ito na ang kukumpleto sa mga koleksiyon niya dahil ang ganoong uri ng manika na lang yata ang wala pa siya. Walang problema sa pera. Ang iniisip niya ay baka scammer ang babaeng iyon at mauwi sa wala ang pera niya. Hindi siya nagtatrabaho para ipamigay sa manloloko ang perang pinaghihirapan niya.

Ibinagsak ni Caira ang katawan sa malambot niyang kama. Mag-isa lang siyang nakatira sa two-storey house na hinuhulugan pa niya buwan-buwan. Isa iyon sa naipundar niya dahil sa kaniyang kasipagan kahit hindi pa lagpas sa numero sa kalendaryo ang edad niya.

Mataman siyang nag-isip at sa huli ay pikit-mata siyang nagpadala ng pera sa seller ni Belladonna nang matanggap niya ang bank account nito.

Lumipas ang isa, dalawa at tatlong araw. Kinakabahan na si Caira dahil hanggang ngayon ay hindi pa siya sinasabihan ng seller kung natanggap na nito ang pera. Hindi na niya makita ang Facebook account nito at kahit sa Messenger ay hindi na niya ito ma-kontak. Kung hindi siya naka-block ay baka nag-deactivate ito.

Ngunit ang lahat ng pangamba ni Caira ay parang bulang naglaho nang may makita syang malaking kahon sa labas ng kaniyang bahay. Hanggang beywang niya ang taas niyon. Galing siya ng gabing iyon sa trabaho.

“Belladonna…” Iyon ang agad na lumabas sa bibig niya.

Nagmamadali niyang kinuha ang kahon at ipinasok sa loob ng bahay. Binuksan niya iyon at napatili siya sa kasiyahan nang makitang si Belladonna nga ang laman niyon. Kung ganoon ay hindi pala siya na-scam. Natagalan lang siguro ang pag-ship ng manika.

Maingat niyang inilabas sa kahon ang manika. Gandang-ganda siya dito kahit hindi pa niya nakikita ng maayos ang kabuuan ng anyo nito. Nakabalot kasi ng bubble wrap si Belladonna.

“Bukas na lang siguro kita tatanggalan ng bubble wrap at baka maalikabukan ka.” Ganoon talaga si Caira sa mga manikang pagmamay-ari niya. Kinakausap niya ang mga ito na parang isang tunay na tao.

Dinala niya sa kwarto ang manika na nakabalot pa rin sa bubble wrap. Ipinatong niya iyon sa mini sofa doon. Nagpalit na siya ng pantulog at nagsepilyo. Matapos iyon ay pinatay na niya ang ilaw at humiga para matulog na. Wala siyang pasok bukas kaya maaasikaso niya si Belladonna.

Halos isang minuto pa lang na nakapikit si Caira nang may marinig siyang tunog ng kinukuyumos na plastik. Hindi niya iyon pinansin dahil sa labis na pagod at antok. Ang dami niya kasing ginawa sa trabaho kanina at ang magpahinga ang nasa tuktok ng utak niya ngayon.

Maya maya ay ibang tunog naman ang narinig niya. Tunog ng pinapaputok na bubble wrap!

Pop! Pop! Pop!

Inabot ng kamay niya ang lampshade at binuhay iyon. Tiningnan niya si Belladonna. Nanlamig siya nang makitang wala na iyon sa bubble wrap nito. Hindi niya natatandaan na inalis niya ito sa bubble wrap kaya ganoon na lang ang pagtataka niya.

Pero… hindi nga ba niya tinanggal ang bubble wrap? O baka nakalimutan niya na tinanggal niya dahil sa sobrang pagod at antok?

Baka nga ganoon.

Bumalik na ulit siya sa pagpikit matapos patayin ang lamp shade.

Pop! Pop! Pop!

Mabilis niyang binuksan ang lamp shade. Tiningnan si Belladonna. Nakahiga pa rin ito sa sofa at nakapaling ang ulo sa kaniya na para bang tinitingnan siya ng manika. Imposibleng si Belladonna ang nagpapaputok ng bubble wrap kaya saan nanggagaling ang tunog na iyon?

Ano ba, Caira? Kung anu-ano na ang tumatakbo sa isip mo. Pagod lang 'yan. Matulog ka na! saway niya sa sarili.

Muli niyang pinatay ang lamp shade.

Kakapikit pa lang niya ay narinig na naman niya ang bubble wrap.

Pop! Pop! Pop!

Mabilis niyang inabot ang lamp shade at binuksan iyon. Halos sumabog ang ulo niya sa pagtataka nang hindi makita si Belladonna at ang bubble wrap sa mini sofa.

Hangang sa narinig niya malapit sa tenga niya ang tunog ng bubble wrap!

Pop! Pop! Pop!

Paglingon niya ay nakita niya si Belladonna na nakatayo sa tabi niya. Hawak nito ang bubble wrap at isa-isang pumuputok ng kusa ang mga iyon.

Napasinghap si Caira kasunod ng paggapang ng takot sa kaniya nang mabilis na naglakad ang manika papunta sa kaniya at hinawakan ang ulo niya gamit ang dalawang maliliit nitong kamay.

Nahihintakutang nakipagtitigan siya kay Belladonna. Nararamdaman niya ang unti-unting pagdiin ng kamay nito sa ulo niya. “A-anong gagawin mo—”

Pop!

Gamit lamang ang mga kamay ni Belladonna ay nagawa nitong paputukin ang ulo ni Caira. Nawasak ang bungo niya. Sumambulat sa kama at dingding ang durog na utak at malapot na dugo!






THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now