STORY #72: Ben, Ted, Fred

2.9K 248 43
                                    

DEDICATED TO: Yoursreign (Reign)

PAKANTA-KANTA pa ako habang naglalakad papasok sa aming bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAKANTA-KANTA pa ako habang naglalakad papasok sa aming bahay. Paano ay napakasaya ko dahil sa tatlong lalaki na nanliligaw sa akin. Sila ay sina Ben, Ted at Fred.

Ang totoo niyan ay nahihirapan akong pumili sa kanila dahil pare-parehas silang mga gwapo at sweet. Ngunit may iba’t iba silang katangian na unique sa kanila.

Si Ben ang pinaka ma-effort. Last time ay isinakay niya ako sa helicopter na pagmamay-ari ng family niya at pumunta kami sa private island nila sa Quezon Province. Si Ted naman ay matalino. Maganda ang trabaho. Isa siyang pilot. Ang gusto ko sa kaniya ay palagi niyang ipinaparamdam sa akin na ako ang pinaka magandang babae sa buong mundo! Palagi niyang sinasabi ang magaganda kong katangian. Si Fred? Haay… Isa siyang sundalo. Matikas ang pangangatawan at talagang kayang-kaya akong ipagtanggol sa kahit na sino at sa kahit na anong sitwasyon.

O, 'di ba? Kahit sinong babae ay talagang mahihirapan na pumili kapag sabay-sabay kayong niligawan nina Bed, Ted at Fred.

Pero hanggang pangarap at inggit na lang kayo kasi ako ang niligawan nilang tatlo. Ako na ang pinaka maganda!

“Hala! Ang saya mo yata, Ate Reign. Anong meron?” Puna ng kapatid kong babae na nakaupo sa sofa at nanonood ng TV. Talagang napansin niya agad ang saya ko pagkapasok ko sa bahay.

Hmm. May naisip ako. Alam ko na ang gagawin ko…

Papapiliin ko ang members ng family ko sa tatlo kong suitors. Kung sino ang makakakuha ng maraming boto ay iyon ang mapipili. Majority wins, kumbaga. Tama. Ganoon ang gagawin ko. Saka para malaman ko rin kung sino talaga ang gusto ng family ko.

“May tanong ako sa iyo!” Masigla kong sabi sa kapatid ko.

“Ano 'yon, ate? 'Wag lang Math at bobo ako doon.”

“Sino ang mas gusto mo? Si Ben, si Ted o si Fred?”

Sandali siyang nag-isip. “Si Kuya Fred!”

One point, Fred.

Pumunta ako sa kitchen. Nandoon ang nanay at lola ko. Naghihiwa sila ng mga sibuyas at bawang. Siyempre, tatanungin ko rin silang dalawa.

“Mama, lola, I have a question. Sino ang mas gusto ninyo? Si Ben, Ted or Fred?”

“Ben!” sagot ni mama.

“Fred sa akin.” Si lola.

Two points, Fred. One point, Ben.

Eksakto. Lumabas ang kuya ko sa banyo. Bagong ligo.

“Kuya, sinong mas gusto mo? Si Ben, Ted o si Fred?”

“Si Ted.” Tatango-tango niyang sagot.

Two points, Fred. One point, Ted and Ben.

Umakyat ako sa second floor ng aming bahay. Nakasalubong ko si papa at kapatid kong lalaki. Tinanong ko sila.

At ang sagot nila?

“Si Ted ang mas gusto ko, Reign.” Seryoso ni papa.

“Ang sa akin ay si Ben.” Iyon ang sagot ng kapatid ko.

Hala! Two points na silang lahat! Kinakabahan naman ako.

Sakto dahil isang member na lang ng family ang hindi nakakasagot sa question ko. Ang aking lolo na nasa kwarto niya. Nandoon siya palagi at nakahiga. Mahina na kasi si lolo kaya hindi na siya nakakaalis ng kwarto.

Pinuntahan ko siya. Nakahiga siya at nakatingin sa kawalan. Umupo ako sa gilid ng higaan niya at hinawakan ang isa niyang kamay.

“Lolo…” tawag ko.

“Hmm?” Obvious sa boses niya ang panghihina. Garalgal at mabagal.

“May itatanong po ako sa inyo. Sino po ang pinaka gusto ninyo? Si Ben, si Ted o si Fred?”

Medyo matagal siya bago sumagot. Maya maya ay tumingin siya sa akin at ngumiti. “Si Ben…” Tumawa siya ng mahina.

Ben wins with three points!

Well, gusto ko rin naman si Ben.

Iniwanan ko na si lolo ko sa kwarto niya. Bumaba ako at binuksan ko ang isang pinto na nasa ilalim ng hagdan. Pinto iyon papunta sa basement. Pagdating ko sa basement. Binuksan ko ang ilaw.

Sa pagbaha ng liwanag ay tumambad sa akin sin Ben, Ted at Fred. Nakatali ang mga kamay nila at nakabitin. Tanging brief lamang ang suot nilang tatlo. Bakas sa mukha nila ang panghihina. Puro pasa at sugat ang kanilang katawan.

Nilapitan ko si Ben. Nakatingala ako sa kaniya dahil sa nakabitin siya.

“Ikaw ang gusto nilang dinner, Ben!” Nakangiti kong sabi sa kaniya.

Pilit niyang inaangat ang ulo niya pero dahil sa nanghihina siya ay tanging pag-ungol lang ang nagawa niya.

THE END

100 Tales Of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon