STORY #34: Copy, Copy, Copy

4K 296 79
                                    

DEDICATED TO: Kentopia (Lander)

DEDICATED TO: Kentopia (Lander)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.







PIZZA, spaghetti, bavarian donuts at milk tea. Okay na. Wala naman akong nakalimutan sa mga paborito ng girlfriend ko.

Papunta ako ngayon sa condo unit niya kung saan ay mag-isa siyang nakatira. May dala akong mga ganito dahil may kasalanan ako sa kaniya. Matagal kasi akong hindi naka-reply sa chat niya kagabi dahil sa naglalaro ako ng Mobile Legends. Rank game kaya tutok ako sa game. Nang mag-reply ako ay tulog na siya. Tapos kaninang umaga ay inaway na niya ako.

Kaya naisipan kong bumawi sa kaniya sa pamamagitan ng pagdadala ng mga pagkaing paborito niya. Topakin kasi ang girlfriend ko at mahirap suyuin kaya sana ay maging effective ito.

Nasa condominium building na ako kung saan siya nakatira. Habang sakay ng elevator ay pina-practice ko na sa isip ko ang sasabihin ko sa kaniya.

“Beh, sorry na… 'Eto na, nagdala ako ng mga food para sa iyo.” Tama bang ganoon ang sabihin ko? Okay na siguro 'yon. Lalambingan ko na lang. Kiss sabay hug na rin.

Maya maya ay bumukas na ang elevator. Lumabas na ako at naglakad papunta sa unit ng girlfriend ko. May sarili na akong susi doon kaya hindi ko na kailangan na kumatok. Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat ako nang sinalubong ako nang mahigpit na yakap ng girlfriend ko.

“B-beh…” Naguguluhan kong bulalas. Nakakapagtaka kasi ang akala ko ay galit na galit siya. Halos isumpa na nga niya ako sa mga chat niya sa akin kanina, e.

Oo nga pala—iyong linya ko!

“Beh, sorry na, ha. Nagdala ako ng mga favorite foods mo—”

“Okay na iyon, beh! Hindi na ako galit sa iyo. I just missed you, Lander!” Inilayo niya ang sarili niya pero nakapatong ang dalawa niyang kamay sa magkabila kong balikat. Ki-niss pa niya ako sa labi. Sarap!

“Talaga, beh?” Hindi ako makapaniwala.

“Yes, Lander. Ayoko nang nag-aaway tayo ng matagal, e.” Dumako ang mata niya sa mga dala ko. “Wow! Anu-ano ba ang mga iyan?”

“Pizza, donuts, milk tea saka spaghetti. Puro paborito mo!”

“Thank you, beh! Mamaya ay may premyo ka sa akin!” Kumindat siya at kinuha ang mga bitbit ko. “Dadalhin ko lang ito sa kitchen para makain na natin tapos later ako naman ang kakainin mo!” Humagikhik siya at pakendeng na naglakad papunta ng kitchen.

Whoa! Pinagpawisan ako sa sinabi niya, ha!

Lander, kumalma ka! Sabi ko sa aking sarili.

'Buti na lang at always ready ako. May dala akong protection sa aking wallet. Magagamit namin iyon mamaya.

“Beh, punta lang ako sa CR, ha!” pasigaw kong sabi.

“Okay, beh!” sagot niya mula sa kitchen.

Nagmamadali akong pumunta sa banyo. Maliligo ako. Hindi kasi ako naligo nang umalis ako ng bahay. Malay ko ba na mapapasabak ako sa kama ngayon. Akala ko kasi ay galit na galit siya sa akin kaya hindi ako nag-expect.

Hinubad ko na ang damit at shorts ko. Isinampay ko iyon para hindi mabasa.

Nang buksan ko ang shower curtain para pumunta sa shower area ay muntik na akong mapasigaw nang makita ko ang girlfriend ko na nakasiksik sa isang sulok at umiiyak.

“B-beh?” Paanong nandito siya? Nasa kitchen siya, 'di ba?

Tumayo siya. Nanginginig ang buong katawan niya.

“Anong nangyari sa iyo?” Hinawakan ko ang magkabilang braso niya.

“Lander, tulungan mo ako! M-may gumaya sa akin! Iyong nakausap mo, h-hindi ako iyon. Ginaya niya lang ako!” sagot niya sa pagitan ng paghikbi. “B-bumili lang ako sa labas tapos pagbalik ko ay nandito na siya. Nagtago lang ako dito dahil natatakot ako sa kaniya!”

Kumunot ang aking noo. Nagsasabi ba siya ng totoo? Pero sino ba sa kanilang dalawa ang totoong nobya ko?

“Nagdududa ka ba? Inaway kita kagabi dahil ang tagal mong mag-reply! Tama ako, 'di ba?” Sa sinabi niyang iyon ay napag-isip ko na siya ang totoo at hindi ang mabait na sumalubong sa akin.

Kilala ko kasi ang girlfriend ko na kapag galit ay matagal humupa. Talagang lilipas pa ang ilang araw bago siya makipagbati sa akin.

“Anong gagawin natin, beh?” Medyo natatakot na tanong ko.

“Kailangan mo siyang patayin, beh! Hindi natin alam kung ano ba ang pakay niya pero malakas ang pakiramdam ko na may masama siyang binabalak!”

“Pero, beh, h-hindi ako mamamatay-tao!”

“Sigurado ako na hindi tao ang impostor na iyon, Lander. Kaya patayin mo na siya bago pa siya may gawing hindi maganda!”

Nakumbinse niya ako na patayin ang impostor. Lumabas ako ng banyo at iniwan ko doon ang aking girlfriend. Pagpunta ko sa kitchen ay nakita ko ang impostor na nagtitimpla ng orange juice. Habang hinahalo niya iyon gamit ang stirring rod ay naisip ko na baka nilagyan niya iyon ng lason.

“Beh! Nandiyan ka na pala. Oh… naka-boxer shorts ka lang, ha!” aniya sabay kindat.

Walang pagdadalawang-isip na dinampot ko ang kitchen knife na nasa ibabaw ng lamesa. Lumapit ako sa impostor at sinaksak siya gamit iyon sa kaniyang leeg.

Kitang-kita ko ang gulat sa mata niya. Napakapit siya nang mahigpit sa aking braso saka siya dumausdos sa sahig. Naiwan ang kutsilyo sa aking kamay. Dilat ang mata niya habang umaagos ang masaganang dugo sa sugat niya sa leeg.

Doon na lumabas ang girlfriend ko sa banyo. Tinulungan niya akong ibalot sa garbage bag ang katawan ng impostor. Pinagtulungan namin iyong hilahin papunta sa banyo.

Natigilan ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto na sinundan ng mabilis na yabag ng paa na parang tumatakbo. Sandali kong binitawan ang katawan ng impostor na nakabalot sa garbage bag upang luminga sa paligid at ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mata nang makita ko ang aking girlfriend na tumatakbo papunta sa aming kinaroroonan. May hawak siyang baseball bat at walang babala niyang hinataw sa ulo ang girlfriend ko na katulong ko sa paghila sa katawan. Walang malay na bumagsak ang katawan niya sa sahig.

“Lander! Tulungan mo ako! Siya 'yong impostor ko na nagtatago sa banyo! Tulungan mo ako! Patayin mo siya! Patayin mo siya!” Umiiyak niyang sabi sa akin. Kamukhang-kamukha siya ng nobya ko!

Naguguluhan na umatras ako habang nakaawang ang bibig. Parang sasabog na ang ulo ko dahil labis na akong naguguluhan. Girlfriend ko na ba talaga ang babaeng ito o baka impostor na naman?







THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now