STORY #41: Take Care Of My Baby

4K 256 33
                                    

DEDICATED TO: JudeEternity (Eternity/ Jude Eternity)

	DEDICATED TO: JudeEternity (Eternity/ Jude Eternity)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





“HON, nakahanap ka na ba ng babysitter sa app na sinabi ko sa iyo?” tanong ng asawa ni Eternity sa kaniya habang naglalagay siya ng make-up sa harapan ng salamin sa kanilang silid.

Nakabihis na ang asawa ni Eternity ng tuxedo habang siya ay isang eleganteng dress na kulay itim. Tinatapos na lang niya ang pag-aayos ng mukha. A-attend sina Eternity at ang kaniyang kabiyak sa isang party para sa mayayamang tao sa gabing iyon kaya ganoon ang kanilang ayos.

Hindi sila pwedeng magpahuli pagdating sa ayos sa mga dadala sa party. Puro influential na tao ang dadalo sa party at pagkakataon na nila iyon para makakilala ng tao na pwedeng mag-invest sa negosyo nila.

Kapwa young entrepreneur sila ng asawa niya at bago pa lang ang kanilang negosyo.

Naghahanap sila ng babysitter sa isang app na kung tawagin ay “Baby Care”. Isang app kung saan pwede kang mag-hire ng yaya-for-a-day o babysitter para sa inyong mga baby o anak. Nagkataon kasi na naka-leave ang nag-iisa nilang kasambahay kaya kailangan talaga nila ng pansamantalang mag-aalaga sa anak nila.

“Nakahanap na ako, hon. Look. Ito ang napili ko. Si Marita. Kaya lang ay wala siyang picture. Three hundred pesos lang ang per hour niya at maganda rin ang reviews sa kaniya,” sagot ni Eternity sa tanong ng kaniyang asawa.

“Sa wakas, makakaalis na rin tayo nang panatag ang loob. May magbabantay na sa anak natin!” Ang tinutukoy ng asawa ni Eternity ay ang one year old na anak nila. “Diyan din kasi kumukuha ng babysitter ang mga kaibigan ko kapag kailangan nila. Sila ang nag-recommend niyang Baby Care sa akin.”

Tumango-tango si Eternity. Magsasalita pa sana siya nang marinig nila ang doorbell sa gate ng kanilang bahay.

“Iyon na yata 'yong babysitter!” bulalas ni Eternity.

Iniwanan muna niya ang kaniyang asawa upang buksan ang gate. Isang babae ang nakita niya sa labas. Nakasuot ito ng bestida na kulay pula. Hanggang ilalim ng tuhod ang haba. Mahaba ang buhok ng babae. Sa hula niya ay bata pa ang babae. Siguro ay hindi lalagpas sa bente ang edad.

“Ikaw ba si Marita ng Baby Care?” agad niyang tanong.

“Ako nga po.”

“Ako si Eternity. Pasok ka. Ipapakilala kita sa aking asawa at sa aalagaan mo ngayong gabi.”

Nilawakan niya ang pagkakabukas ng gate para makapasok si Marita. Nakasunod ito sa likuran niya hanggang sa makapunta sila sa salas. Naroon ang asawa niya na karga ang kanilang baby. Malugod na ipinakilala ni Eternity ang kaniyang asawa kay Marita.

Matapos sabihin Ni Eternity kay Marita  ang mga dapat gawin nitong gawin at kailangan ng anak niya ay umalis na rin sila ng kaniyang asawa para magtungo sa party. Sa oras na iyon ay siguradong nag-uumpisa na ang party kaya kailangan na nilang magmadali.

Sa tingin naman ni Eternity ay nakuha na ni Marita ang intructions niya. Saka mukhang mapagkakatiwalaan ito at mabait kaya kahit paano ay panatag ang loob niya na iwanan dito ang baby nila ngayong gabi.

Sakay na sila ng kanilang kotse. Halos sampung minuto na ang nakakalipas simula nang umalis sila sa bahay.

Ang asawa ni Eternity ang nagmamaneho. Katabi siya nito. Tahimik lang siya habang nasa unahan ang tingin.

Walang anu-ano ay tumunog ang cellphone niya. May tumatawag. Number ni Marita. Sinagot niya iyon agad at baka may itatanong ito sa kaniya.

“Marita, bakit? May problema ba—”

“Ma’am Eternity, sa susunod po na nag-hire kayo sa Baby Care ng babysitter ay siguraduhin ninyo na hindi kayo aatras. Sa tatlong taon ko po sa Baby Care ay ngayon lang may client na nag-cancel kahit nandoon na ako sa bahay. Sorry pero hindi po kasi tama ang ginawa ninyo sa akin!” Mahinahon pero may kasamang sama ng loob ang tono ng pagsasalita ng babae sa kabilang linya.

Ganoon na lang ang pagkunot ng noo ni Eternity dahil sa pagtataka. “Marita? Si Marita ba ang kausap ko?” Paniniguro niya dahil hindi niya naiintindihan ang pinagsasabi nito.

Napatingin nang mabilis ang asawa niya sa kaniya.

“Ako nga po, Ma’am Eternity!”

“Teka lang. Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi mo. Bakit ganiyan ka magsalita? Maayos ka naming kinausap kanina sa bahay bago kami umalis—”

“Maayos po ba 'yong pinasabi ninyo sa kapatid ninyong babae na umalis na lang ako dahil hindi na ako kailangan? Nandoon na po ako sa bahay ninyo kanina. Nagsayang lang po pala ako ng pamasahe at oras!”

“Kapatid na babae? Wala akong kapatid na babae…” Sandaling natigilan si Eternity. “Ang sinasabi mo bang kapatid kong babae ay iyong nakasuot ng red na bestida?”

“Oo. 'Yon na nga! Pinaalis niya ako pagdating ko. Sige po. Bye na!”

“Sandali lang—” Naputol na ang pag-uusap nila ni Marita.

Biglang kinabahan si Eternity nang mahinuha ang nangyari. Napahawak siya sa braso ng kaniyang asawa. Pakiramdam niya ay mawawalan siya ng malay sa labis na kaba ng oras na iyon. Hindi niya makontrol ang panginginig ng kamay. Nanlalamig ang buo niyang katawan.

“B-bumalik tayo sa bahay…” aniya.

“Ano? Bakit? Late na tayo sa party—”

“Basta bumalik tayo sa bahay! Si baby!” Kulang na lang ay himatayin si Eternity. Kapag may nangyaring hindi maganda sa baby niya ay baka hindi niya mapatawad ang sarili habangbuhay.







THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now