STORY #92: New Housemate

2.5K 186 39
                                    


DEDICATED TO: LeeYon7 (Leeyon)

DEDICATED TO: LeeYon7 (Leeyon)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.








LEEYON—iyan ang pangalan ko. Tunog Korean pero hindi ako Koreano. Sadyang adik lang si mama sa Koreanovela noong ipinanganak niya ako.

Only child ako at si mama na lang ang kasama ko sa bahay. Last month ay naghiwalay na sila ni papa dahil may ibang babae si papa. Sa galit ni mama ay pinalayas niya si papa. Kaya naman daw niya akong buhayin nang siya lang. Sinabi iyon ni mama kahit alam namin parehas na hindi niya kaya. Government employee siya sa munisipyo at hindi ganoon kalaki ang sahod.

Kaya naisipan namin na ipa-rent ang kwarto ko tapos doon na muna ako matutulog sa kwarto ni mama. Doon kaming dalawa. Sa sahig nga lang ako matutulog pero ayos lang. Mas gusto ko rin iyon para kumportable ang mama ko.

Almost one week nang nakasabit sa gate ng aming bahay ang ROOM FOR RENT na sign pero wala pa ring nag-i-inquire kahit isa. Pero sabi ni mama ay huwag ko iyong alisin. Hayaan ko lang daw.

Isang gabi, kakauwi ko lang sa bahay namin mula sa bahay ng kaklase ko. Birthday-an. Medyo malayo kaya gabi na ako nakauwi. Bago iyon ay alam ko nang may uupa na sa kwarto ko. Kaninang umaga ay may nag-inquire daw. Si mama ang nakausap dahil wala ako. Mukhang mabait naman daw saka nahingan na niya ng police clearance.

So, in-expect ko nang pag-uwi ko ay may ibang tao akong maaabutan sa bahay. Hindi nga ako nagkamali. Pagdating ko sa bahay ay nakita kong nakabukas ang pinto ng dati kong kwarto at bukas ang ilaw.

Kumatok ako at sumilip.

Isang babae ang nakita ko na nagtitiklop ng mga damit sa ibabaw ng kama. Tumingin siya sa akin. Cute siya, in all fairness. Lalo na ang haircut niya na hanggang batok niya tapos may bangs. Mukha siya cute na anime character.

“Hello!” Siyempre, kailangan ko siyang i-welcome ngayong dito na siya titira sa aming bahay. “Anak ako ng may-ari ng bahay. Ako si Leeyon. Welcome sa bahay namin!”

“Salamat.” Matipid siyang ngumiti.

Iyon na 'yon? Hindi man lang niya sinabi ang name niya?

“Si mama pala? Parang wala kasi siya sa kwarto.”

“Makikipagkita yata sa kaibigan niya. Lumabas kanina.”

“Kanina pa?”

“Oo. Kanina pa.”

Tumango ako. “Ah, sige… Hintayin ko na lang si mama. Welcome pala ulit, ha!” Kinawayan ko siya at nagpunta na ako sa kwarto namin ni mama.

Bakit kaya babae ang kinuhang housemate ni mama? Akala ko ba ay ayaw niya na babae dahil baka daw magkagusto ako. Baka daw makabuntis ako habang nag-aaral pa. Advance din kasi siyang mag-isip. Kahit nasa hustong edad na ako ay parang teenager pa rin kung ituring niya ako.

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now