STORY #38: Meat Eater

3.9K 299 60
                                    

DEDICATED TO: ais_nicOLie (Analyn)

DEDICATED TO: ais_nicOLie (Analyn)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.









“ANALYN, gusto mo bang sumama sa amin after school?”

“Saan?” tanong ko sa kaklase kong babae habang mag-isa akong kumakain sa canteen ng steamed mixed vegetables.

Dalawa silang babae na lumapit sa akin.

“Mag-sa-samgyupsal!” Nagtawanan silang dalawa.

“Gaga ka! Vegetarian kaya iyang si Analyn! Siguro ang tae niyan ay kulay green!”

Napayuko ako at isinara ang aking baunan. Isinilid ko iyon sa aking bag at mabilis na naglakad palabas ng canteen. Lumapit lang pala sila sa akin para kutyain ang pagiging vegan ko.

Bakit ba may mga taong kapag may nakitang kakaiba sa kanila ay pinagtatawanan? Ile-label kang “weirdo” kasi iba ka sa kanila.

Bata pa lang ay hindi na ako kumakain ng karne dahil pinalaki akong ganoon ng aking mommy. Si daddy lang talaga ang hindi vegan sa amin. Nag-iisa nila akong anak. Ang daddy ko ang may work habang ang mommy ko ay sa bahay lang. Kahit may kaya ang pamilya namin ay never kumuha ng kasambahay ang mommy ko. Siya ang gumagawa ng lahat ng gawaing-bahay lalo na sa pagluluto ng pagkain naming dalawa. Strict si mommy habang spoiled ako kay daddy.

-----ooo-----

FINALLY… Tapos na ang last subject ko. Makakauwi na rin ako sa bahay namin. To be honest, gusto ko talaga ang pag-aaral at school kaya lang ay ayoko sa mga classmates ko dahil sa pambu-bully nila sa akin dahil sa hindi ako kumakain ng karne.

Pagdating sa bahay ay naabutan ko si mommy sa kusina na nagluluto ng kakainin naming dalawa para sa dinner. Hindi ko na tiningnan kung ano ang pagkain namin later dahil for sure ay gulay din naman iyon.

Dumiretso muna ako sa kwarto para magpalit ng pambahay at gawin na rin ang assignments ko.

Kapag ganitong oras ay padating na din si daddy mula sa work niya. Anytime ay nandito na siya sa bahay.

Eksaktong six o’clock ay dumating na si daddy. Sinalubong ko siya ng yakap. Na-feel ko na para bang malungkot siya.

Magkakasama kaming kumakain ng dinner. Steamed broccoli ang sa amin ni mommy habang inihaw na manok at rice ang kay daddy. Minsan ay naku-curious ako kung ano ba ang lasa ng karne ng manok, baboy, baka at isda. Alam ko na masarap pero hindi ko alam ang lasa. Buong buhay ko ay puro gulay ang kinakain ko.

Tahimik kaming kumakain. Walang nagsasalita. Nakakapanibago dahil madalas ay nag-uusap sina mommy at daddy.

“Sa iyo na si Analyn.” Napatingin ako kay daddy nang bigla siyang magsalita. Patuloy lang siya sa pagkain.

“Tingnan mo kung gaano ka ka-selfish!” Kay mommy naman ako napatingin. Nagtataka ako kung bakit ganoon ang pag-uusap nila. Parang galit si mommy.

“Walang mag-aalaga sa kaniya kung sa akin siya sasama…”

“Hindi ba kayang mag-alaga ng bata ng kabit mo? Ha?!” Malakas na hinampas ni mommy ng kamay niya ang lamesa.

Nagulat ako at napaiyak sa pagsigaw ni mommy.

“A-ano po ba ang nangyayari? Bakit kayo nag-aaway?” Naguguluhan kong tanong.

“May ibang babae ang daddy mo, Analyn! Aalis na siya dito dahil mas pinili niya ang kabit niya kesa sa ating dalawa!” Mabilis na sagot ni mommy.

“Ano ba?! Hindi mo ba pwedeng sabihin kay Analyn nang maganda?”

“Maganda? Anong maganda sa ginawa mo?”

“Daddy, totoo ba ang sinabi ni mommy?” Umiiyak pa rin ako.

“Yes, Analyn. Later ay aalis na ako. I’m sorry kung hindi kita maisasama. Promise ko sa iyo na bibisitahin kita dito nang madalas.”

“Pero, daddy, iiwanan mo ako…”

“But I’m still your daddy no matter what. Okay?” Inabot pa niya ang kamay ko at pinisil iyon.

Kinuha ni mommy ang plato niya at ibinato iyon sa sahig. Galit na galit siyang tumayo at umalis ng dining area. Umakyat siya sa kwarto nila ng daddy ko sa itaas.

-----ooo-----

THE next morning… Late na ako nagising dahil Saturday. Walang pasok sa school.

Bumaba ako sa dining area para mag-breakfast. Malungkot ako dahil alam kong hindi ko makakasabay sa almusal si daddy dahil umalis na siya kagabi. Naabutan ko si mommy na inaayos na ang mga kakainin namin.

“Mommy, bakit ganiyan ang food natin?” Nagtataka kong tanong.

May bacon, barbecue at thin-sliced meat sa table. May meat grinder din.

Meat, meat, meat!

Ano bang nangyayari kay mommy? Akala ko ba ay never kaming kakain ng meat?

“Just for a week, Analyn. Hanggang sa maubos ang karne na iniwan ng daddy mo freezer! Take a sit and let’s eat!” Maaliwalas ang mukha ni mommy at parang maganda ang mood niya ngayong umaga.

Medyo nakakapagtaka dahil dapat ay malungkot siya dahil umalis na si daddy.

Umupo na ako habang hinihintay siyang matapos sa paghahanda ng foods. “Mommy… ang daddy… Kailan siya bibisita sa atin?” Hindi mapigilang tanong ko.

Lumapit si mommy at hinaplos ang pisngi ko. “I don’t know. And if ever na hindi na siya bumalik, tandaan mo na lang na palagi siyang nasa loob natin. He’s always with us, Analyan.” Makahulugan niyang sabi sa akin.











THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now