STORY #33: 3:33

4.1K 277 25
                                    

DEDICATED TO: mstaurus199x (Vanessa)

DEDICATED TO: mstaurus199x (Vanessa)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.









3:16 AM…

Naalimpungatan si Vanessa. Pupungas-pungas siyang tumayo sa pagkakahiga sa kama para bumaba sa kusina. Nauhaw siya bigla. Nanunuyo ang lalamunan niya. Mag-isa lang siya sa kanilang bahay dahil umuwi sa probinsiya ang mama at papa niya kasama ang dalawang kapatid na nakakatanda. May pasok kasi siya mamayang umaga sa kaniyang trabaho at hindi siya pinayagang mag-leave ng kanilang boss.



3:18 AM…

Nakaramdam ng ginhawa si Vanessa nang masayaran nang malamig na tubig mula sa water bottle sa ref ang kaniyang lalamunan. Pabalik na sana siya sa silid niya nang mapansing nakaawang ang pinto sa back door. Tinatamad na isinara niya iyon. Hindi man lang siya nagduda na baka merong pumasok na ibang tao kaya iyon nakabukas. Inisip niya na kung merong pumasok na tao ay mag-iingay ang mga aso niya na nasa salas.




3:19 AM…

Nasa gitna na ng hagdan si Vanessa nang may marinig siyang yabag ng sapatos sa ibaba. Bumalik siya sa ibaba upang tingnan kung may tao. Pagbukas niya ng ilaw sa salas ay napasigaw siya nang makitang patay na ang tatlo niyang aso! May mga saksak ito at puno ng dugo!



3:22 AM…

Nakikipagpambuno si Vanessa sa pagsara ng pinto ng kaniyang kwarto sa lalaking hindi niya kilala. Nang makita niya ang kalunus-lunos na sinapit ng mga aso niya ay nagpakita sa kaniya ang isang lalaki na may hawak na duguang kutsilyo. Nahinuha niyang iyon ang pumatay sa kaniyang mga alaga. Matangkad ito at may tamang pangangatawan. Hindi niya makita ang mukha dahil may hood ang jacket na suot nito. Tumakbo siya agad sa kaniyang kwarto ngunit nang isasarado na niya ang pinto ay napigilan nito iyon.



3:25 AM…

“Umalis ka na! Tulungan niyo ako! Parang awa niyo na!!!” Paulit-ulit na sigaw ni Vanessa.

Halos maputol na ang ugat sa leeg niya sa kaniyang malakas na pagsigaw.

Nagpupumilit pa rin na pumasok ang lalaki sa kaniyang kwarto. Hindi na niya alam kung kaya pa ba niyang pigilan ang pinto. Nauubusan na siya ng lakas pero hindi siya susuko. Hindi siya makakapayag na mamatay sa kamay ng hayop na iyon!




3:26 AM…

Matapos ang ilang minutong pakikipagpambuno sa lalaki ay natalo si Vanessa. Malakas na itinulak ng lalaki ang pinto at bumukas iyon ng malaki. Napaatras siya at napaupo sa sahig. Marahang pumasok ang lalaki. Nakatingin ito sa kaniya habang siya ay umiiyak.

“Parang awa mo na… 'w-wag mo akong papatayin…” samo niya. Nakatingin siya sa kutsilyong tangan nito.



3:30 AM…

Naghahabulan sina Vanessa at lalaki sa kwarto. May saksak na siya sa likod at kamay. Hindi na niya magawang lumabas ng kwarto dahil sinira nito ang kandado niyon. Sigaw siya nang sigaw pero tila walang nakakarinig sa kaniya. Medyo malayo kasi ang bahay na pinaka malapit sa kanilang bahay.

Sa mga sugat na meron siya ay alam niyang hindi siya bubuhayin ng lalaki.



3:31 AM…

Nakita ni Vanessa ang nakabukas na bintana. Iyon na lang ang naisip niyang daan para makalabas siya ng bahay. Tatalon siya mula doon kahit alam niyang may kataasan ang kailangan niyang talunin. Gagawin niya ang lahat para lamang makatakas at mabuhay.

“Huwag mo na akong pahirapan! Hayaan mo na lang akong patayin ka!” sabi ng lalaki sa malalim at nakakatakot nitong boses. Sa kauna-unahang pagkakataon ay narinig niya ang pagsasalita nito.



3:32 AM…

Sinubukang tumalon ni Vanessa sa bintana kahit pa alam niyang pwede siyang mapahamak. Ngunit sasampa pa lang siya doon ay naabutan na siya ng lalaki. Nahablot siya nito sa buhok. Hinila siya nito palayo sa bintana. Nagwala siya. Pilit na kumawala pero hindi siya nagtagumpay.

Walang kahirap-hirap na binuhat siya nito at malakas na ibinagsak sa ibabaw ng kama.

Akmang tatayo siya agad pero naramdaman niya ang pagbaon ng malamig na talim ng kutsilyo sa kaniyang dibdib. Binunot iyon agad ng lalaki at itinarak din agad.

Pumaling sa kaliwa ang ulo ni Vanessa. Nakita niya ang oras sa kaniyang digital clock—3:33 AM. Iyon ang oras ng kaniyang kamatayan…

-----ooo-----

ISANG mahabang paghinga ang kumawala sa lalamunan ni Vanessa. Butil-butil ang pawis sa noo niya nang magising siya mula sa masamang panaginip na iyon. Hinihingal na nakahawak siya sa kaniyang dibdib. Parang totoo ang lahat ngunit masaya siya na panaginip lang pala.

Napapitlag siya nang marinig ang pag-ingit ng pinto ng kaniyang silid. Pagtingin niya doon ay nakita niya ang pagpasok ng isang matangkad na lalaki! Dahil sa ilaw sa labas ng kaniyang kwarto ay nakikita niya ang hawak nitong kutsilyo.

Gumapang ang takot sa kaniyang katawan.

Pagtingin niya sa digital clock na nasa ibabaw ng drawer sa tabi ng kama niya ay nakita niya ang oras.

3:32 AM na!

Mabilis na bumalik sa utak niya ang kaniyang panaginip. At kung magkakatotoo ang kaniyang panaginip, ilang segundo na lang ay mamamatay na siya…

3:33 AM…













THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now