STORY #27: The Show Must Go On

4.2K 302 24
                                    

DEDICATED TO: SayuriMa (Sayuri)

DEDICATED TO: SayuriMa (Sayuri)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.









“PLEASE welcome… The Blind Singer—Miss Sayuri!”

Pumanhik na ako sa maliit na stage nang tawagin ako ng host ng private party na iyon ng isang mayamang pamilya. Inaalalayan ako ng isang babae na hindi ko kilala. Sa isang private island ginaganap ang party na iyon. In-invite ako ng pamilyang iyon dahil sa paborito daw ako ng kanilang lolo at lola. Humahanga daw sila sa akin dahil kahit na bulag ako ay mahusay akong kumanta at hindi ako sumusuko sa buhay.

Iyon ang akala nila. Ang totoo kasi ay hindi ako talaga bulag. Gimik ko lang ito para sumikat at kumita ng maraming pera.

Alam ko na magaling talaga akong kumanta pero sa dami ng mahuhusay at mas mahuhusay na singer ngayon ay matatabunan ako. Kaya nag-isip ako ng magandang gimik at ang pagpapanggap na bulag nga ang naisip ko.

One year pa lang ako sa pagiging profesional singer ay nagkaroon na ako ng dalawang albums na bumenta nang husto at isang major concert na magkakaroon ng repeat sa susunod na taon. Dahil din dito ay nabibili ko na ang lahat ng gusto ko.

So far ay wala pa namang nakakabuko sa akin. Ang nakakaalam lang ng sikreto ko ay ang pamilya ko at ang aking manager. Sinabi na lang namin sa iba naming kakilala na naaksidente ako at nabulag para hindi magtaka ang mga iyon kapag nakita akong bulag sa TV.

Iginiya ako ng umaalalay sa akin sa isang stool chair. Umupo ako doon at binigyan ako ng mikropono na may stand. Nakasuot ako ng gold na gown na hakab sa aking sexy na katawan. May shades ako na sobrang dark. Mahirap na at baka makita nila ang mata ko na walang deperensiya.

Ako lang ang mag-isang nagpunta dito. Wala akong kasama. Kahit na ang sabi ng manager ko ay kasama siya dapat. Ayaw ng pamilya na maraming tao sa party kaya wala na itong nagawa. Sumunod na lang kami dahil tumataginting na one million pesos ang ibabayad sa akin para kumanta lang ng isang gabi.

Sinundo lang ako sa bahay ng mamahaling sasakyan at isinakay ako sa isang yacht papunta sa islang ito.

Bale, kakaunti lang ang dumalo sa party dahil for family only daw. Narinig ko iyon.

Nasa harapan ng stage ang dalawang matanda na mag-asawa. Puro puti na ang buhok nila. Kita ko ang saya sa mukha nila habang nakatingin sa akin. Idol na idol nga talaga nila ako. Nasa likuran nila ang tatlo nilang anak. Dalawang lalaki at isang babae. Kasama ng mga iyon ang kani-kanilang asawa at anak. Bawat isang anak ay isang lamesa kaya tatlong malalaking table ang nasa likuran ng dalawang matanda.

Super rich nga talaga ang pamilyang ito. Hindi biro ang makabili ng ganitong island, ha! Sabi ko sa aking sarili.

“You can start to sing now, Miss Sayuri…” Todo ang ngiti na sabi ng matandang babae.

“Okay po.” Kunwari ay hindi ko nakikita ang microphone sa harapan ko. Kinapa-kapa ko iyon at saka nag-smile.

Nang pumailanlang na ang tugtog ng isang lumang love song ay sinimulan ko na ang pag-awit…

Ang pag-ibig daw ay krus na kay bigat
Ang layuan ka’y payo nilang lahat…
'Di ko magawa, mahal kitang tapat
P.S. I love you… 'Yan ba’y 'di sapat?

Ang kantang P.S. I Love You ni Sharon Cuneta ang isa sa mga paboritong kanta ng matandang mag-asawa kaya ito ang una kong kinanta. After nito ay kakanta pa ako ng isa tapos pahinga ng thirty minutes. Then after that ay ang last song ko na. Doon na matatapos ang pagtatanghal ko. Makukuha ko na ang bayad sa akin in cash!

P.S. Mahal na mahal kita
P.S. I love you walang iba
Huwag kang mag-alala 'di ako papadala
Sa sinasabi nila, sinta…

Habang nasa gitna ako ng pagkanta ay tumayo ang mga anak at asawa ng anak ng mag-asawang matanda. Umalis ang mga ito. Ang natira lang doon ay ang tatlong anak ng matanda na matamang nakikinig sa aking pagkanta.

Nanlaki ang mata ko nang kunin ng dalawang lalaki ang kutsilyo na nasa ibabaw ng lamesa at sabay-sabay na tumayo ang magkakapatid sa likod ng dalawang matanda. Kinutuban ako ng masama. Sa tingin ko ay may gagawin silang hindi maganda sa mga magulang nila.

Gusto ko sana silang pigilan o kaya ay bigyan ng babala ang dalawang matanda pero kapag ginawa ko iyon ay mabubuking nila na hindi talaga ako bulag. Malalagay sa alanganin ang career na ilang taon kong inalagaan. Kaya wala akong nagawa kundi ang magpatuloy sa pagkanta at magkunwaring walang nakikita.

Kung mangyari man, mayro’n kang mahalin
Na sa tingin mo’y higit pa sa akin…

Walang anu-ano’y sinaksak ng dalawang lalaki sa leeg ang dalawang matanda. Sunud-sunod. Kitang-kita ko ang pagbaon ng dulo ng kutsilyo sa kulubot na balat ng mga ito. Wala akong nakikitang awa sa mukha ng magkakapatid habang pinapatay ng mga ito ang sarili nitong mga magulang.

Nagtataasan na ang balahibo sa buong katawan ko. Sinasabi ng utak ko na tumakbo na ako pero malalaman ng mga ito na hindi talaga ako bulag.

Kailangan ko itong panindigan. Bulag ako. Bulag ako…

Magpakailanman, puso ko’y tanungin
P.S. I love you…
Magpahanggang libing!

Huminto na ang dalawa sa pagsaksak. Nakangiti ang babae. Puno ng dugo ang kamay ng dalawang lalaki. Nagkatinginan silang tatlo.

Inginuso ako ng babae. “Baka nakahalata ang bulag na iyan.” Pabulong niyang sabi. Kahit papaano ay naririnig ko siya sa gitna ng aking pagkanta.

“Hindi iyan. Hayaan mo lang siyang kumanta. Bulag naman iyan. Hindi niyan nakita ang ating ginawa.” Nakangising sabi ng isang lalaki.

“Ngayon, mapupunta na sa atin ang lahat ng kayamanan nina mama at papa!” turan pa ng isang lalaki.

P.S. I love you… Magpahanggang libing…







THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now