STORY #22: Video Call

4.8K 317 82
                                    

DEDICATED TO: Kuya_Onin (Nino)

DEDICATED TO: Kuya_Onin (Nino)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





ALA UNA na ng madaling araw. Gising na gising pa rin si Nino. Nakahiga siya sa kama, hawak ang cellphone at ka-video call ang kaniyang nobya na si Jewel. Simula alas otso hanggang ngayon ay magka-video call pa rin sila.

Dahil sa lockdown dahil sa pagkalat ng COVID-19 ay mas lalo silang hindi nakakapagkita sa ngayon. Kapwa naka-loudspeaker ang kanilang pag-uusap dahil hindi niya makita ang earphone niya. Si Jewel naman ay nasira ang earphone.

“Hindi ka pa ba inaantok, babe?” tanong ni Nino sa kaniyang nobya.

“Haay… Hindi pa rin, babe. Alam mo naman na medyo paranoid pa rin ako dahil sa nangyari sa akin.”

Isang buwan na ang nakakalipas nang may nakakakilabot at nakakatakot na nangyari kay Jewel. Habang nag-aalaga ito sa anak ng kapatid nito ay may nakapasok na serial killer sa bahay na kinaroroonan nito. Mabuti na lang at nakaligtas ito at ang pamangkin nito. Nahuli ang serial killer at ngayon ay nakakulong na.

“Babe, wala ka nang dapat ikatakot kasi nakakulong na iyong lalaki na iyon. Saka nandito naman ako. Kayang-kaya kitang ipagtanggol!” Pagpapakalma ni Nino dito.

Pabirong umirap si Jewel. “Sana lang talaga, 'no. E, paano mo ako maipagtatanggol? Lockdown! Hindi ka pwedeng pumunta dito.”

“Hayaan mo. Sabi naman sa news ay mali-lift na ang lockdown sa katapusan ng buwan. Makikita ko na ulit ang babe ko. Miss na miss na kaya kita!” Paglalambing ni Nino.

“I miss you too, babe… Sana nga makapagkita na ulit tayo.” Dumapa si Jewel. Medyo lumuwa ang dibdib nito sa suot nitong maluwag na t-shirt.

Isang pilyong ideya ang biglang pumasok sa utak ni Nino habang nakatingin sa kaakit-akit na tanawin ng kaniyang nobya.

“Babe?”

“Why, babe?”

“Pwede ba?”

“Pwedeng ano?”

“Pwedeng… alam mo na.” Binasa niya ng dila ang labi sabay kindat.

Nanlaki ang mata ng girlfriend niya. “Babe, ano ba? Nakakahiya!”

“Mabilis lang naman—”

“Okay, babe. I’ll just lock the door.” Ang bilis namang magbago ng isip nito.

Mabilis na tumayo si Jewel. Inilapag nito ang cellphone sa kung saan. Naririnig ni Reno ang yabag ng paa nito at ang nakikita niya sa video ni Jewel ay ang kisame.

Habang hinihintay ang nobya ay nag-open muna siya ng Facebook. Isang balita mula sa isang news page ang nakita niya. Nakalagay sa headline na nakatakas daw ang isang serial killer. Na-curious siya at binasa niya ang article. Kinabahan siya dahil nakumpirma niyang ang serial killer na naka-engkwentro dati ni Jewel ang nakatakas. Kapag nalaman iyon ng girlfriend niya ay siguradong mas matatakot ito.

“I’m coming na, babe!” Nang marinig ni Nino iyon ay ibinalik na niya ang video ni Jewel.

Kukunin na ng kamay ni Jewel ang cellphone. Pero mukhang dumulas iyon sa kamay nito. Nahulog iyon sa kama at aksidente pang nasipa nito. Nakita niya kasi ang paa nito na papalapit sa camera ng cellphone. Pumasok sa ilalim ng kama ang cellphone ni Jewel.

Nakuha naman iyon ni Jewel at muling itinutok ang cellphone sa mukha nito.

Nanlalamig si Nino. Nakatulala at bahagyang nakaawang ang bibig.

Bumalik na si Jewel sa ibabaw ng kama. “Ready na ako—” Kumunot ang noo nito. “Bakit nakatulala ka diyan? Gandang-ganda ka na naman sa akin, 'no!”

Imbes na magsalita ay nag-type na lang si Nino. Matapos niyang i-send iyon ay kalmadong lumabas ng kwarto si Jewel.

Pumikit siya at nagdasal na sana ay walang masamang mangyari sa kaniyang girlfriend.

Pagkatapos magdasal ay binasa niya ang message na si-nend niya kay Jewel: May nakita akong lalaki sa ilalim ng kama mo. Lumabas ka ng bahay ninyo at humingi ka ng tulong! Huwag ka na lang maingay.

Chi-nat na lang iyon ni Nino dahil kapag sinabi niya ay baka may ibang makarinig.

Kanina, nang pumailalim ang cellphone ay sumakto iyon na tumutok sa mukha ng lalaki. Pero dahil madilim at ang ilaw sa screen ng cellphone lang ang source ng liwanag ay mukha lang ang kaniyang nakita.

Hindi niya maiwasang kilabutan dahil nakangiti ang lalaki na para bang alam nito na nakita niya ito.










THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now