STORY #99: Thy Womb

2.7K 204 32
                                    


DEDICATED TO: HaymaeRodriguez (Hany)

DEDICATED TO: HaymaeRodriguez (Hany)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.








MASAYANG nagsigawan sina Hany at mga kaklase niya matapos na i-announce ng teacher nila na sembreak na. Isang linggo din silang mawawalan ng pasok. Mabibigyan na rin ng kulay ang matagal na drawing na outing nila sa probinsiya ng isa sa mga kaibigan at kaklase niya. Matagal na nilang pinaplano iyong magkakaibigan.

Bago sila umuwi sa kani-kanilang mga bahay ay pinag-usapan na nilang tatlo ang pagbabakasyon nila.

“Saan nga ulit iyong province ninyo?” tanong ni Hany sa kaibigan na si Sally.

“Sa Bicol. Mahabang biyahe. Kaya ba?”

“Kayang-kaya! Iyong tagal nga ng panloloko ng ex ko nakayanan ko, e!” Hugot ng isa pa niyang kaibigan na si Grace.

“Naku, hugotera!” biro ni Hany.

Naging maayos ang pag-uusap nilang tatlo. Mamayang madaling araw ang biyahe nila. Nakapag-book na rin sila ng ticket nila sa bus na sasakyan nila mamaya. Mas mabuti na ang maagang umalis para masulit nila ang ilang araw na wala silang pasok. Pagkakataon na rin nilang tatlo iyon para makahinga kahit papaano sa pag-aaral.

Ang sabi ni Sally ay marami silang gagawin sa lugar nito. Maliligo sa dagat, aakyat ng bundok, mamimitas ng prutas, kakain ng mga pagkaing sikat sa Bicol at kung anu-ano pa.

Payag na naman ang mga magulang niya sa pagbabakasyon niyang iyon kaya lang palagi siyang pinapaalalahanan na wala daw boys. Bawal daw ang may kasama silang lalaki at baka kung ano ang gawin nila. Conservative kasi ang parents niya.

Sumapit na ang oras ng pagsakay nila ng bus. Sa pangtatluhang upuan sila para magkakatabi silang magkakaibigan.

Bago umandar ang bus ay napakalaki ng ngiti ni Hany. “This is going to be a great vacation!” Masayang sabi pa niya kina Sally at Grace.

-----ooo-----

MAKALIPAS ang dalawang buwan…

Kinakabahan at natatakot na nakatulala si Hany sa harapan ng malaking salamin sa kaniyang kwarto. Tanging bra at panty lamang ang kaniyang suot. Papasok na sana siya sa school ng umagang iyon. Nagbibihis na siya nang may mapansin siyang kakaiba sa kaniyang katawan. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan. May kaunting umbok doon.

“A-ano 'to? B-buntis ba ako?” Naguguluhan niyang tanong.

Kung buntis siya ay paano iyon nangyari? Wala siyang natatandaan na nakipagsiping siya sa isang lalaki.

Hanggang sa may maalala si Hany. Iyong mga nangyari sa bakasyon nila sa Bicol. Binalikan niya sa kaniyang alaala ang nangyari sa ikalawang gabi nila sa maliit na baranggay kung saan nakatira ang kaibigan nilang si Sally…

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now