STORY #21: Over My Dead Body

4.7K 296 55
                                    

DEDICATED TO: RenaJijibaba (Rena)

DEDICATED TO: RenaJijibaba (Rena)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.






DEATH. Ito iyong pangyayari sa buhay na karamihan sa atin ay kinakatakutan nating dumating. Hindi kasi natin alam kung kailan tayo kukunin ni Lord, 'di ba? Walang babala. Walang sabi-sabi. Kapag oras mo na, oras mo na. Wala ka nang magagawa.

Gaya ko na lang. Sino ba namang mag-aakala na mamamatay na pala ako ngayong araw na ito? Wala. As in, wala.

Normal day lang naman ngayon. Gumising ako ng six in the morning. Normal na oras ng gising ko. Kailangan kasi ako sa company ko ng eight ng umaga. Kung gaya ng mga nakalipas na araw, after kong magising ay maliligo na ako. Then, breakfast at saka ako mag-aayos ng sarili.

Before ako umalis ng aking three-storey na mansion ay magbaba-bye muna ako sa mga alaga kong dogs. Meron akong twenty dogs na may iba’t ibang lahi. Pomeranian, bulldog, maltese, pug, husky at marami pang iba. Pagdating ko sa company ay work, work, work na ako. Kahit pa sabihing pagmamay-ari ko ang company ay hindi pwedeng tatamad-tamad ako. Baka gayahin ako ng mga tauhan ko, 'no. Isa iyan sa namana ko sa father ko—ang maging masipag kahit mapera.

After ng work ay uuwi na ako at saka ko lang makaka-bonding ang aking family—my parents at ang aking dalawang nakakabatang kapatid. Isang boy at isang girl.

Wala akong jowa. One week na akong single. Nakipag-break ako sa boyfriend kong Australian dahil napapansin kong napapadalas ang pagpapalibre niya sa akin. User ang damuho! Hindi ako magpapakapagod mag-work, work, work para lang sa batugan na katulad niya. Over my dead body!

Pero ang araw na ito ay hindi normal gaya ng aking inaakala dahil nang nasa CR na ako at maliligo na sana ay nadulas ako sa natapon na body wash sa sahig. “Ay puki ng dragon!” Iyon ang isinigaw ko.

Kasalanan ko rin pala. Paano, kagabi pagkatapos kong maligo ay napisil ko ang lalagyan ng body wash at tumapon sa sahig ang laman. Sa katamaran ko at gusto ko nang matulog ay hindi ko na iyon nilinis.

Feeling ko ay nasa isang movie ako. Naging slow motion ang lahat habang pahiga akong bumabagsak sa marmol kong sahig. Nag-flashback lahat sa akin lahat ng nangyari sa life ko. Simula noong nanuntok ako ng kaklase kong lalaki kasi itinaas niya ang palda ko. Saka iyong nag-graduate ako ng elementary, highschool at college. May first heartbreak, my first experience sa sex. Oo, lasing ako noon. Hanggang sa ipamana na sa akin ni daddy ang company. Thirty na daw kasi ako kaya dapat ay ako na ang nagpapatakbo ng kumpanya.

Hanggang sa tuluyang bumagsak ang katawan ko sa matigas na sahig. Unang tumama ang ulo ko. Malakas. As in, narinig ko ang pag-crack ng bungo ko.

Uminit ang likod ng ulo ko hanggang sa buong likod ko na ang mainit. Iyon pala ay dahil sa sarili kong dugo. Hindi ako makagalaw. Kumikibot-kibot ang gilid ng labi ko. Nakabukas ang mata kong nakatingin sa mamahaling kisame sa banyo.

Hindi ko alam kung gaano katagal ang lumipas bago ko narinig ang malakas na pag-atungal ng aking mommy. “Rena!!! My daughter! Rena!!!” Paulit-ulit niyang sigaw. She’s crying. Hindi niya malaman kung hahawakan ba niya ako o ano.

Habang sumisigaw ang mother ko ay pumikit na ang mga mata ko. Na-feel ko na parang may pwersang humihila sa akin palayo sa aking sexy body. Naramdaman kong lumulutang ko. Hanggang sa nakita ko ang sarili kong katawan na nakahiga sa sahig at duguan. Nasa tabi ang mommy ko na iyak pa rin nang iyak.

Dumating na rin ang daddy ko at dalawang kapatid. Lahat sila ay umiiyak.

Naka-float lang ako sa ibabaw ng aking body. Almost nasa kisame na ako. Nakangiti lang ako habang nakatingin sa aking katawan.

Hindi ako maka-feel ng panghihinayang na dead na ako. Siguro dahil kahit thirty two pa lang ako ay marami na akong nagawa. Maganda ang takbo ng company, graduate na ang mga kapatid ko at alam kong napasaya ko naman ang parents ko dahil naging good daughter ko. Hindi man ako nagkaroon ng anak at hubby ay ayos lang. Nakatikim naman ako ng Australian na gwapo.

Lord, okay na po ako. Happy pa rin ako na mamatay kasi secured na ang mga maiiwan ko… Tumingala pa ako sa itaas.

Pagtingin ko muli sa aking katawan ay may nakita akong kulay itim na usok na pumapasok sa butas ng aking ilong. Natakot ako dahil bakit may black smoke na pumapasok sa aking katawan? Anong ibig sabihin niyon?!

Matapos pumasok ng usok sa aking katawan ay nakita kong gumalaw ang talukap ng aking mga mata. Bumukas iyon nang mabagal at tumingin kina mommy.

“M-mommy…” sabi ng aking katawan.

“Oh my, God! Rena!” Niyakap ni mommy ang katawan ko.

Wait! Paanong—

Sino ang nasa katawan ko? Sure ako na hindi ako dahil nandito ako. Nandito ang kaluluwa ko!

“Tumawag kayo ng ambulansiya! Dadalhin natin sa ospital ang Ate Rena ninyo!” utos ni daddy sa dalawa kong kapatid. Nilapitan niya ang katawan ko. “Kapit lang, Rena. 'Wag mo kaming iiwanan!”

Ngumiti ang katawan ko. “Hindi po, daddy. Hindi pa po ako mamamatay…” At nagawa pa niyang tumayo na parang wala siyang malaking sugat sa likod ng ulo.

Niyakap pa niya ang mommy at daddy ko!

That bitch—ay, teka. Ako pala iyon.

Pero paano nga nangyari? Sino ang pumasok sa katawan ko?!

“Mabuti naman, Rena… Salamat sa Diyos…” umiiyak na sabi pa ng mommy ko.

Napaiyak na ako. “Mommy, Daddy! Hindi ako iyan! Nandito ako! Hindi ako 'yan!” Paulit-ulit kong sigaw. Ngunit kahit anong gawin kong sigaw ay hindi na nila ako naririnig.

Tumingala ang katawan ko na para bang nakikita niya ako habang may nakakalokong ngiti na nakapaskil sa kaniyang labi.








THE END

100 Tales Of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon