STORY #79: Full Moon Killer

2.8K 215 20
                                    

DEDICATED TO: Eunoia-Andra (Andra)

DEDICATED TO: Eunoia-Andra (Andra)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.








MAAGA akong nagising ng araw na iyon. Five pa lang ng umaga ay nag-aalmusal na ako mag-isa sa kusina. Pagkatapos ay nag-empake na ako ng mga damit at gamit na dadalhin ko sa pagka-camping namin ng mga kaibigan ko sa isang gubat. Inirekomenda iyon ng bagong boyfriend ng kaibigan namin.

Sa pagkakatanda ko ay sa Bicol ang lugar na iyon kaya magiging long drive ito.

Six o’clock ay dumating na ang kulay gray na van ng kaibigan kong lalaki para sunduin ako. Bale, pito kaming lahat. Apat na babae at tatlong lalaki.

“Baka nakalimutan mo ang make up kit mo, Andra!” biro sa akin ni Joseph na siyang nagmamaneho.

Inirapan ko siya. “Of course! Kailan ba ako walang dalang ganoon?” Alam kasi nila na I can’t live without make up.

Nakatulog ako sa buong biyahe. Nagising ako ay nakahinto na ang sasakyan at nasa labas na ang lahat maliban sa akin. Bumaba na rin ako at nag-stretch ng kaunti. Nakakangalay ang matagal na oras na nakaupo lang kaming lahat.

Medyo dumidilim na. Nasa harapan namin ang isang malawak na gubat.

“Hindi na makakapasok ang sasakyan sa gubat. Hanggang dito na lang iyan,” sabi ng boyfriend ng kaibigan namin na ang pangalan ay si Henry. Matangkad siya, malaki ang katawan at average looking. Not my type. Mukhang mabait dahil palaging naka-smile.

“So, what’s the plan now?” tanong ko.

“Obviously, maglalakad tayo hanggang makarating sa camp site, Andra,” sagot ng isa pa naming kaibigan na lalaki.

Ganoon na nga ang aming ginawa. Naglakad kami papasok ng gubat na dala ang aming mga bag. Nakakapagod dahil hindi ako sanay sa ganitong lakaran tapos maputik at mabato pa ang aming nilalakaran. Parang umulan dito kaninang umaga kaya ganoon ang lupa.

Makalipas ang halos isang oras ay narating na namin ang camp site. Madilim na kaya binilisan namin ang pagtatayo ng mga tent. Nag-set-up na rin kami ng bonfire at nagluto ng aming dinner. After ng dinner ay umupo kaming pito paikot sa bonfire para mainitan. Malamig ang klima doon kaya masarap sa pakiramdam ang init na nanggagaling sa apoy na nasa gitna namin.

“Parang ang sarap magkwentuhan ng katatakutan!” suggest ni Joseph.

“Please, Joseph! No!” tutol ko.

“Naku! 'Ayan na naman ang matatakutin na si Andra!” sabi pa niya at pinagtawanan nila ako.

“Bahala nga kayo! Basta I will just listen dahil wala akong horror story to share!” Pagtataray ko pa. Hindi kasi ako kumportable sa mga ganiyang klase ng kwentuhan dahil totoong matatakutin talaga ako.

Nagtaas ng kaliwang kamay si Henry. Lahat kami ay napatingin sa kaniya.

“May kwento ako. Nakakatakot…” sabi ni Henry.

“Talaga, babe? Excited akong marinig ang horror story mo!” ani ng girlfriend niya.

At doon na nag-start ang pagkukwento ni Henry. “Ang kwento ko ay tungkol sa isang serial killer na tinawag ng mga tao na Full Moon Killer…” panimula niya.

“Oh! Sakto. Full moon!” turan ni Joseph.

Automatic akong tumingin sa itaas para i-check kung totoo ang sinabi ni Joseph at nalaman kong full moon nga. Bilog na bilog ang buwan at sobrang liwanag. Parang bang nagmamalaki iyon.

“Bakit siya tinawag na Full Moon Killer?” tanong ng isa naming kaibigan.

“Tinawag siyang Full Moon Killer dahil pumapatay siya ng tao tuwing bilog ang buwan. Gumagamit siya ng palakol sa pagpatay. Wala siyang awa. Hindi siya marunong matakot. Wala siyang dahilan sa pagpatay. Basta may tao at kabilugan ng buwan ay papatayin niya ang taong iyon. At alam niyo ba kung saan pumapatay ang Full Moon Killer na sinasabi ko?”

Hindi ko alam kung sa hangin o sadyang kinilabutan ako kaya nagtaasan ang balahibo sa braso ko. Ang seryoso kasi ng pagsasalita ni Henry.

“Saan?” Ako na ang nagtanong. Niyakap ko ang aking sarili dahil sa lamig.

Tumitig ng diretso sa mata ko si Henry bago sumagot. “Dito. Sa gubat na ito. Dinadala niya dito ang mga binibiktima niya para patayin!”

“Boo!” Itinulak ako ni Joseph at napasigaw ako sa gulat.

“Fuck you, Joseph!” Mura ko sa kaniya. “Bwisit ka talaga!”

Tawa lang siya nang tawa. Paborito niya kasi akong takutin.

“E, ang seryoso mo kasi. Obviously, hindi totoo ang kwento ni Henry!” Patuloy sa pagtawa si Joseph habang ako ay nakasimangot sa pagka-asar sa kaniya.

Lahat kami ay natigilan nang tumawa si Henry nang mas malakas kay Joseph. “Nagkakamali ka, Joseph, dahil totoo ang lahat ng kwento ko tungkol sa Full Moon Killer!” Mula sa pagtawa ay unti-unting nagbago ang ekspresiyon ng mukha niya. Naging seryoso na ito. “Hindi niyo pa rin ba nakukuha kung bakit ko kayo dinala sa lugar na ito tapos kabilugan pa ng buwan?”

Kumunot ang noo ko sa pagtataka.

Napamaang na lang ako nang may napansin akong isang bagay na inilalabas niya sa likuran niya—isang palakol!






THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now