STORY #49: Knock, Knock, Knock

3.5K 260 23
                                    

DEDICATED TO: LittlePoppin (Stephanie)

DEDICATED TO: LittlePoppin (Stephanie)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





"COUSIN, I swear! Lola Rosemary is sooo weird! If I were you, hindi na lang ako pupunta sa house niya. Nasa daan ka pa naman. You can go back now sa Melbourne!" Nanlalaki ang mata ni Stephanie nang sabihin ng pinsan niyang lalaki na si Eurie na on the way na ito sa bahay ng kanilang Lola Rosemary.

Nasa airport siya at naghihintay na lamang ng oras ng pag-alis ng eroplanong sasakyan niya pabalik ng Australia. Galing na siya sa bahay ni Lola Rosemary noong nakaraang linggo at dalawang gabi lang siya na nag-stay doon kahit ang original plan niya ay three nights.

Nang malaman niya kasi na may sakit ang lola nila at mahina na daw ay agad siyang nagpa-book ng ticket pauwi sa Pilipinas para dalawin ito.

Tinawanan siya ni Eurie sa kabilang linya. "Weird? In what way?" tanong ni Eurie.

Humugot muna ng isang malalim na hininga si Stephanie bago niya ikinuwento ang naging karanasan niya sa bahay ni Lola Rosemary...

After so many years, finally ay nakabalik na rin ako sa house ng aking Lola Rosemary. Inabot na ako ng gabi sa paghahanap ng bahay niya because I can't remember na kung nasaan ang house niya kasi bata pa ako nang last time na nakapunta ako dito.

Sa video calls at phone calls ko lang nakakausap si Lola Rosemary and I was so shocked nang malaman ang laki ng ibinagsak ng katawan niya.

I hugged her agad nang makita ko siya. Kissed her sa forehead niya.

That night, she cooked sinigang na baboy for me dahil alam niya how I love her sinigang!

"Masisira naman ang diet ko sa inyo, lola!" I joked.

"Diet? Ang payat-payat mo na, apo. Tama na ang pagda-diet," pakli niya.

"Lola Rosemary, I'm planning to be a ramp model kaya dapat ay super thin ako!" Hamagikhik ako sabay higop sa maasim-asim na sabaw. "Yummy!" Nakapikit kong sabi na tinawanan naman ng aking loving lola.

"Ga'no ka pala katagal dito, apo?"

"Three nights, 'la. I have to meet my friends din kasi. Pero promise, before I go back to Australia I will make daan muna here."

"'Buti naman, Stephanie. Miss na miss ko na kayong mga apo ko. Lahat kayo. Sana bago man lang ako mawala dito sa mundo ay makasama ko kayong lahat."

"Lola, stop! Mahaba pa ang life mo. And don't worry, we're planning a family reunion here sa house ninyo kaya hindi lang mga apo ninyo ang makakasama ninyo kundi buong family!" Tumayo ako at niyakap si Lola Rosemary.

That night ay katabi kong natulog si lola sa kwarto niya. Nakayakap pa talaga ako sa kaniya kasi I really missed her...

-----ooo-----

THE next day ay naglakad-lakad kami ni Lola Rosemary sa tabig-dagat. Walking distance lang kasi ang dagat sa place ni lola. Pinainitan ko siya sa araw dahil napansin ko na ang pale na ng skin niya. Ako muna ang mag-aalaga sa kaniya habang nandito ako. Hindi naman ako mahihirapan dahil nandiyan ang nag-aalaga sa kaniya.

Sabay kaming nag-breakfast and lunch. Then I helped her sa paghihiwa ng vegetables. Pinakbet at pritong fish kasi ang ulam namin for dinner.

Tinuruan pa ako ni lola sa pag-cook ng pinakbet kasi fave daw iyon ng mother ko. Pagbalik ko daw sa Australia ay ipagluto ko si mommy at tiyak na matutuwa iyon sa akin.

Parang magiging fave ko na rin tuloy ang pinakbet ni Lola Rosemary dahil super delish niya pala talaga! Super full tuloy ako kahit I'm on a diet.

After ng dinner ay nasa salas na kami ni Lola Rosemary. Nanonood ng local TV show. Isang soap opera na hindi ako familiar. Nakahiga ako sa sofa habang hawak ang phone ko. Si lola ay nasa kaliwa ng sofa at nakaupo sa rocking chair niya. Ang naghuhugas ng aming pinagkainan ay iyong nag-aalaga sa kaniya na babae.

Dalawang soap opera ang natapos at parang hindi pa rin inaantok si Lola Rosemary. It's already eleven in the evening. Panay na ang hikab ko.

"Inaantok ka na yata, Stephanie..." Napansin yata ni Lola Rosemary ang paghikab ko.

"Medyo, lola. Ikaw po ba? Tabi ulit tayo, ha?"

"Hindi pa ako inaantok, apo. Kung gusto mo ay mauna ka na sa higaan. May papanoorin pa akong drama sa telebisyon."

"Okay, 'la!" Tumayo ako at ki-niss siya sa malambot niyang cheeks.

Papunta na sana ako sa kwarto niya sa second floor nang may marinig akong kumatok sa pinto. Tatlong mababagal na katok.

Lalapitan ko sana ang pinto para buksan nang bigla akong sigawan ni Lola Rosemary.

"'Wag mong bubuksan!" pigil niya sa akin.

"Why po?"

"Biyernes ngayon. Gumagala sa ganitong araw ang mga Kumakatok!" I saw fear sa eyes niya.

Kumunot ang noo ko. "Kumakatok? You mean, knockers or whatever?"

Tumayo si Lola Rosemary at nilapitan ako. "Ang Kumakatok ay tatlong demonyo na nagpapanggap na mga tao. Isang babae at dalawang matandang lalaki. Nakasuot sila ng kulay itim na talukbong. Kumakatok sila sa mga bahay at kapag pinagbuksan mo sila at nakita mo ang kanilang mga mukha ay magagawa nilang kunin ang iyong kaluluwa! Tatlong mababagal na katok ang palatandaan na isang Kumakatok!" Pabulong na sabi ni Lola Rosemary.

Muli naming narinig ang tatlong mababagal na katok.

"Huwag mong bubuksan ang pinto, Stephanie!" Tumingin siya sa gawi ng kusina at kinausap ang kaniyang tagapag-alaga. "Donita! Ipinasok mo na ba ang lahat ng tsinelas sa labas?"

"Opo, lola. Naipasok ko na lahat!" sagot ng nag-aalaga sa kaniya.

Muli siyang humarap sa akin. "Kailangang ipasok ang tsinelas tuwing gabi, apo. Dahil may mga elemento na kapag binulungan ang tsinelas mo na nasa labas ng bahay ay kusa kang lalabas at doon ka nila kukunin. Tandaan mo, apo. Hindi lahat ng kumakatok at nagsasabi ng 'tao po' ay tao!"

Tinawanan lang ng pinsan ni Stephanie ang kwento niya. "Don't worry, cousin. I will be fine. Saka isang gabi lang ako kay Lola Rosemary. Bukas ay babalik din ako ng Manila to visit my friends there."

"Bahala ka, cousin. Basta, I warned you. Walang sisihan. I have to go na pala. See you na lang sa Melbourne! Boarding na ang plane ko, e," sabi ni Stephanie at tumayo na siya sa kaniyang kinauupuan upang sumakay na sa eroplanong maghahatid sa kaniya sa Australia.






THE END

100 Tales Of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon