STORY #43: Messing With The Wrong House

3.9K 255 30
                                    

DEDICATED TO: YZthe2nd (Jordan)

DEDICATED TO: YZthe2nd (Jordan)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.







“TUMIGIL nga kayo! Nakakabingi na kayo! Naririndi na ako sa mga pag-iyak niyo!” Dinig na dinig ni Jordan ang sigaw na iyon ng asawa niya kahit nasa labas siya ng bahay nila.

Nakatayo lang siya doon habang nakatanaw sa malayo. Pinagmamasdan niya ang larawan ng kahirapan na nasa harapan niya. Mga sira-sirang bahay, mga batang marungis naglalaro at mga basurang kung saan-saan nagkalat. Nakaipit sa daliri niya ang walang sinding sigarilyo. Mababanaag sa mukha niya ang pagkabalisa.

Ang pagsigaw ng asawa niya ay sinasabayan ng pag-iyak ng tatlo niyang anak na wala pang almusal at tanghalian. Alas tres na ng hapon ngunit wala pa silang nailalaman sa kanilang sikmura.

Tuliro na ang utak niya. Hindi niya kasi alam kung saan ba siya kukuha ng pagkain o kahit pera man lang. Walang-wala na talaga siya tapos natanggal pa siya sa pinagtatrabahuhan niya sa isang pagawaan ng frozen meat. Sinabayan pa ng pagkakasakit ng bunso nila.

“Ano ba, Jordan?! Tutunganga ka na lang ba diyan?! Hindi ka ba gagawa ng paraan?!” sigaw sa kaniya ng asawa niya. Nasa likuran na pala niya ito. “Aba! Gutom na ang mga anak mo! Sa tingin mo ba ay magkakalaman ang sikmura nila sa pagtayo mo diyan?!”

Humarap siya dito. “Anong gagawin ko? Wala na akong trabaho. Puro na tayo utang! Wala nang nagpapautang na tindahan sa atin dahil hindi naman daw tayo nagbabayad!” aniya.

“Aba! Gumawa ka ng paraan. Baka mamatay na tayo nito sa gutom!”

“Oo na! Oo na!” Pumasok siya sa loob ng bahay at umupo sa sahig habang nakatingin sa tatlong maliliit na anak nila na panay ang iyak. Umiwas siya ng tingin sa mga ito dahil hindi niya maiwasang maawa.

Napakasakit para sa katulad niyang ama na makita na nagugutom at may sakit ang mga anak niya tapos wala siyang magawa.

“Kung hindi ka kasi natulog sa trabaho mo, hindi ka tatanggalin ng amo mo!” bulyaw ng asawa ni Jordan sa kaniya.

“Pagod ako kaya nakatulog ako sa trabaho kaya nakatulog ako. Hindi ko iyon ginusto!” Medyo napipikon na rin siya sa pagbubunganga ng asawa niya.

“Bakit mo sa akin sinasabi 'yan?! Doon mo sabihin iyan sa amo mo!”

Napaisip si Jordan. Kilala niya ang amo niya na si Mrs. Sy. Matanda na ito at istrikta. Mapagmataas at matapobre. Mag-isa lang ito sa bahay nito. Wala itong kasambahay man lang. Ano kaya kung puntahan niya ito at makiusap siya na ibalik siya nito sa trabaho? Wala namang mawawala kung susubukan niya. Ipapangako na lang niya na hindi na mauulit ang nagawa niyang pagtulog sa oras ng trabaho.

Tumayo siya at lumabas ng bahay.

“O, saan ka naman pupunta?” tanong ng kaniyang asawa.

“Basta!” aniya.

100 Tales Of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon