STORY #45: Suicide Note

4.2K 280 52
                                    

DEDICATED TO: heihyunn (Joriz)

DEDICATED TO: heihyunn (Joriz)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.







HUMAHANGOS na pumasok si Joriz sa bahay ng bestfriend niya matapos tumawag ang mama nito at sabihin sa kaniya na nagpakamatay ito.

Natagpuan daw na nakabigti ang kaibigan niya sa kisame sa kwarto nito kaninang umaga. Kakauwi lang daw ng mga magulang ng kaibigan niya mula sa probinsiya at iyon ang nakita ng mga ito sa bahay—ang wala ng buhay na katawan ng anak ng mga ito.

Bata pa lang sila ay magkasama na silang dalawa. Palagi silang magkalaro noon at sabay pa nga silang nagpatuli sa doktor.

Tigam sa luha ang mukha ni Joriz nang marating niya ang salas. Naabutan niya ang mama at papa ng kaibigan niya na nakaupo sa sofa. Umiiyak ang nanay ng kaibigan niya habang yakap ito ng asawa nito. Dama niya ang paghihinagpis ng dalawa.

“T-tita… tito…” Tawag niya sa dalawa.

Napatingin ang dalawa sa kaniya.

“Joriz!” Sumugod ang nanay ng kaibigan niya sa kaniya at niyakap siya. Alam kasi nito na labis din siyang nasasaktan. “Wala na ang kaibigan mo, Joriz! Wala na siya!” Iyak pa nito.

Iyak din nang iyak si Joriz. Nang medyo kumalma ang bawat isa sa kanila ay pumunta sila sa kwarto ng kaniyang kaibigan. Nakakabit pa sa kisame ang lubid na ginamit nito sa pagbigti. Kahit wala na doon ang kaibigan niya at ayon sa tatay nito ay nasa punerarya na ay parang nakikita niya pa rin itong nakasabit doon.

“Bakit niya po ito ginawa? W-wala akong makitang dahilan para magpakamatay siya, tita! Habang nasa bakasyon kayo ay ang saya-saya pa niya. Nag-inom pa nga kami noong isang gabi,” sisigok-sigok na saad ni Joriz.

“Nakalagay sa suicide note niya ang dahilan niya, Joriz,” sabi ng tatay ng kaibigan niya.

“Sandali at kukunin ko. Ipapabasa ko sa iyo.” Umalis saglit ang nanay ng kaibigan ni Joriz at pagbalik ay isang papel ang inabot sa kaniya.

“Iyan ang suicide note niya,” ani ng nanay ng kaibigan niya.

Binasa niya ang nakasulat sa papel…

Para sa mga taong nagmamahal sa akin,

Gusto kong humingi ng tawad sa inyo lalo na sa aking mama at papa dahil sa ginawa kong ito. Ayokong gawin ito dahil alam kong masasaktan kayo pero hindi ko na talaga kaya. Hindi ko na kaya ang depression na ito. Natalo na ako. Suko na ako. Sorry kung hindi ako lumaban pa.

Masaya man ako sa panlabas ay kabaligtaran naman iyon ng nasa loob ko. Sobrang lungkot ko, ang dami kong insecurities at mga problema na ako lang ang nakakaalam. Ilang beses kong sinubukan na mag-open up sa inyo pero nahihiya ako. Natatakot ako na mahusgahan. At ang tanging sagot na naiisip ko ay ang kamatayan.

Sa aking kaibigan na si Joriz… 'Tol, sorry kung wala ka nang makukulit at makakasama sa katarantaduhan. Hanggang sa muling pagkikita natin.

Mahal na mahal ko kayong lahat. Mama, Papa, I love you…

Paalam sa inyong lahat!

Halos hindi makahinga si Joriz sa labis na pag-iyak matapos niyang basahin ang suicide note ng kaibigan niya.

Bago niya ibalik ang suicide note sa nanay ng kaniyang kaibigan ay sinulyapan pa niya iyon ng isang beses. Lihim siyang napangiti. Nais niyang bigyan ng palakpak at standing ovation ang kaniyang sarili dahil kuhang-kuha niya pala talaga ang handwriting ng kaibigan niya. Wala nga talagang magdududa sa kaniya.







THE END

100 Tales Of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon