STORY #60: Fangirl

4K 238 36
                                    

DEDICATED TO: RubyBonghayag (Robina)

DEDICATED TO: RubyBonghayag (Robina)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.








YOUR video is uploading…

Video uploaded!

Debbie_06 liked your video.

Debbie_06 commented on your video. “Yay! New tiktok video from my number one idol. More pa po, Robina!”

Napabuga ako ng hangin nang makita ang notification na dumating sa aking Tiktok account. Kaka-upload ko pa lang ng dance cover ko ng “Marikit” ay may nag-like at comment na agad doon.

Walang iba kundi si Debbie. Ang schoolmate ko. Grade 10 ako siya ay Grade 9. Si Debbie ang tinaguriang ultimate weirdo sa school. Mahaba ang tuwid niyang buhok. Iyong bangs niya na makapal na halos matakpan na ang mata niya. Maluwag din ang uniform niya at malalim na malaki ang boses. FC din siya as in feeling close. Palaging nakikisali sa mga grupo ng magkakaibigan pero walang tumatanggap sa kaniya dahil sa hitsura at personality niya.

Madalas na mag-isa si Debbie dahil walang may gustong makipagkaibigan sa isang weird na gaya niya. Kahit naman ako. Hindi lang talaga ako vocal o showy sa pagpapakita ng hindi pagkagusto sa kaniya.

Well, fan ko si Debbie. Super fan to be exact. Iyan ay galing mismo sa bibig niya.

Simula nang mag-transfer siya sa school two years ago ay sinundan na niya ang lahat ng ginagawa ko sa social media. Napanood daw niya kasi akong sumayaw sa isang school program before at sobrang nagalingan siya sa akin. She added me on my Facebook pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ina-accept. Naka-follow din siya sa Instagram, Twitter, Youtube channel at Tiktok ko.

Kung pwede ko nga lang siyang i-block pero ayokong gawin. Na-touch kasi ako sa sinabi niya sa message niya sa akin sa Messenger na mga post at videos ko ang nagpapasaya sa kaniya. Bukod daw kasi sa maganda ako ay mabait pa. Isa pa, baka kapag bli-nock ko siya ay magalit siya sa akin. Baka kung ano ang gawin niyang hindi maganda.

Hay… kung alam lang ni Debbie. Gusto ko nang sabihin sa kaniya na layuan na niya ako. Hindi ko kailangan ng fan na kagaya niyang isang weirdo. Kahit pa hindi naman marami ang followers ko sa mga social media account ko ay hindi pa rin siya kawalan. Ewan ko ba kay Debbie kung bakit ako ang napili niyang idolohin. Marami naman diyang magagandang artista at influencers na magaling pang sumayaw kesa sa akin. Ako talaga?

The next day, sa school… Nasa gate pa lang ako ay sumalubong na sa akin si Debbie.

“Good morning, idol! Para sa iyo!” Inaabot niya ang isang box ng chocolate. “Nagpadala kasi si mama galing Dubai. Sa iyo na itong isang box.”

Patuloy ako sa paglalakad at hindi siya tinitingnan. “May allergy ako sa chocolate, e. Sorry,” tanggi ko.

“Pero nakita kitang kumakain ng chocolate noong isang linggo.”

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now