STORY #46: Food For The Dead

4K 283 41
                                    

DEDICATED TO: MODERNONGKATIPUNERO (Eurie)

DEDICATED TO: MODERNONGKATIPUNERO (Eurie)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



“COUSIN, I swear! Lola Rosemary is sooo weird! If I were you, hindi na lang ako pupunta sa house niya. Nasa daan ka pa naman. You can go back now sa Melbourne!”

Bahagyang natawa si Eurie sa exxagerated na pagsasalita ng kaniyang pinsan na babae habang kausap niya ito sa cellphone.

May nakalagay na bluetooth earphones sa kaniyang mga tenga at nasa dashboard ang kaniyang phone. Naka-open ang Waze app at sinusundan niya ang direksiyon papunta sa bahay ng kanilang Lola Rosemary. Nanay ito ng mother niya at mother ng pinsang kausap niya ngayon.

“Weird? In what way?” tanong ni Eurie.

Isang beses lang na nakita ni Eurie ang Lola Rosemary nila dahil malayo ang bahay nito sa city. Iyon ay noong nag-birthday ito maraming taon na ang nakakaraan. Sa pagkakatanda niya ay ten years old pa lang siya noon. After that, umalis na sila ng pamilya niya para manirahan ng permanente sa Australia.

Ngayong binata na siya ay muli siyang nagbalik sa Pilipinas para makita ang kanilang Lola Rosemary. Mahina na daw ito ayon sa panganay na kapatid ng nanay niya kaya bisitahin na nila ito habang buhay pa ito. May nag-aalaga naman dito na isang babae na binabayaran ng mga anak nito. Ayaw kasing umalis ng Pilipinas ni Lola Rosemary. Doon lang daw ito sa bahay nito dahil naroon lahat ng alaala ng yumao nitong kabiyak.

Ikinuwento ng pinsan ni Eurie sa kaniya ang isang pangyayari sa bahay ng kanilang lola. Nauna na kasi itong dumalaw doon noong nakaraang linggo.

Tinawanan lang niya ang kwento ng kaniyang pinsan dahil kilala niya ito na may pagka-exxagerated. “Don’t worry, cousin. I will be fine. Saka isang gabi lang ako kay Lola Rosemary. Bukas ay babalik din ako ng Manila to visit my friends there.” Balewala niyang sabi.

“Bahala ka, cousin. Basta, I warned you. Walang sisihan. I have to go na pala. See you na lang sa Melbourne! Boarding na ang plane ko, e.” Pabalik na kasi ito sa Australia. Doon din naka-base ang pamilya nito gaya nila.

“Take care, cousin. Bye!” At doon na natapos ang kanilang pag-uusap.

Lumipas pa ang ilang minuto at narating na rin ni Eurie ang bahay ni Lola Rosemary. Bago iyon ay may dinaanan pa siyang isang tulay na yari sa malalapad na kahoy kaya sobrang ingat siya sa pagtawid doon gamit ang kaniyang kotse. Matapos iyon ay nagtanong-tanong na siya sa mga taong nakikita niya sa daan.

Malaki ang bahay ni Lola Rosemary. Sementado ang mga dingding at yero ang bubong. Sa pagkakatanda niya ay merong apat na kwarto doon. Ang tatlo ay para sa tatlo nitong mga anak at ang isa ay para dito.

Bumalik tuloy ang alaala ni Eurie sa bahay na iyon. Isang beses lang siyang nakapunta doon ngunit hindi niya makakalimutan ang pagiging masayahin, palabiro, sweet at maasikaso ng kanilang Lola Rosemary. Kahit kaarawan nito ng araw na iyon ay talagang wala itong ginawa kundi makipaglaro sa mga apo nito. Nawalan na ito ng pakialam sa iba pang bisita.

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now