STORY #13: Not Home

5.4K 321 58
                                    

DEDICATED TO: OneMe_10 (John Michael)

DEDICATED TO: OneMe_10 (John Michael)

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.







UMIIKOT ang paningin ni John Michael habang nahihirapang i-shoot ang susi sa keyhole ng apartment kung saan siya nakatira. Madaling araw na. Alas dos na to be exact. Saturday night kaya nakipag-inuman na naman siya sa mga ka-opisina niya. Nakagawian na nila na mag-happy-happy kapag Sabado ng gabi. Magastos pero ayos na rin iyon kesa sa masiraan sila ng bait sa sobrang stressed sa trabaho nila sa opisina.

Sa wakas ay nagawa na niyang buksan ang pinto. Susuray-suray na pumasok siya sa loob at isinara din ang pinto. Ibinagsak niya ang sarili sa sofa. Nakatingala siya habang nakasandal. Tumatawa siya kahit walang nakakatawa. Ganoon naman yata talaga kapag lasing ang isang tao.

Patay ang ilaw sa buong apartment at ang tanging pinagmumulan ng liwanag ay ang ilaw mula sa poste ng ilaw sa labas. Nakabukas kasi ang bintana sa salas.

Napapitlag siya nang marinig ang paglagaslas ng tubig sa shower sa banyo. Doon lang niya napansin ang ilaw sa pagitan ng pinto ng CR at sahig.

“Tama na 'yan inuman na! Hoy, pare ko’y tumagay ka… Nananabik na lalamunan, naghihintay nag-aabang.” Mula sa loob ng CR ay may narinig siyang lalaki na kumakanta ng kanta ng sikat na bandang Parokya Ni Edgar.

Mahina siyang tumawa. Nandito pala ang pinsan niyang lalaki na kasama niyang nangungupahan dito sa apartment. Last week lang ito lumipat dahil sa malapit lang ang trabaho nito dito. Naisipan niya rin kasi na malaki ang matitipid niya kung meron siyang kahati sa upa. Ang pinsan na lang niya ang kinuha niya para alam niyang mapagkakatiwalaan.

“'Insan! Tama na iyang kanta mo! Sintunado ka na naman!” biro ni John Michael.

Patuloy pa rin ito sa pagkanta sa CR. “Tama na 'yan inuman na! Hoy, pare ko’y tumagay ka… Nananabik na lalamunan, naghihintay nag-aabang.”

Aalaskahin pa sana niya ito nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Mas lalo siyang natawa nang malaman na ang pinsan niya ang tumatawag. “At talagang gusto pa niya yatang iparinig sa akin ang pagkanta niya sa cellphone, ha. Sige nga!” Iiling-iling si John Michael.

Sinagot niya ang tawag ng pinsan niya. Inilagay niya sa isa niyang tenga ang aparato. “O, 'insan! Kakanta ka talaga—”

“'Insan, sorry, ha. Hindi ako matutulog diyan sa bahay. Nagkayayaan kasi ang mga ka-work ko na mag-inuman dito sa bahay ng boss namin. Dito na ako matutulog kasi wala na akong masasakyan pauwi. I-lock mo na iyong pinto. Bye!” Parang nagmamadali ito kaya matapos sabihin ang sasabihin ay agad na pinutol ang tawag.

Nanlamig ang buong katawan ni John Michael. Parang sasabog ang ulo niya ng oras na iyon. Kung wala dito sa apartment ang pinsan niya… sino iyong nasa loob ng CR at kumakanta pa?

“Tama na 'yan inuman na! Hoy, pare ko’y tumagay ka… Nananabik na lalamunan, naghihintay nag-aabang.”

Gumapang ang kilabot sa buong katawan niya. Nawala ang epekto ng alak sa kaniya dahil doon. Napatayo si John Michael habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa nakasaradong pinto ng banyo. Maya maya ay tumigil na ang paglagaslas ng tubig.

Napalunok siya ng sariling laway. Sinasabi ng utak niya na tumakbo na siya palabas pero ayaw sumunod ng mga paa niya dahil sa takot.

Marahang bumukas ang pinto. Isang kamay ng lalaki ang lumabas. “'Insan, paabot naman ng tuwalya!” sabi ng lalaki sa loob ng banyo.





THE END

100 Tales Of HorrorWo Geschichten leben. Entdecke jetzt