STORY #37: Piggyback

4.4K 288 64
                                    

DEDICATED TO: Klooky_Shadow (Ayra)

DEDICATED TO: Klooky_Shadow (Ayra)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.






“ANG sabi mo, gagawa ka na ng paraan para mawala sa landas natin iyang tanga mong asawa, Ayra! Naiinip na ako. Ilang taon na akong naghihintay. Ayokong maging kabit mo habangbuhay!”

“Nag-iisip na ako ng plano. Huwag kang mainip. Okay? Pinag-iisipan ko nang maayos ang lahat dahil ayokong sumabit ako kapag pinatay ko na ang asawa ko. And don’t worry dahil hindi ka magiging kabit forever! Remember, walang forever!”

Kausap ko ang aking kabit sa aking cellphone sa terrace ng kwarto namin ng aking asawa. Nakasuot ako ng manipis na pantulog. Sinamantala kong tawagan ang kabit ko habang naliligo sa banyo ang asawa ko.

Ang totoo niyan ay boyfriend ko na talaga ang aking kabit nang makilala ko ang asawa ko ngayon. Nagpakasal lang naman ako dahil sa kayamanan at sa perang makukuha ko oras na maunang mamatay ang asawa ko sa akin. Limang taon na kaming nagsasama pero wala pa rin talaga akong nararamdaman para sa kaniya. Patuloy pa rin kasi ang pakikipagrelasyon ko sa nauna kong nobyo kahit na may asawa pa ako.

Halos tatlong taon na rin naming pinaplano ng kabit ko ang pagpaslang sa asawa ko pero hanggang ngayon ay nananatili pa rin iyong plano dahil sa takot ko na sumabit. Ayaw ko naman na napatay ko nga siya pero nakulong naman ako. Paano ko makakasama ang lalaking mahal ko talaga at magpapakasasa sa pera kung mangyayari iyon, 'di ba?

“Palabasin mo na lang na nagpakamatay siya, Ayra. Matagal ko nang sinasabi iyan sa iyo!” sabi pa ng kabit ko.

“Ayra? Nasaan ka?” Nataranta ako nang marinig ang boses ng aking asawa.

“Sige na. Ako na ang bahala. Tatawag na lang ulit ako bukas. Bye. I love you!” Pabulong kong sabi sa kausap sa cellphone at in-end ko na ang tawag. “I’m here!” Pilit ang sigla na sagot ko.

Pinuntahan ako ng asawa ko sa terrace at binigyan ng mabilis na halik sa labi.

“Pwede bang i-massage mo ang likod ko, Ayra? Ang sakit ng likod ko dahil sa dami ng work ko kanina, e.” Paglalambing niya.

“Sure! Kunin ko lang iyong oil.” Umalis ako sa terrace at palihim na sumimangot.

Nandidiri kasi talaga ako sa kaniya kahit pa gwapo siya. Uto-uto kasi ang asawa ko pagdating sa akin. Bulag na bulag, kumbaga.

Kayang-kaya ko siyang paniwalain sa isang bagay na hindi totoo. Gaya na lang ng pagkukunwari kong allergic ako sa hipon. Nagluto kasi ang asawa ko ng buttered shrimps tapos naisipan kong mag-inarte. Kunwari ay nangangati ako dahil sa hipon. Alalang-alala ang tanga! Para makonsensiya siya ay sinabi kong kinain ko ang luto niya dahil luto niya iyon kahit pa alam kong allergic ako sa hipon. 'Ayon, sa sobrang konsensiya niya ay binigyan niya ako ng ticket papuntang Singapore at pera na pang-shopping. For two iyon, ha. Isama ko daw ang kaibigan ko. Ang akala niya ay friend ko ang kasama ko sa Singapore pero ang hindi niya alam ay kabit ko ang isinama ko. Masarap talaga ang buhay ko dito.

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now