Prologue

2.7K 64 2
                                    

Varsity Boys Series 2: The Love Encounter
Prologue

"Congratulation, for the successful operation Doc."

Bati sa akin ng mga kasamahan ko sa ospital. This operation is one of my major operation, yet after I finished my residency. It's a VIP patient that is why there's so much pressure on me. Nanood pa sa booth ang mga heads ng ospital including my father who is now the Chairman of this hospital.

"Congrats, son. You did very well." Salubong sa akin ng aking ama.

I just smiled a little. "Thanks." Sagot.


Binati pa ako ng mga directors at senior surgeon ko dahil sa matagumpay na operasyon ng anak ni Senator Enriquez.

Nagpaalam na rin ako sa kanila matapos ang ilang sandali at nagtungo sa doctor lounge upang makapag pahinga.


"You okay?"


Binuksan ko ang aking mga mata at sinulyapan ang taong nagsalita. It's my brother. Inilapag niya ang isang mug na naglalaman ng kape sa mesa sa aking harapan.


"Thanks. I'm good." Sagot ko. Sumimsim ako sa kapeng kaniyang ibinigay.


"You did an amazing operation today. It's time for you to go home and take some rest. You'll need it." Sabi niya saka tinapik ang braso ko bago umalis.


Sinundan ko lamang siya ng tingin hanggang sa mawala siya. Nagkibit balikat ako at iininom ang kapeng ibinigay niya.


Dahil wala naman na akong na schedule ngayong araw ay minabuti ko nang umuwi. I haven't gone home for almost forty-eight hours now, ngayon ko palang nararamdaman ang sobrang pagod.


Sa condo ako umuwi dahil ayoko nang magdrive masyado ng malayo sa bahay ko. Wala rin namang pagkakaiba kung sa condo ako umuwi dahil tulad sa bahay ay mag isa lang rin naman ako.


This is my life after my wife died eight years ago, a year after we get married. For a year, I teach myself to love her again the way I love her before just like what he asked me. I tried my best to fulfill my promised make her happiest in her remaining time.


I don't know if I fulfilled that promised. I did love her again, but that love is far different than the love I have for him. I make her smile but I don't know if I did really make her happy. I tried to, even I feel empty inside. Until now, I am thinking of it. I just wish the marriage we had was enough to make her happy.


As soon as I enter to my unit, darkness with a familiar loneliness greeted me like a friend. Hindi na ako nag abala pang sindihan ang mga ilaw dahil may kaunting liwanag namang nagmumula sa labas na tumatagos sa glass door ng veranda.


I rest for a little before I took my clothes and had a cold shower. Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako sa kusina upang kumuha ng beer na maiinom.


Mapait akong napangiti nang makita ang laman ng refrigerator ko. Puro bottled water at i-ilang beer in can na naman ang laman noon tulad noon bago siya tumira kasama ko sa iisang unit.


God! I missed him so much! Wala araw ang lumipas na hindi ko ginustong makita siya. Wala oras ang lumipas na hindi sumagi sa isip ko ang mukha niya.




It's been almost nine years, at hanggang ngayon umaasa akong muli kaming magkikita at mabibigyan


namin ng pangalawang pagkakataon ang naudlot naming kwento noon, tulad ng pangako namin sa isa't-isa.


Ang pangakong iyon, noong gabing binitiwan ko siya ang pinanghahawakan ko kung kaya hanggang ngayon ay nanatili pa rin akong magisa.


I'm eagerly waiting for the universe to let us meet again.


I took my phone and check his social media accounts. Sa mga nakalipas na taon, rito ko siya sinusundan. Sa mga larawan niya ako humuhugot ng lakas bawat araw upang magpatuloy. Umaasang isang araw, personal kong masilayan ang mga ngiting nasa kaniyang larawan.


Nanikip ang aking dibdib at nabalot ng inis at galit ang aking kalooban nang makita ang sumunod na bagong larawan sa kaniyang IG account.


It's him and Flynn Salazar, that damn guy! Matagal ko nang gustong malaman kung ano ang relasyon nila sa isa't isa at kung bakit sa parehong med school at ospital sila pumasok at nag intern.




Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa inis na nararamdaman ko. Pinatay ko na ang cellphone ko at inis itong inilapag sa mesa.


Alam kong wala akong karapatang magalit sa kung sino mang tao ang malapit sa kaniya dahil hindi siya sa akin ngunit hindi ko maiwasan ang aking damdamin.


Pakiramdam ko sa bawat araw na lumilipas unti-unti nawawalan ako ng tyansang muli siyang mahawakan.


"Fuck! I missed you so much Eli."




I woke up late the next morning, dahil sa dami nang nainom ko kagabi. Mabuti nalang at hapon ang duty ko sa ospital ngayong araw.


Ngunit kinailangan kong pumasok ng mas maaga roon dahil tinawagan ako ni Daddy at pinapapunta niya ako sa office niya.


Pagdating ko sa ospital ay dumiretso ako sa kaniyang opisina. I knocked twice before I opened the door.




Nabungaran ko sila ni Kuya Caspian na may kausap sa visitors area ng kaniyang opisina. Nakatalikod sa akin iyong kausap nila kaya hindi koi to kaagad nakilala.


"Dad." Pagtawag ko sa kaniya.


"Oh, andito na pala siya. Keano, come here I want you to meet our new resident doctor, Doctor Ethan Lionel Parson."


Pakiramdam ko napako ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang pangalang iyon.


Dobleng pagtibok ng aking puso nang humarap siya sa akin. Napa-awang ang aking bibig. Nais kong magsalita ngunit hindi ko alam kung anong salita ang aking sasabihin.


"Hi, Doc. Kean."


Halos mabingi na ako sa lakas ng pagkabog ng dibdib ko. Iyong taong gustong gusto ko nang makita, heto na siya sa harapan ko.


Naramdaman ko ang pagtapik sa aking balikat ni Daddy. "It's time for you to be happy." Bulong niya sa akin bago umalis kasunod si kuya.


Kami nalang dalawa ang naiwan sa loob. Pareho kaming nakatitig lamang sa isa't isa.




"Uh, Doc?" Tawag niya ulit sa akin.


Hindi ko na napigilan ang sarili kong tawirin ang ilang hakbang naming pagitan. Hinatak ko ang kaniyang kamay at upang yakapin siya ng mahigpit.


The moment I held his hands unexplainable happiness filled the emptiness inside of me. I wrapped my hands around him tightly, making sure I wasn't dreaming.


"Doc?" Muli niyang tawag sa akin.


"Dammit Eli! You don't know how much I waited for this day. I fucking miss you!" Bulong ko sa kaniya.




After eight long years, I have him again in my arms. I have the chance to love him again. This time, I will not let him slipped away. I will not let anything or anyone take this chance again.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now